settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangungutang ng Kristiyano?

Sagot


Sa Roma 3:18 pinaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano na huwag magkaroon ng anumang sagutin sa kapwa maliban sa pag-ibig. Ito ay isang makapangyarihang paalala na hindi nais ng Diyos ang lahat ng uri ng pagkakautang na hindi nababayaran sa tamang panahon (tingnan din ang Mga Awit 37:21). Sa kabilang banda, hindi naman tahasang pinagbabawalan ng Bibliya ang mga mananampalataya na magkaroon ng utang. Nagbababala ang Bibliya laban sa pangungutang at pinupuri ang hindi pangungutang ngunit hindi naman ipinagbabawal ang pangungutang. Kinukundena ng Bibliya ang pang-aabuso ng mga nagpapautang ngunit hindi naman nito kunukundena ang taong may utang.

May mga tao na kinukwestyon ang pagpapatubo sa utang, ngunit ilang beses na binanggit sa Bibliya na ang tamang pagpapatubo ay nararapat na asahan ng nagpapautang (Kawikaan 28:8; Mateo 25:27). Sa sinaunang Israel, may isang batas na ipinagbabawal ang pagpapatubo sa isang uri lamang ng pagkakautang at ito ay ang pagpapautang sa mahihirap (Levitico 25:35-38). Ang batas na ito ay maraming implikasyong sosyal, pinansyal at espiritwal ngunit dalawa rito ang karapat-dapat banggitin. Una, ang batas ay tumutulong sa mahihirap na huwag ng palalain pa ang kanilang kalagayan. Isa ng masakit na karanasan ang maging mahirap at kahiya hiya para sa kanila ang humingi ng tulong. Ngunit kung patutubuan pa sila, ang obligasyon sa pagbabayad ng utang kasama ang interes ay magpapahirap sa kanila sa halip na makatulong.

Ikalawa, ang batas na ito ay nagtuturo sa atin ng espirtwal na aralin. Ang hindi pagpapatubo ng nagpautang sa isang mahirap na tao ay pagpapakita ng awa. Hindi niya magagamit ang perang kanyang ipinautang habang iyon ay hindi nababayaran. Ngunit ang gawaing ito ay nagpapakita ng pasasalamat sa biyaya ng Diyos na Kanyang ipinagkaloob sa lahat ng hindi naniningil ng interes. Kung paanong inilabas ng Diyos ayon sa Kanyang kahabagan ang mga Israelita mula sa Egipto noong sila'y pawang mahihirap na alipin pa lamang at binigyan sila ng Diyos ng lupaing matatawag nilang kanila (Levitico 25:38), inaasahan ng Diyos na ipadadama din nila ang parehong kahabagan sa kanilang kapwa tao.

Ang mga Kristiyano ay nasa kaparehong sitwasyon. Ang buhay, kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Hesus ang nagsilbing kabayaran ng ating pagkakautang sa Diyos. Ngayong mayroon na tayong pagkakataon, maaari nating tulungan ang iba na nangangailangan lalo na ang ating mga kapatid sa pananampalataya. Pwede rin natin silang pautangin ng hindi na magpapatubo upang huwag ng lumala pa ang kanilang sitwasyon. Isinaysay ng Panginoong Hesus ang isang talinghaga tungkol sa 2 taong nagkautang at ang kanilang pananaw sa pagpapatawad ng kanilang pinagkautangan sa Mateo 18:23-35.

Ang Bibliya ay hindi tahasang nagbabawal o humihikayat sa pangungutang ng pera. Ang Bibliya ay nagpapaalala na laging hindi magandang ideya ang pangungutang. Dahil sa ating utang ginagawa tayong parang alipin ng ating pinagkautangan. Gayun din naman, may ilang sitwasyon na ang pangungutang ay hindi masasabing masama. Kung ang pagkakautang ay kayang bayaran ng nagkautang, maaring mangutang ng isang Kristiyano kung talagang kinakailangan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangungutang ng Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries