settings icon
share icon
Tanong

Ang pananampalataya sa Diyos at ang siyensya ba ay magkasalungat?

Sagot


Ang salitang siyensya ay nangangahulugan ng "pagmamasid, pagkikilanlan, pagsasalarawan, mapagsiyasat na pagsubok at masapantahang pagpapaliwanag ng mga pangyayari." Ang siyensya (agham) ay isang pamamaraan na maaaring gamitin ng tao upang magkaroon ng mas malawak na pangunawa sa sandaigdigan. Ito ay paghahanap ng kasagutan sa mga katanungan sa pamamagitan ng pagmamasid. Ang mga pagsulong sa siyensya ay nagpapakita ng kung hanggang saan na ang naabot ng lohika at likhang-isip ng tao. Gayunman, ang paniniwala ng Kristiyano sa siyensya ay hindi dapat kahalintulad ng ating paniniwala sa Diyos. Ang Kristiyano ay Maaaring may paniniwala sa Diyos at may paggalang sa siyensya, hangga't isinasaalang-alang natin kung ano ang perpekto at kung ano ang may kapintasan.

Ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala ng isang taong may pananampalataya. Tayo ay nananampalataya sa Kanyang Anak para sa ating kaligtasan, nananampalataya sa Kanyang Salita para sa kanyang pagtuturo, at nananampalataya sa Kanyang Banal na Espiritu para sa Kanyang paggabay. Ang ating pananampalataya sa Diyos ay kinakailangang ganap, simula nang inilagak natin ang ating pananampalataya sa Diyos, tayo ay umaasa sa isang walang kapintasan, banal, makapangyarihan, at pinakamarunong na Manlilikha. Ang ating paniniwala sa siyensya ay hanggang sa isip lamang at wala nang iba. Maaari tayong tumingin sa siyensya na makagagawa ng maraming dakilang bagay, subalit Maaari din nating tingnan ang siyensya na makagawa ng marami at malaking mga pagkakamali. K5ung tayo ay maglalagak ng pananampalataya sa siyensya, tayo ay umaasa sa may kapintasan, makasalanan at may hanganang gawa ng mga tao. Sa buong kasaysayan ng mundo ang siyensya ay dumaan sa napakaraming mga pagkakamali tungkol sa maraming mga bagay, tulad ng hugis ng mundo, ang kakayahang makalipad, ang bakuna, ang pagsasalin ng dugo at kahit ang pagpaparami. Ang Diyos kailanman ay hindi nagkakamali samantalang ang siyensya ay laging nagkakamali.

Ang katotohanan ay hindi kinatatakutan kaya walang dahilan upang ang Kristiyano ay matakot sa siyensya. Ang patuloy na pag-aaral tungkol sa pamamaraan kung paano nilikha ng Diyos ang sandaigdigan ay makatutulong sa sangkatauhan upang pahalagahan ang mga kahanga hangang nilikha ng Diyos. Ang pagpapalawak ng ating kaalaman ay tumutulong upang malabanan ang mga karamdaman, ang kamangmangan at ang pagkakamali ng pang-unawa. Gayun pa man, may panganib kapag ang mga dalubhasa sa siyensya ay inilagak ang kanilang pananampalataya sa makataong lohika ng higit sa kanilang pananampalataya sa Manlilikha. Ang mga taong ito ay walang pinagkaiba sa mga nakatuklas ng hidwang pananampalataya: itinuro nila na ang panananampalatayaay sa tao at maghahanap ng mga katunayan upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya.

Gayunpaman, maraming mga dalubhasa sa siyensya, kahit ang mga tumatangging maniwala sa Diyos ang umaamin sa kakulangan ng siyensya na unawain ang sandaigdigan. Inaamin nila na ang Diyos o ni ang Bibliya ay kayang patunayan o hindi mapatunayan ng siyensya, tulad din ng kanilang mga teorya na pagkatapos ay hindi rin napatunayan o di-mapapatunayan kadalasan. Ang siyensya ay nararapat na maging isang institusyon na walang kinikilingan, na naghahanap lamang ng katotohanan at hindi nagpapalawig ng isang programa.

Ang karamihan ng pagaaral sa siyensya ay nakatuon sa katotohanan at sa mga gawa ng Diyos. Ayon sa Awit 19:1, "Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinakita ng kalawakan." Habang ang makabagong siyensya ay nakakatuklas pa patungkol sa mga bagay sa sandaigdigan, mas makakakita tayo ng mga katibayan patungkol sa paglikha. Ang nakakamanghang masalimuot at pagdami ng DNA, ang pagkaka-ugnay ng mga batas ng "physics," at ang lubos na pagkakatugma ng mga kalagayan at ng mga kemikal dito sa mundo ay nagpapatatag sa mensahe ng Bibliya. Ang isang Kristiyano ay pwedeng kilalanin ang siyensya sa pagsasaliksik ng katotohanan, subalit dapat niyang tanggihan ang "mga ministro sa siyensya" na nagpapahalaga sa makataong kaalaman ng higit sa Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang pananampalataya sa Diyos at ang siyensya ba ay magkasalungat?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries