settings icon
share icon
Tanong

Sino ang mga patay kay Kristo sa 1 Tesalonica 4:16?

Sagot

Bago tukuyin ang mga patay kay Kristo dapat nating pansinin ang konteksto kung saan matatagpuan ang talatang ito. Ang kasalukuyang konteksto ay ang 1 Tesalonica 4:13-18, na tumatalakay sa tanong kung ano ang mangyayari sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang mga mambabasa ni Pablo ay nag-aalala na kapag bumalik si Cristo, ay maiwan ang mga nangamatay na noon. Ang pangunahing layunin ng talatang ito ay pagaanin ang loob ng mga mananampalataya na nawalan ng mga minamahal na nananampalataya.

Mensahe ng pag asa ang talatang ito. Ang mga Kristiyano ay may pag-asa na wala sa mga hindi mananampalataya kapag nawalan sila ng mga minamahal sa buhay. Mayroong pag-asa sa kabila ng libingan para sa mga Kristiyano, at ang muling pagbabalik ni Kristo ang pag-asang iyon. Bubuhayin muna ang mga namatay na. Pagkatapos nito, gagawing maluwalhati ang katawan ng mga Kristiyanong nabubuhay pa. Dadagitin ang dalawang grupong ito ng mananampalataya at sasalubungin ang Panginoon sa himpapawid. Tinapos ni Pablo ang bahaging ito na may paalala na palakasin ang iba ng pag-asang ito.

Sa talatang ito, itinuro ni Pablo ang karaniwang euphemism ng pagtulog upang tumukoy sa mga namatay kay Kristo. Ibig sabihin, nais aliwin ni Pablo ang mga mananampalataya na hindi mawawalan ng anuman ang mga Kristiyanong namatay na bago ang muling pagbabalik ni Kristo. Kaya naman binuksan niya ang bahaging ito sa pagsasabing, “Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati tulad ng mga taong walang pag-asa” (v.13).

Kaya’t upang masagot ang tanong, ang mga patay kay Kristo ay mga mananampalataya na namatay bago bago ang ikalawang pagdating ni Kristo (Tandaang ang 1 Tessalonica 4 ay tumutukoy sa ikalawang pagdating o ang pagdagit ang pinag-uusapan). Ang paksa ay ang mga mananampalataya patay man o buhay ay para kay Kristo. Makikita natin ang katulad na pananalita mula sa apostol sa kanyang unang liham sa mga taga-Corinto nang isinulat niya, “Ngunit ang bawat isa'y may kani-kanyang takdang panahon. Si Cristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Cristo sa panahon ng pagparito niya” (1 Corinto 15:23). Ang mga patay kay Kristo ay hindi lamang sa orihinal na taga-pakinig ni Pablo kundi sa lahat ng mananampalataya na namatay sa kung ano ang matatawag sa panahong “inter-advental” o ang panahon sa pagitan ng una at ikalawang pagdating ni Kristo.

Ang isa pang tanong na maaaring lumabas ay kung ano ang mangyayari sa mga mananampalataya kapag sila’y namatay? Tunay nga na ginamit ni Pablo ang pagtulog upang tumukoy sa kanilang kalagayan ngunit ibig sabihin ba nito na ang mga mananampalataya ay nakaranas (sa kakulangan ng mga angkop na salita) ng isang estado na tulad ng pagtulog hanggang sa hinaharap na pagkabuhay muli? Ang mga nagtataguyod ng posisyong ito na tinatawag na pagtulog ng kaluluwa ay nakabatay sa mga talatang tulad ng 1 Tesalonica 4:13-18. Ngunit dapat tandaan na ang "pagtulog" na ginamit dito ay euphemistic o pigura ng pananalita hindi literal. Hindi ito dapat ipahayag na literal na pagtulog. Sa katunayan, ang karanasan ng mananampalataya pagkatapos ng kamatayan at bago ang wakas ng panahon kung kailan babalik si Kristo ay may malayang kalagayan, masayang pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Binibigyang-pahiwatig ni Pablo ito sa mga talata tulad ng 2 Corinto 5:6-8 at Filipos 1:23.

Sa kamatayan, ang katawan ay nagpapahinga sa libingan at maghihintay sa pagkabuhay na mag-uli sa huling araw, ngunit ang kaluluwa ay paroroon sa tahanan sa langit kasama ng Panginoon. Ito ang doktrina ng intermediate state. Ang mga mananampalataya ay makakaranas sa isang panandaliang paraan ng mga gantimpalang naghihintay sa kanila sa langit samantalang ang mga hindi manampalataya ay nakakaranas ng paghihirap ng walang hanggang kaparusahan sa impiyerno (Lucas 16:19-31).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries