Tanong
Mali ba para sa magasawa na magtalik para lamang sa kasiyahan?
Sagot
Halos isang buong aklat ang inilaan sa Lumang Tipan para sa paksa ng pag-ibig at kasiyahan sa pakipagtalik. Idinetalye sa Awit ni Solomon na ang intesyon ng pagaasawa ay upang masiyahan ang isa’t isa sa pakikipagtalik at ginamit niya ang mga pigura ng pananalita upang maging katanggap-tanggap sa mambabasa at upang hindi ito maunawaan ng mga binatilyong Hebreo na hindi pa umaabot sa edad na labindalawa. Malinaw na ang intensyon ng Diyos para sa pagtatalik ng magasawa ay maging kasiya siya ito sa bawa’t isa. Tinalakay sa 1 Corinto 7:3-5 ang tungkol sa pagpipigil sa pakikipagtalik: “Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos. Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.”
Ang pagnanais sa kasiyahang dulot ng pagtatalik ay nilikha ng Diyos at itinalaga Niya ang pag-iisang dibdib, sa isang banda, upang bigyang kasiyahan ang pagnanais na ito. Ngunit sinasabi ni Pablo na dapat na iukol sa sariling asawa lamang ang pagnanasang ito at hindi ito dapat iukol sa iba. Dapat ding tiyakin na ang pakikipagtalik ay sa konteksto lamang ng relasyon ng magasawa, hindi para sa hindi asawa. Pansinin na sinabi ni Pablo na kung hindi natutugunan ng isa ang inaasahan ng kanyang asawa, maging ito man ay paglalaan ng panahon at pagbibigay ng kasiyahang sekswal, dapat iyong isangguni sa Panginoon upang hindi maghanap ang sinuman sa kanila ng kasiyahan sa labas ng kanilang relasyon.
Dahil sa paglaganap ng pornograpiya at pagyurak sa dangal ng pakikipagtalik sa mga nagdaang panahon, maraming tao (lalo na ang mga Kristiyano) ang nakakaroon ng ideya na mali ang kasiyahang idinudulot ng pakikipagtalik. Nalilimutan natin minsan na nilikha tayo ng Diyos upang makipagtalik at binigyan tayo ng emosyon upang maranasan ang kasiyahang dulot niyon. Hindi natin dapat hayaan si Satanas at ang kanyang mga kasinungalingan na hadlangan tayo upang masiyahan sa ating mga asawa at hindi tayo dapat bumagsak sa huwad na kasiyahang sekswal na iniaalok ng mundo. Ang kasiyahang ibinibigay ng Diyos sa pakikipagtalik ay totoo at kasiya siya; ang kasiyahang ibinibigay ni Satanas ay huwad at hungkag.
English
Mali ba para sa magasawa na magtalik para lamang sa kasiyahan?