Tanong
Sino ang pinakamatandang tao sa Bibliya?
Sagot
Inilista sa ika-5 kabanata ng Genesis ang siyam na tao na nabuhay ng napakatagal. Hindi sinabi kung paano at kung bakit sila nabuhay ng ganoon katagal. Nabuhay si Adan sa loob ng 930 taon (Genesis 5:5). Si Seth ay nabuhay ng 912 taon (Genesis 5:8). Si Enoc ay nabuhay ng 905 taon (Genesis 5:11). Si Kenan ay nabuhay ng 910 taon (Genesis 5:14). Si Mahalalel ay nabuhay ng 895 taon (Genesis 5:17). Si Jared ay nabuhay ng 962 taon (Genesis 5:20). Si Enoc ay nabuhay ng 365 taon bago siya kunin ng buhay ng Diyos (Genesis 5:22–24) at si Lamec ay nabuhay ng 777 taon (Genesis 5:31). Itinala sa Genesis 9:29 na si Noe ay nabuhay ng 950 taon.
Pero ang pinakamatandang tao sa Bibliya na nabuhay ng mas matagal kaysa sa lahat ay nagngangalang Matusalem na nabuhay sa loob ng 969 taon (Genesis 5:27). Maaaring may nabuhay pa ng mas matagal kaysa kay Matusalem bago ang baha pero hindi itinala ng Bibliya ang sinumang mas matagal na nabuhay kaysa sa kanya. Nakapakaunti ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Matusalem maliban sa sinabi na siya ay lolo ni Noe. May dalawang posibleng kahulugan ang pangalang Matusalem: “isang lalaki ng sibat” at “siya ang ang magdadala ng kamatayan.” May tradisyon na wala sa Bibliya ang nagsasabi na binigyan ng Diyos ng pahayag si Enoc ang tatay ni Matusalem na hindi magaganap ang baha hangga’t hindi namamatay si Matusalem. Kung totoo ito, ang pangalan ni Matusalem ay maaaring nangangahulugang “ang kanyang kamatayan ang magdadala ng baha.”
Sinusuportahan ng Matematika ng Bibliya ang kahulugang ito ng kanyang pangalan dahil namatay si Matusalem noong taong naganap ang baha. Isinilang si Lamec noong si Matusalem ay 187 taong gulang (Genesis 5:25). Isinilang si Noe noong si Lamec ay 182 taong gulang (Genesis 5:28). Naganap ang baha noong si Noe ay 600 taon (Genesis 7:6). 187 + 182 + 600 = 969, na siyang edad ni Matusalem ng siya ay mamatay. Kaya lumalabas na maaaring may magandang kuwento sa likod ng pinakamatandang tao sa Bibliya na si Matusalem at kung bakit siya nabuhay sa loob ng 969 taon.
Kakaunti lamang ang ating maaaring malaman sa Bibliya tungkol kay Matusalem ang pinakamatandang tao sa Bibliya. Nabuhay siya sa loob ng 969 taon at namatay sa parehong taon ng maganap ang baha. Siya ay apo sa talampakan ni Adan at ang lolo ni Noe. Tila siya ay isang lalaking makadiyos na pinagpala ng ganito kahabang buhay sa mundo.
English
Sino ang pinakamatandang tao sa Bibliya?