settings icon
share icon
Tanong

Maaari bang gumamit ng kandila sa pananalangin?

Sagot


Walang dahilan upang ipagbawal ang paggamit ng kandila habang nananalangin o anuman ang ating ginagawa. Ang kandila ay isang bagay na walang buhay. Wala itong kapangyarihan, lakas o hindi pangkaraniwang kakayahan. Ang kandila ay wax lamang na maaaring hinaluan ng pabango na may isang piraso ng lubid sa gitna .

Ang kandila - at iba pang ilaw - ay maaaring magpaalala sa atin na si Hesus ang Ilaw ng Sanlibutan. Maaaring magpaalala sa atin ang mga kandila na ilagak natin ang ating pagtitiwala sa Ilaw upang tayo’y maging mga anak ng kaliwanagan (Juan 12:36). Ang pagkakaroon ng nakasinding kandila habang nananalangin ay maaaring makatulong upang maituon natin ang ating kaisipan at mga panalangin kay Hesus na Siyang Ilaw ng sangkatauhan.

Gayunman, walang kakayahan ang kandila na gawing epektibo o makapangyarihan ang ating mga panalangin o makadagdag ng anuman sa bisa ng ating panalangin. Ang isang halimbawa ng maling paniniwala tungkol sa mga kandila ay ang paniniwala ng mga Romano Katoliko na nagpapatuloy ang iniwanang nakasinding kandila na ilapit ang mga kahilingan ng mga nanalangin sa Diyos kahit na nakaalis na sila sa simbahan. Hindi ito naaayon sa katuruan ng Bibliya. Ang panalangin ay pagpapaabot ng mga kahilingan sa ating Diyos sa langit - isang ugnayan sa pagitan ng dalawang may buhay, may isip, at may iisang Espiritu. Walang kandila ang maaaring makihalo sa ganitong relasyon ng mga Kristiyano sa Diyos.

Ginagamit ang mga kandila sa iba’t ibang uri ng ritwal sa pagsamba. Gumagamit nito ang mga mangkukulam, mga shamans, mga Buddhists, mga Katoliko, mga new-agers, ilang Protestanteng simbahan, mga Hudyo at mga Hindu sa kanilang pagsamba. Ang pagsisindi rin ng kandila ay ginagawa sa mga bagong uri ng pagsamba na yumayakap sa mistisismo o paniniwala sa mga espiritu at mga misteryo na pumapasok sa realidad ng tao sa pamamagitan ng pansariling karanasan.

Sa huli, ang paggamit mismo ng kandila ay inosente at walang anumang kahulugan. Ang panganib ay ang pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na simpleng hindi nila taglay sa anumang paraan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Maaari bang gumamit ng kandila sa pananalangin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries