settings icon
share icon
Tanong

Ano ang politeismo (polytheism)?

Sagot


Ang politeismo ay ang paniniwala na maraming mga diyos. Ang salitang "poly" ay nagmula sa wikang Griyego na "marami" at ang "theism" ay mula sa salitang Griyego na "Diyos."Maaaring ang Politeismo (Polytheism) ang pinakadominanteng pananaw tungkol sa Diyos sa kasaysayan ng mundo. Ang pinakakilalang halimbawa ng politeismo sa sinaunang panahon ay ang mitolohiyang Griyego at Romano (Zeus, Apollo, Aphrodite, Poseidon atbp.). Ang pinakamalinaw na modernong halimbawa ng politeismo ay ang Hinduismo (Hinduism) na may mahigit sa 300 milyon na mga diyos. Kahit na sa esensya, ang hinduismo ay pantheistic o naniniwala na ang lahat ay diyos, naniniwala rin ito na marami ang diyos. Kapansin pansin na kahit sa mga relihiyon na naniniwala sa maraming diyos, mayroon pa ring pinakamataas na Diyos na higit sa ibang mga diyos, halimbawa, si Zeus sa Griyego/Romanong mitolohiya at si Brahman sa Hinduismo.

May mga nagsasabi na itinuturo diumano ang politeismo sa Lumang Tipan. Tinatanggap natin na may ilang mga talata sa Bibliya kung saan tinutukoy ang maraming diyos (Exodo 20:3; Deuteronomio 10:17; 13:2; Awit 82:6; Daniel 2:47). Nauunawaang lubos ng sinaunang Israel na mayroon lamang iisa at tunay na Diyos, ngunit lagi silang namuhay sa paraaan na tila hindi sila naniniwala sa katotohanang ito at patuloy silang sumasamba sa diyus diyusan at sa mga hindi kilalang diyos. Ano ang ating sasabihin tungkol sa mga talatang ito na tila nagsasabi na maraming diyos? Mahalagang tandaan na ang salitang Hebreo na Elohim ay tumutukoy sa isang tunay na Diyos ay tumutukoy din sa mga huwad na diyos/idolo. Halos pareho ang kahulugan nito sa salitang Tagalog na "Diyos."

Ang paglalarawan manunulat ng akalt sa Lumang Tipan sa isang bagay o tao bilang "diyos" ay hindi nangangahulugan na naniniwala ang manunulat na ang mga bagay na iyon ay totoong diyos. Ang karamihan ng mga talata sa Lumang Tipan kung saan binabanggit ang salitang "diyos" ay tumutukoy sa mga diyus diyusan at sa mga nagaangkin na sila ay diyos ngunit hindi totoo. Ang konseptong ito ay binuod sa aklat ng 2 mga Hari 19:18, "Nagawa nilang sunugin ang mga diyos ng mga bansang yaon sapagkat hindi naman talagang Diyos ang mga iyon kundi mga kahoy at batong ginawang diyus-diyusan." pansinin din ang Awit 82:6 kung saan sinasabi ang ganito:, "Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan."

Maliwanag na ang Bibliya ay nagtuturo laban sa politeismo. Sinasabi sa atin ng Deuteronomio 6:4, "Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos." Sinasabi naman ng Santiago 2:19, "Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin---at nangangatal pa." May isa lamang Diyos. Maraming huwad na Diyos at mga nagpapanggap bilang diyos ngunit mayroon lamang iisang tunay na Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang politeismo (polytheism)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries