Tanong
Dapat ko bang sabihin sa aking asawa ang tungkol sa aking adiksyon sa pornograpiya?
Sagot
Ang pakikipaglaban sa adiksyon sa pornograpiya ay karaniwang nababalot ng lihim, ngunit may pakinabang ang pagtatapat sa asawa. Ang desisyong gawin ito ay dapat na unahan ng maraming panalangin at paghingi ng karunungan sa Diyos (Kawikaan 3:5–6; Santiago 1:5).
Sinasabi ng Bibliya, “Kaya't ipagtapat ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa at magdalanginan upang kayo'y gumaling” (Santiago 5:16). Epektibo ito sa iglesya, at epektibo rin ito sa relasyon ng mag asawa. Mahirap ang makabangon mula sa adiksyon kung hindi ipagtatapat ng kabiyak ang kanyang kasalanan upang maging katuwang ito sa paggaling.
Ang adiksyon sa sex ay madalas na tinutukoy bilang isang “intimacy disorder.” Inilarawan ni Robert Weiss, isang eksperto, ang intimacy disorder bilang “kawalan ng kakayahan na makatagpo o manatili sa isang relasyon na kinapapalooban ng mga panganib na dala ng pagiging kilalang kilala.” Nilikha tayo ng Diyos upang makisalamuha sa iba (Genesis 2:18). Tulad ng sinabi ni Weiss, “Nangangaliangan tayong lahat nng malusog na relasyon para sa ating pag-iral-ganito ito kahalaga. Hindi tayo mabubuhay ng maayos ng nagiisa.”
Kaya upang magkaroon ng malapit na relasyon, kailangang ganap na maipakita natin ang sarili sa ating asawa—ang mabuti, masama, at pangit. Ang pagtatago ng adiksyon sa pornograpiya ay nangangahulugan ng paglilihim ng mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao sa kanyang kabiyak.
Kapag nalaman ng mag-asawa ang tungkol sa adiksyon sa pornograpiya, sa maraming pagkakataon, inaamin nila na alam na nila na may mali —hindi lamang nila alam eksakto kung ano ito. Maraming mga mag-asawa na ipinapalagay na sila mismo ang problema; kapag ang isang tao ay ibinubukod ang sarili dahil sa kahihiyan sa makasalanang pag-uugali,naniniwala ang kabiyak na ito ay kanyang kasalanan. Sa katunayan, ang pagiisa ay lumilikha ng pighati kapag natuklasan ang pag uugaling ito ng asawa. Nasasaktan sila at sinisisi ang kanilang sarili sa pagkakataong iyon.
Karagdagan dito, kung ang isang tao ay kusang loob na isinawalat ang kanyang adiksyon sa pornograpiya, sa halip na malaman ito sa ibang paraan binabawasan nito ang trauma na nararanasan ng mag-asawa. Sa bagong research ni Barbara Steffens, isang eksperto sa relationship trauma, ipinapakita na ang isang elemento na nagpapatindi ng trauma ay kapag nalaman ng kabiyak ang panahon ng pagtatago ng kasalanan. Kapag mas mahaba ang tagal ng paglilihim, mas malalim ang sakit na dulot nito.
Ang isa pang malaking pakinabang ng pagsasabi sa asawa ay ang pagkakataong ibahagi ang paggaling sa kanya. Kahit na ang pagsisiwalat ay magiging masakit, ang pagbabahagi sa sakit na iyon ay maaaring maging isang malakas na pagkakataon ng kanilang pagbubuklod.
Ngayon, may mga sitwasyon kung saan ang pagsisiwalat ng adiksyon sa pornograpiya ay maaaring mapanganib at maaaring kailanganin mong mag-ingat kung kalian at paano mo isisiwalat. Kung ang iyong asawa ay may psychological at emotional na hamon o may iba pang sakit o nasa sitwasyon ng krisis, maaaring hindi niya makayanan ang karagdagang stress ng pag-amin sa adiksyon sa pornograpiya sa panahonng iyon..
Ang desisyong ito ay nasa sa iyo dahil mapanganib. Mahalagang magtungo sa isang Kristiyanong tagapayo na ang mga pagpapayo ay nakasalig sa Salita ng Diyos (Kawikaan 11:14). Sa huli, ang mga gantimpala ng pag-amin sa kasalanan ay katumbas ng halaga sa sakit ng pag-amin.
Ang website na pornaddiction.com ay nagmumungkahi ng marami pang mga impormasyon tungkol sa pag-amin ng adiksyon sa pornograpiya sa iyong kabiyak.
English
Dapat ko bang sabihin sa aking asawa ang tungkol sa aking adiksyon sa pornograpiya?