settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pinagmulan ng relihiyon? Paano nagsimula ang relihiyon? Ano ang pasimula ng relihiyon?

Sagot


Mula pa sa pinakaunang panahon, naghanap ang tao sa kanyang paligid, tumingala sa itaas at nagtanong patungkol sa mundo, sa kalawakan at sa kahulugan ng buhay. Hindi gaya ng mga hayop, may likas na pagnanais tayong mga tao na maunawaan kung paano tayo lumabas sa mundo, bakit tayo naririto at ano ang magaganap sa atin pagkatapos nating mamatay. Personal na kilala nina Adan at Eba ang Diyos (Genesis 3) at nakipagusap sila sa Kanya (Genesis 4:1). Naghandog sa Panginoon ang kanilang mga anak (Genesis 4:3-4). At sa panahon ng kanilang mga apo, "nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh ang mga tao sa kanilang pagsamba (Genesis 4:26).

Sa buong kasaysayan at sa bawat kultura, nakadama ang tao ng pangangailangan ng pagsamba sa kanilang itinuturing na pinanggagalingan ng buhay. Ipinapaliwanag ng Bibliya ang dahilan—nilikha tayo sa wangis ng Diyos (Genesis 1:27), at inilagay ng Diyos sa ating mga puso ang walang hanggan (Mangangaral 3:11). Nilikha tayo upang magkaroon ng relasyon sa ating Manlilikha. Ang mga ritwal at pagsasanay na pangrelihiyon ay ekspresyon ng nilikha sa kanyang pagnanais na sambahin ang Manlilikha.

Sinabi ng Biologist na si Julian Huxley na ang pagiral ng relihiyon ay resulta ng kamangmangan at ng mga pamahiin: "Ang paniniwala sa mga diyos ay isang hindi kapanipaniwalang kaganapan na nilikha ng ebolusyon." Sa ibang salita, nilikha ng mga sinaunang tao ang ideya tungkol sa Diyos mula sa mga pamahiin noong unang panahon at walang kahalagahan ang relihiyon sa mga sosyedad sa makabagong panahon. Ang mga teorya ay base sa mga pananaw na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay unang ipinahayag sa animismo o pagsamba sa mga espiritu, paniniwala sa mga multo, sa totem, at pagsasanay ng mahika o madyik. Hindi ganito ang konklusyon ng lahat ng iskolar. Gayunman, nagpakita si Rev. Wilhelm Schmidt ng ebidensya ng isang pananampalataya sa iisang Diyos bilang kauna-unahang relihiyon na sinanay ng mga tao at nagbigay ng mabisang argumento upang suportahan ang katotohanan ng relihiyon. Nagsimula ang tao na may paniniwala sa iisang Diyos hanggang sa nabago ang kanyang teolohiya at naniwala sila sa maraming mga diyos.

Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos ng baha, nagpasimula ang Diyos ng isang walang kundisyong tipan sa pagitan Niya at ni Noe at ng mga lahing manggagaling sa kanya Genesis 9:8-17). Sinuway ng tao ang Diyos at sa halip na kumalat sa mundo at punuin ito, nagsimula silang magtayo ng isang siyudad at ng isang tore. Ginulo ng Diyos ang kanilang wika at pinaghiwa-hiwalay sila (Genesis 11:1-9). Pagkatapos noon, marami ng relihiyon na naniniwala sa maraming diyos ang lumitaw sa mundo. Kalaunan, nagpakilala ang Diyos kay Abraham at gumawa Siya sa kanya ng isang Tipan (humigit kumulang 2000 BC).

Pagkatapos na palayain ng Diyos ang Israel mula sa pagkakabihag sa Egipto, binigyan Niya sila ng Tipan ni Moises at kalaunan, ibinigay din Niya ang kanyang tipan kay David. Sa lahat ng mga pangyayaring ito, ang Diyos ang umaabot sa tao at naglalapit sa kanila sa pakikipagrelasyon sa Kanya. Kakaiba ito sa kasaysayan ng mga relihiyon sa mundo.

Patungkol sa Kristiyanismo, ang Diyos mismo ang responsable sa pagpapakilala sa Bagong Tipan – ang isang walang kundisyong pangako sa taksil na Israel na patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan ayon hindi karapatdapat tanggaping biyaya sa pamamagitan ng pagpapakasakit ng Mesiyas. Binuksan din ng Bagong Tipang ito ang daan upang maligtas ang mga Hentil. Ang Diyos ang nagpasimula ng lahat ng ito. Ang Biblikal na relihiyon ay nakabase sa katotohanan na ang Diyos ang umabot sa atin; hindi isang pagtatangka ng tao na abutin ang Diyos. Ang Biblikal na relihiyon ay ating tugon sa ginawa sa atin ng Diyos, hindi isang kodigo ng pamumuhay na dapat nating ganapin para sa Diyos.

Ang isang dahilan kung bakit napakaraming relihiyon sa mundo ay ang pandarayang ginagawa sa sangkatauhan ng Diyablo, ang kaaway ng ating mga kaluluwa na naghahangad ng kaluwalhatian at pagsamba para sa kanyang sarili (2 Corinto 4:4; 1 Timoteo 4:1). Ang isa pang dahilan ay ang likas na pagnanasa ng tao na ipaliwanag ang hindi pa naipapaliwanag at ang pagaayos sa mga bagay na magulo. Itinuturo ng marami sa mga naunang paganong relihiyon na kailangan nilang pawiin ang galit ng mahina at lapastangang mga diyos upang maiwasan ang mga kalamidad. Sa pagdaan ng mga siglo, laging ginagamit ng mga namumuno at mga hari ang relihiyon na pinatatakbo ng kanilang estado upang ipailalim sa kanilang pamamahala ang kanilang mga nasasakupan.

Ang totoong relihiyon na pinasimulan ng Diyos sa Israel libo-libong taon na ang nakararaan ay nagtuturo sa paparating na Mesiyas na magbibigay sa lahat ng tao ng daan upang makipagkasundo sa kanilang Manlilikha. Nang dumating si Jesus, kumalat ang Krsitiyanismo habang ipinangangaral ng mga alagad ang Ebanghelyo sa buong mundo at binabago ng Espiritu Santo ang buhay ng mga tao. Naingatan ang nasulat na Salita ng Diyos at maaaring mabasa ngayon ng lahat ng tao sa aklat na tinatawag na Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pinagmulan ng relihiyon? Paano nagsimula ang relihiyon? Ano ang pasimula ng relihiyon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries