Tanong
Ang pangiiwan o pagtalikod ba ng asawa ay isang sapat na dahilan para sa diborsyo at muling pagpapakasal?
Sagot
Isang malungkot na katotohanan na kung minsan, hinaharap ng mga Kristiyano ang pang-iiwan ng kanilang asawa. Bagaman itinakda ng Diyos na ang mag-asawa ay magsama hanggang kamatayan (Genesis 2:24) at sinasabi na ang paghiwalay sa asawa ay isang masamang trato na katulad ng karahasan (Malakias 2:16), kinikilala rin na ang mga Kristiyano ay maaaring hindi magkaroon ng kontrol sa ginagawa ng kanilang asawa. Sa mga kaso kung saan ang hindi sumasampalatayang asawa ay iniwan ang isang mananampalataya, nagbibigay ang Diyos ng biyaya sa taong naiwan.
Ano ang kalayaan ng isang iniwang asawa?
Ipinaliwanag ni Pablo, “Ngunit kung ang hindi mananampalataya ay umalis, hayaan mo na. Ang kapatid na lalaki o babae ay hindi nakatali sa gayong mga kalagayan; Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang payapa” (1 Corinto 7:15). Ang teksto ay malinaw na nagsasaad na kung hiwalayan ng isang hindi mananampalatayang asawa ang isang mananampalataya, ang mananampalataya ay malayang tatanggapin ang paghiwalay at magpapatuloy sa buhay. Siya’y "hindi nakatali," na nagpapahiwatig ng ganap na kalayaan. Ang mananampalatayang asawa ay maaari at dapat na magsikap na makipagbalikan sa asawa (1 Corinto 7:11), ngunit walang sinuman ang maaaring pilitin ang iba na kumilos ng laban sa kanyang kalooban.
Paano kung ang asawang nang-iwan ay isang mananampalataya?
Ang mga tagubilin ni Pablo sa 1 Corinto 7 ay partikular na tumatalakay sa mga mag-asawang magkaiba ang pananampalataya - ang pag-aasawa ng isang mananampalataya at isang hindi mananampalataya. Sa sitwasyon ng dalawang Kristiyano na ikinasal sa isa't isa, hindi naaangkop ang 1 Corinto 7. Sa ganitong kaso, titingnan natin ang mga salita ni Jesus sa Mateo 18:15-17: “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”
Kung ang isang mananampalataya ay namumuhay sa kasalanan - sa kaso ng pag-iwan sa asawa - sa kabila ng matapos silang kausapin ng mga namumuno sa iglesya, dapat ituring na hindi sila mananampalataya. Sa ganitong paraan, maaaring magamit ang 1 Corinto 7:15 sa mga mananampalataya na iniwan ang kanilang mga asawa at hindi sumusunod sa pagdidisiplina ng iglesya.
Ano ang tinutukoy bilang pangiiwan?
Sa kontekstong ito, ang pangiiwan ay tumutukoy sa pisikal na paghihiwalay o diborsyo.
Kung ang isang asawa ay iniwan ang kanyang asawa at pisikal na lumalayo sa tahanan, ang kasal ay nauuwi sa lahat ng praktikal na layunin. Ang iniwang asawa ay malaya na palayain ang kanyang sarili. Ang asawang iniwan ay "hindi na nakatali" sa kanyang asawa na nauunawaan natin sa isang moral at espiritwal na paraan. Walang bagay na nag-uugnay sa isang asawa sa taong iniwan siya. Ang asawang iniwan ay malaya ng makipagdiborsyo at malaya rin na mag-asawang muli bagaman, hindi kinakailangang gawin ang parehong bagay.
Kung ang pang-iiwan ay nagmumula sa isang asawa na naghain ng diborsyo, ang asawang iniwan ay malayang pumirma sa mga dokumento, kapag nabigo na ang lahat ng pagsisikap na sila ay magsama. Walang kasalanan o kahihiyan para sa asawang iniwan. Ang pagtanggap sa pagwawakas ng kasal ay bahagi ng pagsunod sa tawag ng Diyos na mabuhay sa kapayapaan.
May ilang mga tagapayo at mga pari na nais maging maawain ang nagtatakda ng pangiiwan sa isang mas malawak na kahulugan. Sinasabi ng iba na maaaring ito ay tumutukoy sa mga pagsubok na dinaranas dahil sa adiksyon, karamdaman sa pag-iisip, sentensya sa bilangguan, o kasamaan. Ngunit hindi ito ang biblikal na kahulugan ng pangiiwan, maliban na lamang kung ang mga pagsubok na ito ay umabot sa antas ng pang-aabuso, ngunit ito ay iba ng usapin.
Kung ang isang tao ay iniwan ng kanyang asawa, maaari bang muli siyang magpakasal?
Walang sinasabi ang Bibliya patungkol dito. Ang pangangalunya at ang hindi boluntaryong diborsyo ang dalawang bukod-tanging dahilan na ibinigay sa Bibliya para sa diborsyo - ang dalawang sitwasyon kung kailan ang isang nakipagdiborsyo ay maaaring sabihing hindi nagkasala. Sa Mateo 19:9, pinapayagan ni Jesus na ang isang taong nagkipagdiborsyo dahil sa kalapastanganan ng asawa ay maaaring muling magpakasal. Ang interpretasyon ay maaaring mauwi sa isa sa dalawang paraan: 1) Dahil hindi binanggit ng Bibliya ang muling pagpapakasal pagkatapos ng hindi boluntaryong diborsyo, ito ay hindi pinapayagan; o 2) Dahil ang isang kaso ay nagpapahintulot sa muling pagpapakasal ng inosenteng partido.
Ang aming pananaw ay ang isang taong hindi boluntaryong nakipaghiwalay - o isang biktima ng pangiiwan - ay maaaring muling magpakasal. Ang pangungusap ay hindi nakatala sa 1 Corinto 7:15 at tila nagbibigay ng kalayaan. Gayunman, ang taong naghahangad na muling magpakasal ay dapat na labis na magingat. Dapat na gumawa ng paraan para malunasan ang sakit ng nasirang relasyon upang siyasatin ang lahat ng naging dahilan ng pagkasira ng relasyon at hanapin ang kalooban ng Diyos para sa hinaharap.
Ang isa bang taong iniwan ay laging walang sala?
Hindi sa lahat ng pagkakataon. May ilang tao na, hindi masaya sa kanilang kasal ang gagawin ang lahat para pilitin ang kanilang asawa na umalis at makipagdiborsyo habang nananatiling "inosente." Ngunit ito ay hindi kawalan ng pagkakasala; sa halip, ito ay pang-aabuso at panggagamit. Ang paghahangad ng pakikipagdiborsyo - kahit bilang tugon sa pang-aabuso - ay maaaring isang kasalanan, at ito ay nangangailangan ng pagsisisi sa harap ng Diyos at paghingi ng tawad sa biktima.
English
Ang pangiiwan o pagtalikod ba ng asawa ay isang sapat na dahilan para sa diborsyo at muling pagpapakasal?