Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin para sa maysakit?
Sagot
Ang Lumang Tipan ay may mga ilang halimbawa ng mga taong gumaling pagkatapos manalangin nang direkta sa Diyos para sa kagalingan. Karaniwan ang kahilingan para sa pagpapagaling ay sa pamamagitan ng isang propeta na maaaring manalangin para sa kagalingan o maging daan para sa kapangyarihan ng Diyos na magsagawa ng isang himala ng pagpapagaling o maging ng muling pagkabuhay. Nanalangin si David na gumaling ang kanyang sanggol na anak, ngunit hindi pinagbigyan ng Diyos ang kanyang kahilingan (2 Samuel 12:16–17). Nang si Ezechias ay sinabihan ng propetang si Isaias na siya ay mamamatay, nanalangin siya para sa karagdagang panahon, at binigyan siya ng Diyos ng labinlimang taon ng buhay (2 Hari 20).
Kung ang kawalan ng kakayahan na magkaroon ng anak ay itinuturing na isang karamdaman, ito ay pagkakataon na manalangin para sa "pagpapagaling" at ang ibigay ng Diyos ang kahilingan ay mas marami.
Sa mga Ebanghelyo, pinagaling ni Jesus ang napakaraming tao na humiling sa Kanya. Sa Mga Gawa, maraming tao ang gumaling matapos hilingin sa mga apostol na pagalingin sila, katulad ng sa Lumang Tipan ng paghingi ng kagalingan mula sa isang propeta ng Diyos. Wala sa mga pagkakataong ito ang tila may direktang paglalapat para sa atin ngayon.
Sa Taga Filipos 1, sinabi ni Pablo na si Epafrodito ay may sakit, at malapit nang mamatay, ngunit naawa ang Diyos sa kanya at siya ay pinagaling (mga talata 25–29). Maaari nating ipagpalagay na nanalangin si Pablo para sa kagalingan ni Epafrodito, ngunit hindi iyon malinaw na sinabi. Sa 1 Timoteo 5:23, binanggit ni Pablo na si Timoteo ay may paulit-ulit na karamdaman na tila may kaugnayan sa tiyan, at inirerekomenda niya ang pag-inom ng kaunting alak. Hindi niya sinabi kay Timoteo na humingi ng kagalingan. Sa 2 Corinto 12, nanalangin si Pablo na ang isang “tinik sa laman” ay alisin, ngunit tumanggi ang Diyos na gawin ito. Bilang resulta, sinabi ni Pablo na nagagalak siya sa kaniyang mga kahinaan—isang salitang karaniwang ginagamit para sa iba't ibang karamdaman. Sa kasong ito, nanalangin nga si Paul para sa kagalingan, ngunit tinanggihan ang kanyang kahilingan. Sa halip na patagalin ang pagpapagaling, sinabi ng Panginoon kay Pablo na umasa sa Kanyang biyaya (talata 9).
Ang tanging tahasang tagubilin sa Bibliya na may kaugnayan sa panalangin para sa kagalingan ay matatagpuan sa Santiago 5:13–16: “May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid”.
Nagbibigay si Santiago ng mga tiyak na tagubilin. Ang taong may sakit ay dapat na magsimula ng pakikipagtagpo sa Diyos at humingi ng panalangin ng pagpapagaling mula sa mga matatanda. Pinahiran ng mga matatanda sa iglesya ang maysakit ng langis at nag-aalok ng panalangin ng pananampalataya, at ipinangako ng Diyos na babangon sila. Gayunpaman, dahil ang naunang talata ay may kinalaman sa pag-amin ng kasalanan at kapatawaran, maaaring ang sakit na nakikita ay resulta ng isang partikular na kasalanan. Anuman ang pamamaraang ito ay isang pagsisikap ng grupo na kinabibilangan ng namumuno ng simbahan. Higit pa rito, ang mga matatanda ay tinatawag upang sanayin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin. Sabi ng ilan na kaya ang ilang “manggagamot” ay hindi makapagpagaling ng maysakit ay dahil wala silang sapat na pananampalataya.
Sa simula, ang Santiago 5:13–16 ay tila ginagarantiyahan ang paggaling sa bawat pagkakataon, ngunit kailangan nating sumangguni sa buong Banal na Kasulatan. May iba pang mga talata tungkol sa panalangin na, kapag inihiwalay, ay tila nag-aalok din ng "blangkong tseke" mula sa Diyos:
Markos 11:24: "Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.”
Mateo 21:22: "Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”
Juan 14:13: “At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak.”
Juan 15:7: “Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo.”
Juan 16:23: “Sa araw na iyon, hindi na ninyo kailangang humingi sa akin. Pakatandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.”
Ang mga talatang ito ay kailangang unawain sa mas malaking konteksto na palaging pananalangin ayon sa kalooban ng Diyos, gaya ng sinasabi ng 1 Juan 5:14: “ May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.” (binigyang diin). Ang batayan ng pagdarasal ayon sa kalooban ng Diyos ay katulad ng tagubiling manalangin “sa pangalan ni Jesus.” Ang pagdarasal sa pangalan ni Jesus ay pagdarasal para sa mga bagay na magpaparangal at magbibigay luwalhati kay Jesus. Ang pagnanais ng mga bagay na hiwalay sa kalooban ng Diyos ay hindi nagbibigay parangal kay Jesus.
Nagbigay si Jesus ng halimbawa ng pananalangin ayon sa kalooban ng Diyos. Sa Getsemani, nanalangin Siya na “ang sarong ito” (ang pagpapako sa krus) ay maiiwasan, ngunit “hindi ang aking kalooban, kundi ang iyo ang mangyari” (Lukas 22:42). Hindi iniwasan ni Hesus ang krus, sapagkat kalooban ng Diyos na Siya ay magdusa sa pamamagitan nito.
Kung pagsasama-samahin ang lahat ng pagtuturo sa pagpapagaling at panalangin, nararapat na manalangin para sa kagalingan o anumang bagay na sa tingin natin ay kailangan o naisin natin. Gayunpaman, palagi nating kilalanin na tayo ay umaayon sa pagpapasya ng Diyos upang ibigay sa atin ang pinakamabuti, at kadalasan ay hindi natin alam kung ano ang pinakamainam para sa atin o kung ano ang akma sa Kanyang mas malaking plano. Ang pagdarasal na “hindi ang aking kalooban, kundi ang Iyong kalooban ang mangyari” ay hindi dahil sa kawalan ng pananampalataya gaya ng itinuturo ng ilan; sa halip, ito ang pinakamataas pagpapahayag ng pananampalataya sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang plano at mga layunin. Walang ebidensya sa Kasulatan na palaging ang kalooban ng Diyos ay magpagaling. Sa katunayan, marami tayong mga halimbawa sa Banal na Kasulatan tungkol sa hindi pagpapagaling ng Diyos sa mga tao. Kung minsan ay kalooban niya na tayo ay magdusa sa kahirapan o karamdaman upang tayo ay magkaroon ng mas mataas na antas ng espirituwal na kalusugan na maari nating makamit.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin para sa maysakit?