settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa parusang kamatayan?

Sagot


Ipinag-utos sa Lumang Tipan ang hatol na kamatayan sa mga sumusunod na kasalanan: pagpatay (Exodo 21:12), pagkidnap (Exodo 21;16), pangangalunya (Levitico 20:10), pagiging bakla o tomboy (Levitico 20:13), pagiging bulaang propeta (Deuteronomio13:5), pakikilahok sa prostitusyon, panggagahasa (Deuteronomio 22:4) at iba pang mga krimen. Gayunman, Ang Diyos ay nagpapakita ng kahabagan kahit na sa mga taong nahatulan ng kamatayan. Ng magkasala si haring David ng pangangalunya at pagpatay, hindi hiningi ng Diyos ang kanyang buhay (2 Samuel 11:1-5, 14-17: 2 Samuel 12:13). Ang ultimatum na parusa sa ating kasalanan kahit na hindi agad agad nangyayari ay kamatayan dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23). Salamat sa Diyos, ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Hesu Kristo at sa gayon ang nananampalataya sa Kanya ay hindi na hahatulang maparausahan (Romans 5:8).

Ng dalahin ng mga Pariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya sa Panginoong Hesus, tinanong nila Siya kung dapat ba nilang batuhin ang babae hanggang sa mamatay. Sumagot si Hesus, - Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya." Hindi ito dapat gawing pangangatwiran na tinututulan ng Panginoong Hesus ang parusang kamatayan sa anumang paraan. Inilalantad lamang ditto ni Hesus ang pagpapanggap ng mga Pariseo. Nais ng mga Pariseo na linlangin si Hesus. Hindi sila talaga nagnanais na ipatupad ang kautusan sa Lumang Tipan. Kung pumayag si Hesus na batuhin ang babae hanggang mamatay, sasalungatin niya ang batas ng mga Romano (bawal humatol ng kamatayan ang mga Hudyo sa kanilang sarili noon kaya't kung humatol si Hesus ng kamatayan para sa babae, maipapahuli nila si Hesus). Ang Diyos ang nagtakda ng parusang kamatayan. "Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao" (Genesis 9:6). Tiyak na susuportahan ni Hesus ang parusang kamatayan sa ilang pagkakataon. Ipinadama din ni Hesus ang kanyang habag sa mga taong nahatulan ng kamatayan (Juan 8:1-11). Mismong si Apsotol Pablo ay nagpahayag ng kanyang pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan na magpataw ng parusang kamatayan kung kinakailangan (Roma 13:1-17).

Ano ba ang dapat na maging pananaw ng Kristiyano patungkol sa parusang kamatayan? Una, tandaan natin na ang Diyos mismo ang nagtakda ng parusang kamatayan sa Kanyang Salita kaya nga hindi natin masasabi na makapagtatakda tayo ng mas mataas na pamantayan. Ang Diyos ang may pinakamataas na pamantayan sapagkat Siya ay perpekto. Ang pamantayang ito ay dapat na ilapat din sa sangkatauhan. Umiibig Siya sa pinakamataas na antas kaya't ang Kanyang awa ay walang hanggan. Ngunit ang kanyang hustisya ay walang hanggan din naman at ito ay napapanatili Niya sa isang perpektong balanse.

Ikalawa, dapat nating kilalanin na ang Diyos ang nagbigay ng awtoridad sa lahat ng pamahalaan upang magpataw ng parusang kamatayan sa karapat dapat tumanggap nito (genesis 9:6; Roma 13:1-7). Hindi ayon sa Bibliya na sabihin na tinututulan ng Diyos ang parusang kamatayan sa lahat ng pagkakataon. Bilang mga Kristiyano, hindi tayo dapat matuwa kung may daranas ng parusang kamatayan. Hindi rin tayo dapat lumaban sa kapangyarihan ng gobyerno na maglapat ng parusang kamatayan sa mga gumagawa ng mga karumaldumal na krimen.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa parusang kamatayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries