settings icon
share icon
Tanong

Ang panliligaw ba bilang isang misyonero ay isang magandang ideya?

Sagot


Ang panliligaw o pagpapaligaw bilang isang misyonero ay isang modernong ideya na maaaring makipagtagpo ang isang Kristiyano sa isang hindi Kristiyano sa layunin na akayin ang taong iyon sa pananampalataya kay Kristo. Habang maaaring gamitin ng Diyos ang ganitong uri ng pakikipagrelasyon para sa pageebanghelyo, sinasabi sa Bibliya na ang ating pinakamahalagang relasyon ay dapat na para sa mga kapwa mananampalataya.

Ang isang problema sa pagalam sa sinasabi ng Bibliya patungkol sa paksang ito ay hindi sinasanay ang ganitong uri ng pagmimisyon sa panahong isinulat ang Bibliya. Karamihan ng pagaaasawa sa panahon ng Bibliya ay nagaganap sa pagpayag ng mga magulang. Ngunit dahil nakikita ang panliligaw sa panahon ngayon bilang paghahanda sa pagaasawa, maaaring ilapat sa panliligaw ang mga biblikal na prinsipyo para sa pagaasawa.

Tumututol ang Bibliya sa pagaasawa sa pagitan ng isang mananampalataya at hindi mananampalataya. Sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 7:39 na maaaring magasawa ang isang balo sa sinumang gusto niya "ngunit sa isang kapwa nasa Panginoon." Ang payo ni Pablo na dapat na ang kanyang maging asawa ay sa isang "kapwa nasa Panginoon" ay isang malinaw na utos na magasawa kamang ng isang Kristiyano.

Sinabi din ni Pablo, "Huwag kayong makipamatok nang hindi patas sa mga di-mananampalataya. Sapagkat anong samahan mayroon ang katuwiran at kamalian? O anong pakikisama mayroon ang liwanag sa kadiliman?" (2 Corinto 6:14). Ang prinsipyo dito ay laging naikokompromiso ng malapit na ugnayan sa isang hindi mananampalataya ang pananampalataya ng isang Kristiyano. Ang pagkakaroon ng romantikong relasyon sa isang hindi mananampalataya ay nagiimbita ng panganib. "Huwag kayong padaya: 'Ang masasamang kasamahan ay sumisira ng magagandang asal'" (1 Corinto 15:33).

Paano kung nanligaw o nagpaligaw ang isang Kristiyano sa isang hindi Kristiyano at naging Kristiyano ang taong iyon? Pinupuri natin ang Panginoon sa bawat taong nakakaranas ng kaligtasan, ngunit hindi pa rin kalooban ng Diyos ang panliligaw o pagpapaligaw sa isang hindi Kristiyano kahit na ang layunin ay maakay ang nililigawan o nanliligaw sa Panginoon. Hindi mapapatunayan na kalooban ng Diyos ang gawaing ito o sumasang-ayon man dito ang Salita ng Diyos. Ang totoo, mas nakararaming kaso ng panliligaw/pagpapaligaw bilang misyonero ang nagpababa sa pamantayan ng Kristiyano at naisuko ang pananampalataya sa isang tao na inaakay sa katotohanan sa halip na maakay ang taong iyon kay Kristo. Sa kabila ng magandang intensyon, nananatiling isang problema ang panliligaw/pagpapaligaw bilang isang misyonero. May mas maraming epektibong paraan ng pagaakay ng kaluluwa sa Panginoon sa halip na sanayin ang gawaing ito. Malinaw na itinuturo ng Bibliya na dapat na manligaw o magpaligaw lamang ang isang Kristiyano sa isang kapwa Kristiyano.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang panliligaw ba bilang isang misyonero ay isang magandang ideya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries