Tanong
Ano ang ibig sabihin ng Bibliya sa "pagtatali at pagkakalag"?
Sagot
Ang konsepto ng Bibliya tungkol sa pagtatali at pagkakalag ay itinuturo sa Mateo 16:19: "Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit." sa talatang ito, direktang nagsasalita si Hesus kay Apostol Pedro habang nakikinig ang iba pang mga apostol. Ang pananalitang ito ni Hesus ay nangangahulugan ng pagbibigay karapatan kay Pedro na makapasok sa kaharian ng Diyos at pagkakaroon ng pangkalahatang awtoridad na sinisimbolo ng susi. Ang kanyang pangangaral ng Ebanghelyo ang kasangkapan sa pagbubukas ng kaharian ng langit para sa sasampalataya sa Ebanghelyo at sa pagsasara din naman ng pinto ng langit para sa mga hindi sasampalataya sa Ebanghelyo. Ipinakita sa aklat ng mga Gawa ang prosesong ito. Sa sermon ni Pedro sa araw ng Pentecostes (Mga Gawa 2:14-40), binuksan ni Pedro ang pintuan ng langit sa unang pagkakataon. Ang ekspresyon na "pagtatali" at "pagkakalag" ay pangkaraniwan sa mga legal na terminolohiya ng mga Hudyo at nangangahulugan ng pagbabawal at pagpapahintulot ng isang bagay.
Ipinagpatuloy ni Pedro at ng mga alagad ang gawain ni Hesus ng pangangaral ng Ebanghelyo dito sa lupa at ang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos sa mga tao taglay ang parehong kapangyarihan na taglay ng Panginoon. Sa Mateo 18:18, mayroon ding direktang pagbanggit sa pagtatali at pagkakalag sa konteksto ng pagdidisiplina ng iglesya. Hindi inangkin ng mga apostol ang pagkapanginoon at ang awtoridad ng Panginoong Hesu Kristo sa indibidwal na mananampalataya at ang kanilang patutunguhan sa walang hanggan. Ngunit ginamit nila ang kanilang awtoridad sa pagdidisiplina at pagtitiwalag ng mga hindi nagsisising miembro ng iglesya.
Pinagtitibay ni Hesus anuman ang ginagawa ayon sa Kanyang pangalan at sa pagsunod sa Kanyang Salita dito sa lupa. Sa Mateo 16:19 at 18:18, ang pagkagamit sa wikang Griyego ay parehong malinaw ang pakahulugan. Anuman ang iyong talian sa lupa ay tatalian din sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan din naman sa langit. Sa madaling salita, pinakakawalan ni Hesus sa langit ang kqpangyarihan ng Kanyang salita habang ipinangangaral ito sa lupa para sa katuparan ng Kanyang layunin.
English
Ano ang ibig sabihin ng Bibliya sa "pagtatali at pagkakalag"?