settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pinasimulang eskatolohiya (inaugurated eschatology)?

Sagot


Ang pinasimulang eskatolohiya (Inaugurated eschatology) ay isang tiyak na plano ng eskatolohiya —o ang pagaaral sa mga huling panahon. Ang pinasimulang eskatolohiya ay pangunahing nagsasaysay na ang kaharian ng Diyos, gaya ng inihula sa Isaias 35 ay nagsimula sa unang pagparito ni Cristo at narito na ngayon, bagamat hindi pa ito ganap na natutupad hanggang sa Kanyang ikalawang pagparito. Ang pinasimulang eskatolohiya ay tinatawag din minsan na “naganap na ilang pangyayari sa huling panahon” (“partially realized eschatology”) at may kaugnayan sa konseptong “narito na pero wala pa” (“already here but not yet”).

Ang pangunahing kahulugan ng pinasimulang eskatolohiya ay ang paniniwala na nabubuhay na tayo sa mga huling panahon, na nagsimula sa buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus. Dahil napasimulan na ni Jesus ang kaharian ng Diyos, maaangkin na ng iglesya ang kaharian ngayon din mismo. Ang kasalungat ng pananaw na ito ay ang dispensasyonal na eskatolohiya (dispensational eschatology) na kinikilala ang Kaharian ng Diyos bilang hiwalay na yugto ng kasaysayan kung kailan ang mga pangako ng Diyos sa Israel ay literal na magaganap sa lupa. Pinananatili ng dispensasyonalismo (dispensationalism) ang pagkakaiba sa pagitan ng iglesya sa Bagong Tipan at ang Israel sa Lumang Tipan (at ang panahon ng kaharian sa hinaharap). Pinalalabo ng pinasimulang eskatolohiya ang linyang ito.

Ayon sa pinasimulang eskatolohiya (inaugurated eschatology), ang lahat na mga pangako ng kaharian ay maaaring maganap sa iglesya sa kasalukuyan. Halimbawa, ipinangako sa Isaias 35:5 na sa kaharian, “Ang mga bulag ay makakakita, at makakarinig ang mga bingi.” Maaaring angkinin ang pangakong ito ngayon, ang sabi ng mga nagsusulong ng konseptong “narito na pero wala pa” kung may pananampalataya tayo na magtatagumpay ang iglesya sa ating mundo. Ang pangangatwiran ay: Si Jesus ang Hari sa trono sa langit, at ang Kanyang kaharian ay naitatag na kaya makakakita ang mga bulag at makakarinig ang mga bingi. Ang pinasimulang eskatolohiya ay popular sa mga kilusang Karismatiko dahil nagbibigay ito ng basehan para sa pagaangkin ng paggawa ng mga himala sa kasalukuyan.

Kung ang Kasulatan ang pagbabasehan, may katotohanan na tayo ay nabubuhay na sa mga huling panahon dahil nalalapit na ang muling pagparito ni Cristo. At may katotohanan na ang kaharian ay nagpasimula na. Sinasabi sa Colosas 3:1 na ang mga mananaampalataya ay “ibinangong kasama ni Cristo” bagama’t siyempre, hindi ito maituturing na sa pisikal na aspeto dahil hindi pa tayo nabubuhay na mag-uli. Nagsasalita si Pablo sa espiritwal na pamamaraan. Ang isa sa mga problema ng pinasimulang eskatolohiya ay may inklinasyon na umasa ang mga naniniwala dito sa isang pisikal na katuparan ng kaharian sa kasalukuyan na ipinangako ng Diyos sa Israel. Malinaw na sinabi ni Cristo, “Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito” (Juan 18:36).

Sa pagsisimula ng ministeryo ni Jesus, sinabi Niya na ang kaharian ng Diyos ay malapit na (Mateo 4:17). Pero tinanggihan ng Israel ang kanilang Hari at dahil dito, tinanggihan din nila ang kaharian. Nakabimbin ang mga taon ng kaharian sa ngayon habang gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng iglesya, na kinabibilangan ng mga Judio at Hentil. Kapag natapos na ang panahon ng iglesya, muling ibabaling ng Diyos ang Kanyang pansin sa Israel at tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako sa kanila. Muling paparito si Cristo, tatanggapin ng Israel ang kanilang Tagapagligtas at pagkatapos, saka darating ang kaharian ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pinasimulang eskatolohiya (inaugurated eschatology)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries