settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pakikibakang espirituwal?

Sagot


Mayroong dalawang pangunahing pagkakamali sa ating kaalaman tungkol sa pakikibakang espirituwal—sobrang diin at mababang diin. Ang iba ay sinisisi ang bawat kasalanan bawat labanan, at bawat problema tungkol sa mga demonyo na dapat na palayasin. Ang iba naman ay lubusang ibinagwawalang bahala ang kahariang espirituwal at ang katunayang sinasabi ng Biblia na ang ating pakikibaka ay laban sa kapangyarihang espirituwal. Ang susi para sa matagumpay na paghahamok espirituwal ay tuklasin at timbangin ang maka-Bibliang pagtuturo na Diyos tungkol dito. May mga pagkakataon na si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo na nasa tao at mayroon din namang pagkakataon na pinagagaling Niya ang mga tao na hindi binabanggit ang tugkol sa demonyo. Si Pablo na apostol ni Kristo ay inatasan ang mga Kristiyano na paglabanan ang kanilang mga sariling kasalanan (Mga Taga Roma 6) at paglabanan ang kasamaan. (Mga Taga Efeso 6:10-18)

Ipinahahayag sa Mga Taga Efeso 6:10-12, “Sa katapus-tapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng Kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Diyos, upang kayo’y magsitibay labn sa mga lalang ng diyablo. Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa mga pamunuan,laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Itinuturo sa atin ng tekstong ito ang ilang napakamahalagang katotohanan: magiging malakas lamang tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, ang kagayakan ng Diyos ang magsasanggalang sa atin, at ang ating pakikibaka ay laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan.

Ang isang makapangyarihang halimbawa ng isang nilikha ng Diyos na malakas sa kapangyarihan ng Diyos ay si Miguel, ang arkanghel, na binanggit sa Judas 9. Si Miguel, ang malamang na ang pinakamakapangyarihan sa mga anghel ng Diyos, ay hindi pinagwikaan si Satanas sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan, at kaniyang sinabi kay Satanas, “Sawayin ka nawa ng Panginoon!” Sa Apocalipsis 12:7-8 ay nakatala na sa katapusan ng mundo si Satanas ay matatalo ni Miguel. Gayunman, sa mga pakikipagtalo kay Satanas, kinastigo ni Miguel si Satanas sa pangalan at kapangyarihan ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng ating kaugnayan kay Hesukristo na ang mga Kristiyano ay may kapangyarihan laban kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo. Dahil lamang sa Kaniyang Pangalan na ang ating pagkastigo kay Satanas ay may kapangyarihan.

Ang Mga Taga Efeso 6:13-18 ay nagbibigay ng paglalarawan ng espirituwal na kagayakan ng Diyos para sa atin. Dapat tayo ay maging matatag na ang ating mga baywang ay may bigkis ng katotohanan, na tayo ay may sakbat na baluti ng katuwiran, and ebanghelyo ng kapayapaan, ang kalasag ng pananampalataya, turbante ng kaligtasan, ng tabak ng Espiritu, at panalangin sa Espiritu. Ano ang kinakatawan ng mga pirasong ito ng espirituwal na kagayakan sa ating pakikibakang espirituwal? Dapat tayong magsalita ng katotohanan laban sa mga kasinungalingan ni Satanas. Dapat tayong magtiwala sa katotohanan na tayo ay ipinahayag na makatwiran dahil sa pagpapakasakit ni Kristo para sa atin. Dapat nating ipahayag and Ebanghelyo kahit pa man napakalakas ng pagtutol na ating tinatanggap. Huwag tayong mag-aalinlangan sa ating pananampalataya sa Diyos, kahit pa man napakalakas nag pag-atake sa atin. Ang ating tiyak na pananggalang ay ang kasiguruhan ng ating kaligtasan, kasiguruhan na walang lakas na espirituwal na makukuha ito sa atin. Ang ating panlaban na sandata ay ang Salita ng Diyos, hindi ang ating mga kuru-kuro o damdamin. Dapat nating sundin ang halimbawang ibinigay sa atin ni Jesus na ang ilang espirituwal na pagtatagumpay ay maaaring magkatotoo sa pamamagitan ng panalangin.

Si Jesus ang ating tunay na halimbawa sa espirituwal na pakikibaka. Manmanan kung paano Niya isinagawa ang mga atake ni Satanas sa Kaniya nang Siya ay tinutukso ni Satanas sa ilang. (Mateo 4:1-11). Ang bawat panunukso ni Satanas ay sinagot ni Jesus ng isang pamamaraan—sa mgang salita na, “Nasusulat.” Alam ni Jesus na ang Salita ng Diyos na buhay ay pinakamakapangyarihang sandata laban sa mga panunukso ng demonyo. Kung si Jesus mismo ay ginamit ang Salita ng Diyos para salungatin ang demonyo, kailangan pa ba nating gumamit ng iba pa?

Ang tunay na halimbawa kung papaano tayo ay hindi sumagupa sa espirituwal na pakikibaka ay ang pitong anak na lalaki ni Esceva. “Datapuwa’t ilan sa mga Judiong pagala-gala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu, ay nansipngahas na sabitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga masasamang espiritu, na nagsisipagsabi, ‘Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na Siyang ipinangangaral ni Pablo.’ At may pitong anak na lalaki ang isang Esceva na Judio, isang pangulong saserdote, na nagsisigawa nito. At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila’y sinabi, ‘Nakikilala ko si Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwa’t sinu-sino kayo?’ At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila, at sila’y kaniyang natalo, at nadaig sila, ano pa’t nagsitakas sila sa bahay nayaon na mga hubo’t hubad at mga sugatan.” (Ang Mga Gawa 19:13-16). Ang pitong anak na lalaki ni Esceva ay ginamit ang pangalan ni Jesus. Hindi ito sapat. Ang pitong anak na lalaki ni Esceva ay walang relasyon kay Jesus; dahil dito, ang kanilang mga salita ay walang bisa at walang kakayahan o kapangyarihan. Ang pitong anak na lalaki ni Esceva ay umaasa sa kapamaraanan. Hindi sila umasa kay Jesus na kanilang Panginoon at Tagapagligtas, at hindi nila ginagamit ang Salita ng Diyos sa kanilang espirituwal na pakikibaka. Dahil dito, sila ay tumanggap ng kahiya-hiyang pagkatalo. Sana naman ay matuto tayo sa kanilang masamang halimbawa at gawin natin ang pakikibaka espirituwal ayon sa itinuturo sa atin ng Biblia.

Sa kabuuan, ano ang mga susi sa matagumpay na pakikibaka espirituwal? Una, dapat tayo ay umasa sa kapangyarihan ng Diyos, at hindi ang sa atin. Pangalawa, kumastigo tayo sa pangalan ni Jesus, hindi iyong sa atin. Pangatlo, pagsanggalang natin ang ating buhay ng kabuuang kagayakan ng Diyos. Pang-apat, lumalaban tayo sa pamamagitan ng tabak ng Espiritu-ang Salita ng Diyos. Sa pangwawakas, ating tandaan na habang tayo ay nakikibaka ng espirituwal laban kay Satanas at ang kaniyang mga demonyo, hindi lahat ng kasalanan o suliranin ay demonyo na dapat kastigohin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pakikibakang espirituwal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries