Tanong
Patuloy ka bang patatawarin ng Diyos kung paulit ulit kang gumagawa ng parehong kasalanan?
Sagot
Upang masagot ang tanong na ito, tutunghayan natin ang dalawang makapagnyarihang talata sa kasulatan. Ang una ay makikitan natin sa aklat ng mga Awit, "Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin" (Awit 103:12). Ang isa sa mga mabisang pandaraya ni Satanas sa mga Kristiyano ay kumbinshin tayo na hindi pa talaga napatawad lahat ng ating mga kasalanan sa kabila ng mga pangako ng kapatawaran mula sa Salita ng Diyos. Kung tunay tayong tumanggap kay Kristo at Siya an gating tagapagligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at mayroon pa ring pakiramd na hindi pa napapatawad ng Diyos o nagdududa sa kapatawaran ng Diyos, maaaring inaatake ka ng demonyo. Namumuhi ang mga demonyo kung nakakalaya ang mga tao sa kanyang control at sinisikap nilang magtanim ng binhi ng pagdududa sa ating isipan tungkol sa katotohanan ng kaligtasan, Sa kanyang maraming armas, ang isa sa pinakamabisang armas ni Satanas ay ang patuloy na ipaalala sa atin an gating mga pagsalangsang at kasalanan sa Diyos sa nakalipas na siya niyang ginagamit upang "patunayan" na hindi tayo maaaring patawarin o ibalik ng Diyos sa pananampalataya. Isang hamon sa atin ang mga pagatake ng demonyo upang mamahinga sa mga pangako ng Diyos at magtiwala sa Kanyang pag-ibig.
Ngunit sinasabi sa atin ng talatang ito ng Awit na hindi lamang pinatawad ng Diyos ang ating mga kasalanan kundi lubos Niya itong inalis sa Kanyang presensya. Ito ay kahangahanga! Walang duda na napakahirap para sa atin na lubos itong maunawaan at ito ang dahilan kung bakit napakadali sa atin na magalala tungkol sa ating kapatawaran sa halip na simpleng tanggapin ito. Ang susi ay ang pagsusuko ng ating mga pagdududa at ng pakiramdam ng paguusis at mamahinga tao sa kanyang pangako ng pagpapatawad.
Ang isa pang talata ay ang 1 Juan 1:9, "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan." Anong kahanga hangang panagko! Pinatatawad ng Diyos ang kanyang mga anak sa tuwing sila'y magkakasala kung lalapit sila sa kanya ng may pusong nagsisisi at hihingi ng kapatawaran. Napakadakila ng biyaya ng Diyos na kaya nitong linisn ang makasalanan upang siya'y maging isang anak ng Diyos at dakila din naman ang Kanyang pangko na sa tuwing tayo'y madadapa, patuloy tayong patatawarin ng Diyos.
Sa Mateo 18:21-22, mababasa natin, "Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito." Maaaring inaakala ni Pedro na siya ay sobrang mapagbigay. Sa halip na ganithan ang taong nagkasala sa kanya ng pareho sa kanyang ginawa, inisip niyang bigyan ito ng tsansa na patawarin ng pitong beses. Ngunit sa ikawalong pagkakataon, wala ng biyaya at pagpapatawad. Ngunit hinamon ni Kristo ang pamantayan ni Pedro at sinabing ang pagpapatawad ay walang hanggan para sa mga humihingi nito. Posible lamang ito dahil sa walang katapusang biyaya ng Diyos na ginawang posible sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo ni Krsito doon sa krus. Dahil sa kapatawarang inilaan ni Kristo, maaari tayong linisn ng Diyos sa tuwina pagkatapos nating magsisi kung buong pagpapakumbaba tayong hihingi ng kapatawaran sa Diyos.
Gayundin naman, dapat ding tandaan na itinuturo ng Kasulatan na ang isang iniligtas ng Diyos ay hindi mamumuhay sa kasalanan o gagawing lisensya ang biyaya ng Diyos upang magkasala (1 Juan 3:8-9). Ito ang dahilan kung bakit pinapayuhan tayo ni apostol Pablo na, "Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na." (2 Corinto 13:5). Bilang mga Kristiyano, maaari tayong madapa, ngunit hindi tayo namumuhay sa isang buhay ng pagkakasala at patuloy na hindi nagsisisi sa ating mga kasalanan. Lahat tayo ay may kanya kanyang kahinaan at maaaring magkasala, kahit hindi natin gusto ang magkasala. Maging si apostol Pablo ay gumagawa ng mga bagay n ayaw niyang gawin dahil sa kasalanan na gumagawa sa kanyang katawan (Roma 7:15). Gaya ni Pablo, ang reaksyon ng isang mananampalataya ay mamuhi sa kasalanan, pagsisihan iyon at humn=ingi ng biyaya mula sa Diyos na mapablabanan ang mga iyon (Roma 7:24-25). Bagamat hindi natin kaialangang magkasalal dahil sa kasapatan ng biyaya ng Diyos, minsa ay nagkakasala tayo dahil nagtitiwala tayo sa ating sariling lakas. SA tuwing nanghihina an gating pananampalataya at hindi natin sinusunod ang Panginoon sa ating buhay at sa aring salita, gaya ng ginawa ni Pedro, mayroon pa ring pagkakataon para sa atin na magsisi at mapatawad mula sa ating mga kasalanan.
Ang isa pang pandaraya ni Satanas ay ang kumbinsihin tayo na wala ng pag-asa, at may posibilidad na hindi na tayo mapatawad, mapagaling at maibalik sa pananampalataya. Gagawin niya ang lahat upang ikulong tayo sa pakiramda na inuusig tayo ng ating budhi at ipaparamdam sa atin na hindi na tayo karapatdapat pa sa pagpapatawad ng Diyos. Ngunit kailan tayo naging karapatdapat sa biyaya at kapatawaran ng Diyos? Inibig tayo ng Diyos, pinatawad, at pinili Niya tayo upang maging kay Kristo bago pa nilalang ang sanlibutan (Efeso 1:4-6), hindi dahil sa anumang bagay na ating ginawa, kundi "upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo" (Efeso 1:12). Walang lugar na maaari nating puntahan na hindi tayo maaabot ng biyaya ng Diyos at walang napakalalim na lugar na maaari nating kalubugan na hindi Niya tayo kayang iahon. Higit na sakila ang Kanyang biyaya kayasa sa ating mga kasalanan. Kung tayo man ay naguumpisa pa lamang na lumayo sa Diyos o lumulubog na at nalulunod sa kasalanan, laging nakahanda ang Diyos na ipagkalob ang biyaya ng kapatawaran.
Ang biyaya ay kaloob ng Diyos (Efeso 2:8). Sa tuwing nagkakasala tayo, inuusig tayo ng Banal na Espiritu upang magdulot sa ating mga puso ng makadiyos na kalungkutan (2 Corinto7:10-11).Hindi Niya kukundenahin an gating mga kaluluwa na tila wala ng pag-asa pa, sapagkat wala ng anumang hatol sa mga na kay Kristo Hesus (Roma 8:1). Ang kumbiksyon ng Banal na Espiritu ay nasa sa atin at iyon ay pagkilos ng pag-ibig at biyaya ng Diyos. Hindi lisensya ang biyaya ng Diyos sa paggawa ng kasalanan (Roma6:1-2), at hindi it nararapat na abusuhin. Kailangang tawagin ang kasalanan na kasalanan at hindi dapat ituring ang kasalanan na walang magagawa o hindi nakakapagbigay ng kalungkutan sa Diyos. Ang mga mananampalatayang hindi nagsisis ay nararapat na sabihan ng may pag-ibig at hanguin patungo sa kalayaan at ang mga hindi mananampalataya naman ay dapat na sabihan na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan. Ngunit dapat din nating bigayn diin ang lunas sa kanilang kasalanan, dahil "sa siya'y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob" (John 1:16). Ito ang kundisyon kung paano tayo mamumuhay, kung paano tayo iniligtas, kung paanotayo pinapaging banal at kung paano tayo iniingatan at luluwalhatiin. Tanggapin natin ang biyaya sa tuwing tayo'y nagkakasala sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapahayag ng ating mga kasalanan sa Diyos. Bakit tayo mamumuhay sa isang maruming buhay kung binigyan tayo ni Hesus ng isang buhay na malinis at tama sa harapan ng Diyos.
English
Patuloy ka bang patatawarin ng Diyos kung paulit ulit kang gumagawa ng parehong kasalanan?