settings icon
share icon
Tanong

Dapat ba na uminom ng pampakalma (anti-depressants) at mga gamot para sa sakit sa isip ang Kristiyano?

Sagot


Nakaaapekto sa milyon milyong mga tao ang pagkasindak, pagaalaala, pagkatakot at depresyon. Ang pagkasindak ay maaaring napakalala at maranasan ng walang babala ng isang tao. Para sa mga nakararanas ng ganitong problema, ang karanasang ito ay nagugat sa pagkatakot gaya ng takot sa pagtanggi ng iba, pagkatakot sa responsibilidad, at takot sa kawalang katiyakan ng hinaharap. Kung may bagay na magdulot ng pagtakot sa tao, ito ang magdudulot ng kawalan ng kontrol sa sarili. Ang pagatake ng takotay kalimitang napakasidhi at nakakaapekto sa katawan at isipan ng tao.

Bagamat pinaniniwalaan ng mga eksperto sa medisina na ang mga nasabing karamdaman ay nagmula sa sariling isip ng tao, may mga pagkakataon na chemical imbalance ang dahilan. Kung ganito ang kaso, kalimitang inirereseta ang mga gamot upang labanan ang imbalance na siyang gagamot sa mga sintomas ng sakit. Kasalanan ba ito? Hindi. Pinahintulutan ng Diyos na lumawak ang kaalaman ng tao sa medisina, na ginagamit ng Diyos sa proseso ng pagpapagaling sa mga karamdaman. Kailangan ba ng Diyos ang mga gamot na ginawa ng tao upang magpagaling? Hindi! Ngunit pinayagan ng Diyos na umunlad ang pagsasanay sa medisna at walang biblikal na dahilan upang hindi tayo makinabang sa mga ito.

Gayunman, may malaking pagkakaiba sa pagitan ng paggamit ng medisina para sa kagalingang pisikal at saykolohikal at paggamit sa medisina dahil sa pag-depende sa mga gamot para sa araw araw na pamumuhay. Kailangan nating kilalanin na ang Diyos ang ating Dakilang Manggagamot, at Siya lamang ang nagtataglay ng kapangyarihan upang tunay tayong magtamo ng kagalingan. Ang gamot upang bigyang lunas ang pagkasindak ay dapat lamang gamitin upang matutuhan ng may sakit na harapin ang ugat ng kanyang pagkatakot. Dapat itong gamitin upang ibalik sa maysakit ang kontrol sa kaniyang sarili. Ngunit kung ginagamit ng isang tao ang gamot upang takasan ang tunay na dahilan ng kanyang pagkatakot, ito ay pagtanggi sa responsibilidad, pagtanggi sa kagalingan na galing sa Diyos at pagkakait sa iba ng kapatwaran o pagtuldok sa isang masakit na nakaraan na siyang nagiging sanhi ng karamdaman. Kung ito ang dahilan sa pag-inom ng gamot, ito ay kasalanan dahil ito ay nagugat sa pagiging makasarili.

Sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot sa limitadong panahon upang gumaling ang mga sintomas at sa pagtitiwala sa Salita ng Diyos at paghingi ng matalinong payo upang magpatuloy ang pagbabago sa puso at isip ng isang tao, unti unti ang pangangailangan ng gamot ay maglalaho. Ang posisyon ng mananampalaya kay Kristo ay mapagtitibay at pagagalingin ng Diyos ang nagugulumihanang puso at isip na siyang pinanggagalingan ng karamdaman. Maraming sinasabi ang Salita ng Diyos tungkol sa pagkatakot at sa tamang lugar nito sa buhay ng mananampalataya. Ang pagbasa sa mga sumusunod na talata at pagbubulay-bulay sa mga ito ang pangkalahatang gamot sa takot. Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya ay magbibigay ng pag-asa at nagsasaad ng mga katotohanan kung ano mayroon ang isang anak ng Diyos: Kawikaan 29:25; Mateo 6:34; John 8:32; Roma 8:28-39; 12:1-2; 1 Corinto 10:13; 2 Corinto 10:5; Filipos 4:4-9; Colosas 3:1-2; 2 Timoteo 1:6-8; Hebreo 13:5-6; Santiago 1:2-4; 1 Pedro 5:7; 2 Pedro 1:3-4; 1 Juan 1:9; 4:18-19.

Kung umaaasa tayo sa Diyos sa isang supernatural at mahimalang pamamaraan ng kagalingan, nararapat tayong manalangin hanggang sa huli. Kung humihiling tayo ng kagalingan sa Diyos sa pamamagitan ng mga doktor at mga gamot, nararapat din tayong manalangin hanggang sa huli. Anuman ang direksyon na ating nais tahakin sa pagtatamo ng kagalingan, ang ating pagtitiwala ay dapat na sa Diyos lamang at wala ng iba (Mateo 9:22).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat ba na uminom ng pampakalma (anti-depressants) at mga gamot para sa sakit sa isip ang Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries