settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkasundo ng Kristiyano sa Diyos? Bakit kailangan nating makipagkasundo sa Diyos?

Sagot


Halimbawang may dalawang magkaibigan na nagaway o nagtalo at ang kanilang magandang relasyon ay nagkalamat hanggang sa umabot sa punto na mahirap na silang magkaunawaang muli. Tumigil sila ng pakikipag usap sa isa't isa at ang komunikasyon ay naging napakahirap. Ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang magkaibigang ito ay maibabalik lamang sa dati sa pamamagitan ng pagkakasundo. Ang pakikipagkasundo ay nangangahulugan ng pagpapanumbalik ng maayos na relasyon. Kung manumbalik ang dating relasyon ng magkaibigang ito, ang pakikipagkasundo ay naganap. Sinasabi sa 2 Corinto 5:18-19, "Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya akong kaibigan---di na kaaway---at hinirang niya ako upang panumbalikin sa kanya ang mga tao. Ang ibig kong sabihin, ang tao'y ibinibilang ng Diyos na kanyang kaibigan sa pamamagitan ni Cristo, at nililimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala niya sa akin ang balitang ito."

Sinasabi sa ating ng Bibliya na ipinakipagkasundo tayo ni Kristo sa Diyos (Roma 5:10; 2 Corinto 5:18; Colosas 1:20-21). Ang katotohanan na kailangan natin na makipagkasundo sa Diyos ay nangangahulugan na ang ating relasyon sa Kanya ay nasira. Dahil banal ang Diyos, tayo ang dapat na sisihin. Ang ating mga kasalanan ang nagpahiwalay sa atin sa Kanya. Sinasabi sa Roma 5:10 na tayo ay dating mga kaaway ng Diyos: "Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak. Kaya't tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni Cristo."

Nang mamatay si Kristo sa krus, binigyang kasiyahan Niya ang hustisya ng Diyos at ginawang posible para sa atin na mga dating kaaway ng Diyos na makipagpayapa sa Kanya. Ang ating "pagkikipagkasundo" sa Diyos ay may kalakip na paglalapat ng grasya ng Diyos at ng Kanyang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Ang bunga ng paghahandog ng dugo ni Hesus ay ang pagbabago ng ating relasyon sa Kanya mula sa pagiging kaaway tungo sa pagiging kaibigan. "Hindi ko na kayo inaaring alipin" Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan" (juan 15:15). Ang pakikipagkasundo ng Kristiyano sa Diyos ay isang maluwalhating katotohanan! Tayo ay dating mga kaaway ng Diyos ngunit ngayon ay mga kaibigan na. Tayo ay dapat na isumpa dahil sa ating mga kasalanan, ngunit sa halip tayo ay pinatawad. Dati tayong nakikipagdigma sa Diyos, ngunit dahil sa ipinakipagkasundo tayo ni Kristo sa Ama, mayroon na tayong kapayapaan sa Kanyang harapan (Filipos 4:7).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkasundo ng Kristiyano sa Diyos? Bakit kailangan nating makipagkasundo sa Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries