Tanong
Ano ang wakas ng mundo o apokalipsis?
Sagot
Ang salitang ‘apokalipsis’ ay nanggaling sa salitang Griego na ‘apocalupsis’ na nangangahulugan ng ‘pagbubunyag, pagpapakita, pagaalis ng takip.’ Ang aklat ng Pahayag ay tinutukoy minsan bilang "Pahayag ni Juan" dahil ang Diyos ang nagbunyag ng pagwawakas ng panahon kay Apostol Juan. Bilang karagdagan, ang salitang Griego para sa ‘apokalipsis’ ay ang pinakaunang salita sa griegong texto ng aklat ng Pahayag. Ang salitang "Pahayag ni Juan" ay ginagamit upang ilarawan ang mga simbolo, imahe at mga bilang upang ilarawan ang mga mangyayari sa hinaharap. Bukod sa aklat ng Pahayag, ang iba pang halimbawa ng mga aklat na may ganitong tema sa Bibliya ay ang Daniel kabanata 7 -12, Isaias kabanata 24-27, Ezekiel kabanata 37 -41 at Zacarias kabanata 9-12.
Bakit isinulat ang mga aklat ng apokalipsis gamit ang mga simbolismo at mga imahe? Ang mga apokalipsis na aklat ay isinulat noong panahon na mas katanggap tanggap na ikubli ang mensahe sa likod ng mga imahe at simbolismo kaysa sa gumamit ng karaniwang mga pananalita. Bukod dito, ang mga simbolismo ay lumilikha ng elemento ng misteryo tungkol sa mga detalye ng lugar at panahon. Gayunman ang layunin ng ganitong simbolismo ay hindi upang magdulot ng kalituhan kundi upang turuan at palakasin ang loob ng mga mananampalataya sa darating na panahon ng kahirapan.
Bukod sa partikular na pakahulugan ng Bibliya, ang salitang ‘apokalipsis’ ay lagi ding ginagamit upang tukuyin ang pagwawakas ng mga panahon o ang mga huling bahagi ng pagwawakas ng panahon. Ang mga pangyayari sa pagwawakas ng panahon gaya ng muling pagdating ni Kristo at ang huling digmaan na tinatawag ding Armageddon ay tinukoy din bilang ‘apokalipsis.’ Ang Apokalipsis ay ang pinakasukdulang paghahayag ng Diyos ng Kanyang galit, hustisya at ng Kanyang pag-ibig. Si Hesu Kristo ang pinakasakdal na ‘apokalipsis’ ng Diyos na Siyang naghayag sa atin kung Sino at ano ang mga katangian ng tunay na Diyos (Juan 14:9; Hebreo 1:2).
English
Ano ang wakas ng mundo o apokalipsis?