settings icon
share icon
Tanong

Dapat bang ipagwalang-bahala ng mga Kristiyano ang katuruan ng ibang relihiyon?

Sagot


Sa panahong ito ng pagwawalang bahala, ang kawalan ng pamantayan sa moralidad ang pinapupurihang katangian. "Ang bawat pilosopiya, pananaw at sistema ng pananampalataya ay may parehong merito" ang sabi ng isang relatibista at nararapat sa pantay na paggalang. Ang mga taong pinapaboran ang isang sistema ng pananampalataya ng higit sa iba - o lalo na - ang mga nagaangkin ng kaalaman sa isang nag-iisang katotohanang kinikilala ay itinuturing na makitid ang pag iisip, sarado ang isipan o kaya nama'y mga panatiko.

Ang iba't ibang relihiyon ay maaring mag-angkin ng pare-parehong katangian at ang isang relatibista o taong sumasang ayon sa lahat ay hindi kayang makita ang pagkakaiba. Halimbawa, ang Bibliya ay nagtuturo na "itinakda sa mga tao na minsang mamatay at pagkatapos ay paghuhukom" (Hebreo 9:27), samantalang ang ibang relihiyon naman sa silangan ay nagtuturo ng paglipat ng kaluliuwa ng isang namatay na tao sa isang isisilang na sanggol (reincarnation). Alin ang totoo? Isang beses lamang ba tayong mamamatay? O maraming beses? Ang dalawang katuruan ay hindi pwedeng maging parehong totoo. Ang isang relatibista ay lumilikha ng sariling mundo kung saan maraming magkakasalungat na "katotohanan" ang namamayani.

Sinabi ni Hesus "Ako ang daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko" (Juan 14:6). Ang isang Kristiyano ay tumanggap ng Katotohanan, hindi lamang ng isang konsepto, kundi ng isang Persona. Ang pagtanggap na ito sa Katotohanan ang maglalayo sa isang Kristiyano sa "bukas na pagiisip" sa ating panahon. Ang Kristiyano ay ipinahahayag sa publiko ang pananampalataya na si Jesus ay muling nabuhay mula sa mga patay (Roma 10:9-10). Kung tunay siyang naniniwala sa muling pagkabuhay, paano siya magiging "bukas ang isipan" sa sinasabi ng isang hindi mananampalataya na si Hesus ay hindi nabuhay na mag-uli? Para sa isang Kristiyano, ang itatwa ang malinaw na katuruan ng Salita ng Diyos ay katulad din ng pagtatwa sa Diyos.

Pansinin na binanggit namin ang mga pangunahing katuruan na aming sinasampalatayanan bilang halimbawa. Marami pang ibang katuruan gaya ng pagkabuhay na mag-uli ng katawan ni Kristo ang hindi maaaring ikompromiso. Ang ibang bagay ay puwedeng pagtalunan katulad ng sino ang sumulat sa Akalat ng Hebreo o ang kalikasan ng "tinik sa laman" ni Pablo. Hindi tayo dapat na magpakaseryoso sa mga pagtatalo sa mga bagay na hindi naman tiyak (2 timoteo 2:23; Tito 3:9).

Kahit na sa pagtatanggol at pakikipagusap tungkol sa mga pangunahing katuruan, ang isang Kristiyano ay dapat na magpakita ng paggalang at katiyagaan. Iba ang hindi sumang-ayon sa isang posisiyon kaysa sa manlait ng pagkatao ng iba. Kailangan nating manghawak ng buong katatagan sa katotohanan ngunit dapat na manatili tayong nagpapakita ng habag sa mga tao katulad ng ating Panginoong Hesu Kristo na puspos ng biyaya at katotohanan (Juan 1:14). Ipinakita ni apostol Pedro ang timbang na katangian ng isang Kristiyano na alam ang katotohanan at ipinagtatanggol iyon sa diwa ng kapakumbabaan. "Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot" (1Pedro 3:15).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat bang ipagwalang-bahala ng mga Kristiyano ang katuruan ng ibang relihiyon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries