settings icon
share icon
Tanong

Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung ang kanyang asawa ay nasangkot sa pangangalunya at nagkaroon ng anak sa labas?

Sagot


Ang pagaasawa ay isang tipan na nagpapaging-isa sa dalawang tao sa espiritwal at sa pisikal. Ang pagtataksil sa asawa ay nagdudulot ng pagkasira sa relasyon ng magasawa na kadalasan ay nauuwi sa pagkasira ng pagsasama at paghihiwalay. Ito ay totoong totoo, lalo na kung ang pagtataksil ng isa sa magasawa ay nagbunga sa pagkakaroon ng anak sa labas.

Ang responsibilidad ng isang magulang sa kanyang anak ay hindi naaapektuhan ng mga pangyayari sa likod ng pagsilang ng bata. Ang pagsilang ng isang bata sa mundo dahil sa pangangalunya ay hindi makabubuti sa lahat ng partido, ngunit mahalagang tandaan na ang bata ay walang malay at karapatdapat na magkaroon ng ama at ina na mangangalaga sa kanya.

Kung magdesisyon ang asawang babae na manatili sa kanyang asawang lalaki kahit na nagkaroon ito ng anak sa labas, dapat na maging handa siya sa pagpapatawad. Sinasabi sa atin ng Bibliya na dapat tayong magpatawaran sa isa’t isa bilang mga Kristiyano, gaya ng pagpapatawad sa atin ng Diyos (Mateo 6:14-15). Nangangahulugan ito na gagawa tayo ng desisyon na kalimutan na ang kasalanan at ang galit at selos na kaakibat ng pagkakasala ng isang kabiyak.

Maaaring angkinin ng isang babaeng pinagtaksilan ng kanyang nagsisising asawa ang bata na tulad sa kanyang sariling anak. Hindi siya dapat na maging hadlang sa pagunlad ng relasyon ng kanyang asawa sa bata, bagama’t maaari itong maging masakit para sa kanya. May pananagutang pinansyal, espiritwal at emosyonal ang kanyang asawa sa kanyang anak (Efeso 6:4).

Bagama’t ang pangangalunya ay isang kasalanan na may potensyal na magwasak ng pamilya, hindi dapat na ito ang maging dahilan ng paghihiwalay ng magasawa. Sa halip, dapat na magtrabaho ang magasawa sa muling pagbuo ng kanilang relasyon sa matibay na pundasyon ng pananampalataya at pagsunod kay Kristo. Tanging ang biyaya at habag ng Diyos at matibay na pananampalataya kay Kristo lamang ang makakatulong sa magasawa sa ganitong mahirap na sitwasyon. Ang biyaya, habag at pananampalataya, ay mga kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tunay na nagnanais na luwalhatiin Siya sa gitna ng mga mahihirap na sitwasyon sa buhay.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung ang kanyang asawa ay nasangkot sa pangangalunya at nagkaroon ng anak sa labas?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries