settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng pitong kulog sa Pahayag 10:1-7?

Sagot


Mababasa ang pitong kulog sa Pahayag 10:1–7. Sa Kanyang pangitain tungkol sa magaganap sa hinaharap, nakita ni apostol Juan ang isang makapangyarihang anghel na nakatuntong sa dagat at lupa at may hawak na balumbon sa kanyang kamay. Sumigaw ang anghel na gaya ng atungal ng isang leon at pagkatapos nagsalita ang tinig ng pitong kulog. Isusulat na lamang ni Juan ang kanilang sinabi ng isang tinig mula sa langit ang nagsabi “Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mo nang isulat!” (Pahayag 10:4).

Ang insidente ng pitong malakas na tinig ay naganap sa patlang ng panahon sa pagitan ng ikaanim at ikapitong trumpeta. Ang pitong kulog ay hindi lamang pangkaraniwang ingay ng kulog kundi mga tinig na gaya ng tunog ng kulog na nagbabadya ng isang mensahe. Ang salitang Griyego na isinalin sa salitang “kulog” ay nangangahulugan ng “umatungal.” Ang kulog ay laging isang tanda ng paghatol sa Kasulatan gaya ng makikita sa 1 Samuel 2:10, 2 Samuel 22:14, at ilang lugar sa aklat ng Pahayag (Pahayag 8:5; 11:19; 16:18), kaya ang pitong makapangyarihang tinig ay sumisigaw para sa hatol ng Diyos sa makasalanang mundo. Ang kulog ay kumakatawan sa tinig ng Diyos. Sinasabi sa Awit 18:13, “Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig.”

Ang karagdagang ebidensya na ang pitong kulog ay tinig ng Diyos ay ang Pahayag 4:5: “Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos.” Muli ang tinig ng Diyos ay inilarawan bilang malakas na ugong na nagpapakita ng kapangyarihan, kaluwalhatian, at karingalan ng ating makapangyarihang Diyos. Sa talatang ito, nakita ni Juan ang poot ng Diyos na ibubuhos sa mundo sa hinaharap gaya ng inilarawan ng buo sa kabanata 16—19 ng Pahayag.

Gaya ng kung paanong isusulat na lamang ni Juan ang mga salitang Kanyang narinig sa pitong kulog, isang tinig mula sa langit ang nag-utos sa kanya na ilihim muna kung ano ang ipinahayag sa kanya. Ang parehong trono na nagpalabas ng kidlat at dumadagundong na kulog ang nag-utos sa kanya na ilihim ang ipinahayag ng mga tinig. Ang dahilan sa paglilihim sa mensahe ay hindi ibinigay, pero maaaring ang hatol ay sobrang nakapangingilabot para isulat. Ang laman ng mensahe ay hindi ipinahayag sa Kasulatan, kaya’t hindi natin ito maipapaliwanag. Ang pitong kulog ang tanging lihim na mga salita sa Pahayag na hindi ipinaliwanag.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng pitong kulog sa Pahayag 10:1-7?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries