Tanong
Ano ang ipinapahintulot/o hindi ipinapahintuloy na gawin ng mag-asawang Kristiano sa pagtatalik?
Sagot
Ang Biblia ay nagpapahayag na "Maging marangal nawa sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan; sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios." (Hebreo 13:4). Ang Banal na Kasulatan ay hindi kailan man nagpahayag kung ano ang ipinapahintulot o hindi na gawin ng mag-asawa sa kanilang pagtatalik. Ang asawang lalake at babae ay tinagubilinan, "Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon (1 Corinto 7:5a). Ang talatang ito marahil ang naglatag ng panuntunan patungkol sa kaugnayang sekswal sa mag-asawa. Ano man ang ginagawa, ito ay kailanganng pinagkasunduan. Sino man ay hindi dapat hikayatin o pilitin na gawin ang isang bagay na hindi siya nasisiyahan o inaakala niyang masama. Kung ang mag-asawang lalake at babae ay kapwa nagkasundo na subukan ang isang bagay (halimbawa, "oral sex," "different positions," "sex toys," atbp), samakatuwid ang Biblia ay hindi nagbibigay ng ano mang dahilan kung bakit hindi nila ito maaring gawin.
Gayon man, may mga ilang gawaing pang-sekswal na hindi pinapahintulutan sa mag-asawa. Ang pagsasagawa ng "swapping" o pagpapalitan ng asawa o "bringing in an extra" o pagdadala ng ekstra (tatlohan, apatan, atbp) ay masagwang pakikiapid (Galacia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3). Ang pakikiapid ay kasalanan kahit ang iyong asawa ay pumapayag, pinapahintulutan at sumasali dito. Ang pornograpya ay umaakit sa "masamang pita ng laman at masamang pita ng mata" (1 Juan 2:16) kaya samakatuwid ay isinusumpa din ng Dios. Ang mag-asawang lalake at babae dapat ay hindi kailanman dadalhin ang pornograpya sa kanilang pagtatalik. Maliban sa dalawang ito, walang malinaw na ipinagbabawal ang Banal na Kasulatan patungkol sa ginagawa ng mag-asawang lalake at babae sa isa't isa hangga't ito ay kanilang pinagkasunduan.
English
Ano ang ipinapahintulot/o hindi ipinapahintuloy na gawin ng mag-asawang Kristiano sa pagtatalik?