settings icon
share icon
Tanong

Ano ang panalangin ni Jabes?

Sagot


Ang panalangin ni Jabes ay makikita sa isang makasaysayang kuwento na nakapaloob sa isang talaan ng angkan.“Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, "Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya." Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: "Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin." At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan” (1 Cronica 4:9-11).

Kakaunti lang ang maaaring malaman tungkol kay Jabes. Maliban sa siya ay nanggaling sa angkan ni Juda, siya rin ay isang taong marangal at pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabes (na nangangahulugan na “malungkutin” o “pinagmumulan ng kalungkutan”) dahil nagdusa ito ng labis sa pagsisilang sa kanya. Sa kanyang panalangin, nagmakaawa si Jabes para sa pagiingat at pagpapala ng Diyos. Gamit ang laro ng mga salita, si Jabes na “lalaki ng kalungkutan,” ay humiling sa Diyos na ilayo siya sa kalungkutan kung saan kinuha ang kanyang pangalan.

Ang panalangin ni Jabes ay naglalaman ng taimtim na kahilingan para sa apat na bagay: 1) Pagpapala ng Diyos. Kinilala ni Jabes na ang Diyos ng Israel ang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala at hiniling Niya ang kanyang biyaya. Walang duda na ang kahilingang ito ay base, sa isang banda, sa pangako ng Diyos na pagpapala kay Abraham at sa kanyang mga inapo (Genesis 22:17).

2) Paglawak ng kanyang nasasakupan. Ipinanalangin ni Jabes ang kanyang tagumpay at kasaganaan sa lahat ng kanyang ginagawa at ang kanyang buhay ay makilala sa kasaganaan.

3) Presensya ng Diyos. Sa ibang salita, humingi si Jabes ng paggabay ng Diyos upang ang Kanyang kapangyarihan ay mahayag sa kanyang ang araw-araw na buhay.

4) Pagiingat mula sa kapahamakan. Itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad na manalangin sa ganitong paraan: “Ama namin sa langit…ilayo mo kami sa Masama” (Mateo 6:9, 13). Nagtiwala si Jabes sa Diyos bilang kanyang tagapagtanggol.

Ang layunin ni Jabes sa kanyang panalangin ay mabuhay ng malaya sa kalungkutan at ang huling mababasa natin tungkol sa kanya ay tinugon ng Diyos ang kanyang panalangin. Gaya ng mapagpakumbabang kahilingan ni Solomon para sa karunungan (1 Hari 3:5-14), ang tapat na kahilingan ni Jabes para sa pagpapala ay dininig ng Diyos. Ang tagumpay na tinamasa ni Jabes ay higit sa kalungkutan na kanyang naranasan sa umpisa. Ang panalangin ni Jabes ang tumalo sa kahulugan ng pangalan ni Jabes. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang panalangin ni Jabes?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries