settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kahalagahan at pakinabang ng sama-samang panalangin?

Sagot


Ang panggrupong panalangin sa mga Kristiyano ay mahalaga at kapakipakinabang. Ito ay naging kalakaran mula pa sa simula ng simbahan. Sa Mga Gawa 2, nang ang mga disipulo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ay nangaral at libu-libo ang naligtas, ang simbahan ay may plano, at isinagawa nila ito sa komunidad. “Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin” (Mga Gawa 2:42). Ang panggrupong panalangin ay mahalaga sa unang simbahan bilang isang bagay na nagbubuklod sa kanila habang isinasagawa nila ang Dakilang Utos.

Sa Mga Gawa 4:31 ay binanggit muli ang pananalangin ng grupo, "Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos". Binigyan ng Diyos ng katapangan ang buong grupo sa kanilang harapan, bilang tugon sa kanilang panalangin. Kailangan nila ang kapangyarihang ito, dahil nahaharap sila sa pag-uusig.

Sa Mga Gawa 6:3-4, “Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita”. Ang panalangin ay isa sa pinakamataas na priyoridad ng pamunuan ng simbahan.

Ang Banal na Espiritu ay palaging nananalangin sa atin at sa pamamagitan natin “kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin.” (Roma 8:26), at itinuro ni Jesus ang kahalagahan ng personal na panalangin nang lihim sa loob ng isang silid (Mateo 6). Ngunit ang grupo o sama-samang panalangin ay may lugar din. Pinagsasama-sama ng panalangin ng grupo ang mga mananampalataya at hinihikayat ang mga may kabigatan. Kapag ang isang grupo ng mga mananampalataya ay sama-samang nananalangin, ang resulta ay pagkakaisa, pagpapakumbaba, pasasalamat, pagtatapat ng kasalanan, pamamagitan, at pagtuklas sa kalooban ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kahalagahan at pakinabang ng sama-samang panalangin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries