Tanong
Kung ang magtalik na ang magkasintahang hindi pa nakakasal, magasawa na ba sila sa paningin ng Diyos?
Sagot
Totoo na ang sekswal na ugnayan ang sukdulang kaganapan ng pagiging “isang laman” (Genesis 2:24). Gayunman, ang akto ng pagtatalik ay hindi katumbas ng pagaasawa. Kung totoo ito, wala ng kasalanan na tinatawag na “pagtatalik bago ang kasal” – kung pagkatapos na magtalik ng dalawang tao ay maituturing na silang magasawa. Tinatawag ng Bibliya ang pagtatalik bago ang kasal na “pakikiapid.” Paulit ulit itong kinundena ng Diyos sa Kasulatan kasama ang iba pang anyo ng sekswal na imoralidad (Gawa 15:20; 1 Corinto 5:1; 6:13,18; 10:8;Galacia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3; Judas 7). Isinusulong ng Bibliya ang pagtitiis na huwag munang makipagtalik bago ang kasal bilang pamantayan ng moralidad. Ang pagtatalik bago ang kasal ay kasinsama ng pangangalunya at iba pang anyo ng sekswal na imoralidad dahil ito ay pakikipagtalik sa hindi asawa.
Kung nagtalik na ang magkasintahang hindi pa nakakasal, maituturing na ba silang magasawa? Walang dahilan sa Bibliya upang paniwalaan ito. Ang akto ng pagtatalik ay nagpaging isa sa kanila sa pisikal, ngunit hindi ito nangangahulugan na pinag-isa sila ng Diyos bilang magasawa. Ang pagtatalik ay isang mahalagang aspeto ng pagaasawa. Ito ang pisikal na ugnayan na ginagawa lamang dapat ng isang magasawa. Ang pagtatalik sa pagitan ng dalawang taong hindi pa nakakasal ay hindi katumbas ng pagaasawa sa paningin ng tao at higit sa lahat, sa paningin ng Diyos.
English
Kung ang magtalik na ang magkasintahang hindi pa nakakasal, magasawa na ba sila sa paningin ng Diyos?