settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat na saloobin ng Kristiyano kung hindi sinasagot ng Diyos ang kanyang panalangin?

Sagot


Ilan na bang Kristiyano ang nanalangin para sa kanyang kapwa na hindi dininig ng Diyos? Ilang mananampalataya na ang nanalangin at maaaring sumuko na dahil kung hindi man sila nawalan ng pag-asa dahil sa kahinaan ng kanilang pananampalataya ay nakaabot sila sa konklusyon na anuman ang kanilang ipanalangin, ang mga iyon ay hindi kalooban ng Diyos? Gayun pa man, paano tayo tutugon kung hindi sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa iba? Sa tuwing tayo’y nananalangin,sinasanay natin ang kaloob ng Diyos upang makipagugnayan sa Kanya na ating pagsusulitan ng lahat lahat sa ating buhay isang araw. Tunay na binili na tayo ng napakahalagang dugo ng ating Panginoong Hesu Kristo – at ngayon ay kabilang na tayo sa mga taong pinaghaharian ng Diyos.

Ang pribilehiyong ito ng panalangin ay nagmula sa Diyos at ito ay para din sa atin katulad ng pagaangkin ng bansang Israel (Deuteronomio 4:7). Ngunit kung lumalapit tayo sa Diyos na nasa langit, may mga pagkakataon na tila hindi Niya tayo sinasagot. Marami itong dahilan at makikita natin sa Bibliya ang mga dahilang ito kung bakit madalas na hindi sinasagot ng ating mahabagin at mapagmahal na Diyos Ama ang ating mga panalangin kahit na si Hesus mismo na Kanyang Anak ang ating tagapamagitan sa Kanya (Hebreo 4:15).

Ang pangunahing dahilan sa hindi pagtugon ng Diyos sa mga panalangin ay kasalanan. Hindi madadaya ang Diyos at nakaluklok Siya sa kalangitan at nakikilala tayo ng lubos at nalalaman maging ang ating bawat iniisip (Awit 139:1-4). Kung hindi tayo lumalakad sa tamang daan at nagtatanim tayo ng galit sa ating mga puso laban sa ating kapatid o kung sinuman o humihingi tayo na may maling motibo (gaya ng makasariling hangarin), hindi natin maaasahan na tutugunin ng Diyos ang ating mga dalangin (2 Cronica 7:14; Deuteronomio 28:23; Awit 66:18; Santiago 4:3). Ang kasalanan ang hadlang sa lahat ng mga pagpapala na maaari nating tanggapin mula sa hindi nauubos na lalagyan ng kahabagan ng Diyos! Tunay na may mga panahon na ang ating mga panalangin ay kasuklam suklam sa Diyos, lalo na kung ang isang tao ay hindi sa Diyos o walang relasyon at pananampalataya sa Kanya (Kawikaan 15:8) o kaya naman ay nagsasanay tayo ng kapaimbabawan (Markos 12:40).

Ang isa pang dahilan kung bakit tila hindi dinidinig ng Diyos ang panalangin ay nais ng Diyos na lumago ang ating pananampalataya at lumalim ang ating pagtitiwala sa Kanya na nagbubunga naman ng mas malalim na pasasalamat, pag-ibig at pagpapakumbaba. Sa huli, makikinabang tayo dahil sa ating mga panalangin na hindi tinugon ng Diyos, dahil nagbibigay siya ng grasya sa mga mapagpakumbaba (Santiago 4:6; Kawikaan 3:34). Oh, anong laking kasiyahan marahil ang nadama ng isang mahirap na Cananea na sumigaw at humingi ng habag sa Panginoong Hesus noong dumalaw Siya sa rehiyon ng Tiro at Sidon (Mateo 15:21-28)! Hindi siya ang uri ng babae na paguukulan ng pansin ng isang gurong Hudyo. Siya ay hindi isang hudyo at siya ay isang babae, dalawang sapat na dahilan upang tanggihan siya ng isang gurong Hudyo. ALam ng Panginoon ang kanyang sitwasyon at bagama’t hindi Niya agad tinugon ang kanyang dalangin, sinagot pa rin niya ang babae at ipinagkaloob ang kanyang hinihingi.

Maaaring madalas na tahimik ang Diyos sa ating mga dalangin, ngunit hindi Niya tayo hinahayaan na “umuwi” ng luhaan. Bagama’t hindi Niya tinutugon ang ating mga dalangin, dapat tayong magtiwala na tutugunin Niya tayo sa Kanyang itinakdang panahon. Kahit na ang mismong pananalangin ay pagpapala Niya sa atin; ito ang dahilan kung bakit tayo lumalago at nasasanay natin ang ating pananampalataya at nagtitiyaga tayo sa pananalangin. Ito ang pananampalataya na nagbibigay kasiyahan sa Diyos (Hebreo 11:6), at kung nagkukulang ang ating buhay panalangin, hindi ba’t ito rin ang naglalarawan sa ating kalagayang espiritwal? Dinirinig ng Diyos ang ating paghingi ng kahabagan at ang Kanyang katahimikan ang nagpapaalab sa ating pagpupumilit na manalanging lagi. Ibig Niya na makipagkatwiranan tayo sa Kanya. Mauhaw tayo sa mga mga bagay na ayon sa puso ng Diyos at lumakad tayo sa Kanyang mga landas hindi sa ating sarili. Kung tapat tayo sa pananalangin ng walang humpay, namumuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos, at hindi ito kailanman magiging mali (1 Tesalonica 5:17-18).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat na saloobin ng Kristiyano kung hindi sinasagot ng Diyos ang kanyang panalangin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries