Tanong
Ano ang panteismo (pantheism)?
Sagot
Ang panteismo (pantheism) ay ang pananaw na ang Diyos ang lahat ng bagay at ang bawat tao at bawat bagay ay Diyos. Ang panteismo ay katulad ng politeismo (polytheism) o ang paniniwala sa maraming Diyos ngunit higit ito sa politeismo dahil itinuturo nito na ang lahat ng bagay ay Diyos. Pinaniniwalaan ng Panteismo na ang puno, bato, hayop, kalawakan, araw at tao ay Diyos. Ang Panteismo (pantheism) ang sapantaha sa likod ng maraming kulto at palsong relihiyon (halimbawa: Budismo, at Hinduismo sa ilang aspeto nito, mga iba't ibang kulto na itinuturing na ligtas ang lahat ng tao at ang mga sumasamba sa "inang kalikasan").
Itinuturo ba ng Bibliya ang Panteismo (pantheism)? Hindi. Ang ikinalilito ng mga nainiwala sa panteismo ay ang pagiging nasa lahat ng dako ng Diyos (omnipresence of God). Idineklara sa Awit 139:7-8, "Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? sa Banal mong Espiritu'y hindi ako makaiwas. Kung langit ang puntahan ko, pihong ikaw'y naroroon, sa Sheol ay naroon ka kung do'n ako manganganlong." Ang Diyos ay sumasalahat ng dako. Walang lugar saan man sa buong sangkalawakan na wala ang Diyos. Ngunit hindi ito kapareho ng Panteismo. Ang Diyos ay sumasalahat ng dako ngunit hindi Siya lahat ng bagay. Oo, ang Diyos ay nasa isang puno at nasa loob ng isang tao, ngunit hindi nagiging Diyos ang puno at tao. Ang panteismo ay isang paniniwala na hindi sinasang-ayunan ng Bibliya.
Ang pinakamalinaw na argumento laban sa panteismo ay ang hindi mabilang na utos ng Diyos laban sa pagsamba sa diyus diyusan. Ipinagbabawal ng Bibliya ang pagsamba sa mga rebulot at idolo, anghel, mga nilikha sa langit, tao at mga bagay sa kalikasan. Kung totoo ang panteismo, hindi masama ang sumamba sa mga bagay dahil ang lahat ng mga bagay ay Diyos din. Kung totoo ang panteismo. ang pagsamba sa isang bato o isang hayop ay pareho rin ng pagsamba sa Diyos na Espiritu at hindi nakikita. Napakalinaw ng pagtuligsa ng Bibliya sa pagsamba sa mga diyus diyusan at ito'y isang matibay na argumento laban sa panteismo.
English
Ano ang panteismo (pantheism)?