settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng pinakamataas si Cristo sa lahat at ano ang implikasyon nito?

Sagot


Ang pagiging pinakamataas ni Cristo sa lahat ay isang doktrina na nakapaloob sa awtoridad ni Cristo at sa Kanyang kalikasan bilang tunay na Diyos at tunay na Tao. Sa pinakasimpleng salita, ang pagsang-ayon sa pagiging pinakamataas sa lahat ni Cristo ay pagsang-ayon na si Jesus ay Diyos.

Ang pakahulugan ng diskyonaryo sa pagiging mataas sa lahat ay "pinakamataas sa ranggo o awtoridad" o "pinakamataas sa antas o kalidad." Sa esensya, wala ng mas hihigit pa sa pinakamataas. Ang pagiging mataas sa lahat ay pagiging walang kapantay. Si Jesus ay walang kapantay ang kapangyarihan, kaluwalhatian awtoridad at kahalagahan. Ang pagiging mataas ni Cristo sa lahat ang pangunahing tinalakay sa aklat ng Hebreo at Colosas.

Ang isang pangunahing tema ng aklat ng Hebreo ay ang pagpapaliwanag sa gawain ni Cristo sa konteksto ng sistema ng paghahandog sa Lumang Tipan. Si Jesus ang kaganapan ng mga tradisyon at papel ng Lumang Tipan. Ang isa pang pangunahing tema ng aklat ng Hebreo ay hindi siang simpleng representasyon lamang si Jesus ng paggawa ng mga bagong bagay kundi Siya ang pinakamataas sa lahat. Siya ang aktwal na katuparan ng mga paggawa ng mga lumang bagay at higit sa mga paraang iyon. Patungkol sa sistema ng paghahandog sa templo sa ilalim ng kautusan ni Moises, isinulat ng may akda ng aklat ng Hebreo, "Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako" (Hebreo 8:6). Sa esensya, higit si Jesus kaysa mga sistema ng paghahandog sa Lumang Tipan. Pareho Niyang sakop at hinigitan ang mga lumang paraan sa paggawa ng mga bagay-bagay na pangrelihiyon. Ito ay makikita sa maraming paghahalintulad kay Jesus sa mga ritwal at papel ng Lumang Tipan. Halimbawa, sinabi sa atin na si Jesus ay buhay magpakailanman, kaya't walang katapusan ang kanyang pagkasaserdote. "Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila" (Hebreo 7:24–25). Kaya nga mas mataas ang pagkasaserdote ni Jesus kaysa sa mga saserdote sa Lumang Tipan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng pinakamataas si Cristo sa lahat at ano ang implikasyon nito?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries