settings icon
share icon
Tanong

Ano ang prinsipyong tinatawag na 'anthropic'?

Sagot


Ang ibig sabihin ng salitang Anthropic ay "may kaugnayan sa pagiral ng tao sa mundo." Ang ibig sabihin naman ng prinsipyo ay "batas." Ang prinsipyong anthropic ay ang batas sa pagiral ng tao. Alam ng halos lahat ng tao na ang pagiral sa sangnilikhag ito ay nakasalalay sa mga napakaraming sukat at palagiang nangyayari na ang katumbas na bilang ay dapat na nakapaloob sa napakaliit na pagkakaiba ng halaga o antas. Kung kahit na ang nagiisang kinakailangang kundisyon para mabuhay ang tao gaya ng oxygen ay mawala o humina ang antas ng kulang sa ating pangangailangan, mamamatay tayong lahat. Ang napakamasalimuot na pagkakatagni-tagni ng maraming elemento na tila sinadyang ayusin para sa ating kapakinabangan ay makikitang hindi nagkataon lamang at ito ang nagtulak sa ilang mga siyentipiko at matatalinong tao na magpanukala na ang Diyos ang siyang umayos sa sangnilikha at sa ating mundong ginagalawan upang umangkop ang mga ito sa ating mga pangangailangan. Ito ang prinsipyong anthropic: Ang sangnilikha ay isinaayos para sa pagpapanatili ng ating buhay.

Tingnan natin ang mga protons bilang halimbawa. Ang mga protons ay mga napakaliit na elemento na may positibong pwersa na bumubuo (kasama ng neutrons) sa nucleus ng isang atom (kung saan umiikot ang mga electrons na may negatibong pwersa. Kung nagkataon lamang (depende sa iyong pananaw), ang mga protons ay mas malaki ng 1,836 beses kaysa sa mga electrons. Kung mas malaki sila ng kaunti o maliit ng kaunti, hindi tayo mabubuhay (dahil hindi mabubo ng atoms ang mga kinakilangang molecules na ating kinakailangan). Kaya nga paanong ang mga protons ay naging 1,836 na mas malaki kaysa sa electrons? Bakit hindi naging 100 beses na mas malaki o 100,000 beses na mas malaki? Bakit hindi naging mas maliit? Sa lahat ng posibleng maaaring mangyari, paanong ang mga protons ay naging eksaktong tama lamang ang laki? Ito ba ay nagkataon lamang o sinadya?

O paanong magdadala ng postibong karga ng kuryente ang mga protons na katumbas ng negatibong kuryenteng karga ng mga electrons? Kung hindi nababalanse ng protons ang mga electrons at ng electrons ang mga protons, hindi tayo mabubuhay. Hindi sila magkasinglaki, ngunit perpekto ang balanse sa pagitan nila. Nagkataon lamang ba na nagawa ng kalikasan ang ganitong uri ng kapakipakinabang na relasyon? O ang Diyos ang nagtakda nito para sa atin?

Narito pa ang ilang mga halimbawa kung paanong direktang nakakaapekto ang prinsipyong anthropic sa kakayahan ng ating planeta na sumuporta ng buhay:

Ang naiibang katangian ng tubig. Ang lahat ng may buhay at nakadepende sa tubig. Salamat na hindi gaya ng ibang elemento na kilala ng tao, ang solidong anyo ng tubig (yelo) ay mas malabnaw kaysa sa anyong likido nito. Ito ang dahilan kaya lumulutang ang yelo sa ibabaw ng tubig. Kung hindi lulutang ang yelo, mabilis na magiging yelo ang ating planeta. Kabilang sa iba pang mahalagang katangian ng tubig ay ang kakayahan nitong humalo, dumikit at makipagisa sa ibang elemento at iba pang katangiang thermal.

Ang atmospera ng mundo. Kung mas marami ang isa lamang sa mga gases na bumubuo sa ating atmospera, mabilis na iinit ang ating planeta. Sa kabilang banda naman, kung hindi sapat ang alinman sa mga gases na ito, mawawasak ang ating planeta dahil sa radiation mula sa araw.

Ang kakayahan ng mundo na magpatalbog o humigop ng sapat na liwanag o "albedo" mula sa araw (ang kabuuang dami ng liwanag na pinatatalbog laban sa kabuuang dami ng liwanag na hinihigop ng ating planeta). Kung ang albedo ng mundo ay higit na malakas noon kaysa sa ngayon, makakaranas tayo ng mabilis na paglamig. Kung mas mahina ito noon sa ngayon, makakaranas tayo ng mabilis na paginit.

Ang magneto ng mundo. Kung mas mahina ang magneto ng mundo, mawawasak ang ating mundo ng radiaton ng araw. Kung mas malakas ang magneto nito, wawasakin tayo ng bagyong tinatawag na electromagnetic.

Ang lugar ng mundo sa solar system.
Kung mas malayo tayo sa araw, magiging yelo ang mga tubig sa ating planeta. Kung mas malapit tayo sa araw, kukulo naman ang tubig sa ating planeta at masusunog tayong lahat. Isa lamang ito sa napakaraming halimbawa kung paanong ang ating planeta ay pinagpala sa lahat ng planeta sa ating solar system na anupa't perpektong makakasuporta ito sa buhay.

Ang lugar ng ating solar system sa galaxy. Muli, napakaraming benepisyo mula rito. Halimbawa, kung ang ating solar system ay napakalapit sa sentro ng ating galaxy, o sa kahit anumang spiral arms sa gilid nito, o sa anumang grupo ng mga bituin, mawawasak ang ating planeta ng cosmic radiation.

Ang kulay ng ating araw. Kung mas mapula o mas matingkad na bughaw ang ating araw, mahahadlangan ang photosynthesis. Ang photosynthesis ay isang natural na prosesong biochemical na napakahalaga sa buhay sa mundo.

Kakaunti lamang Ang mga halimbawa sa itaa. Ito ay ilan lamang sa napakaraming factors na dapat na tama lamang upang umiral at manatili ang buhay sa mundo. Napakapalad natin na mabuhay sa isang pinagpalang planeta na nasa isang pinagpalang solar system na nasa isang pinagpalang galaxy na nasa isang pinagpalang kalawakan.

Ang katanungan para sa atin ngayon ay, sa napakaraming hindi nagtatapos na proseso at hangganan na naglalarawan sa ating kalawakan, at sa napakaraming posibleng maganap para sa bawat isang elementong umiiral dito, paano nangyari na nakapaloob sila sa isang napakaliit na antas ng sukatan na kinakailangan para tayo mabuhay dito? Ang pangkalahatang pananaw ay alinman sa "naririto tayo sa mundo dahil sa swerte o naririto tayo sa mundo dahil layunin ito para sa atin ng isang matalinong Manlilikha

May ilang nagtutulak ng pananaw na narito tayo dahil nagkataon lamang ang lahat ang nagpapalagay ng isang senaryo na ang ating kalawakan ay isa lamang sa maraming kalawakan na tinawag nilang "multiverse." Nagbibigay ito ng maraming tsansa na "gawing maayos ang lahat," upang dumami ang posibilidad na maaaring maganap ang mga imposibleng pangyayari dahil sa dami at lawak ng maaaring pangyarihan.

Isipin natin ang hindi mabilang na mga bagay na walang buhay sa kalawakan kung saan ang isa o higit pa sa kinakailangang variables ay nabigong mapabilang sa partikular na lawak ng hangganan na kinakailangan para mabuhay. Ang ideya ay maaaring gawing tama ng kalikasan ang lahat ng kailangang kalagayan at elemento at nagawa nga ito ng kalikasan dahil narito na tayo ngayon (at marami pang argumento ang idinadagdag). Ayon sa kanila, tayo ay maswerteng mga may buhay kung saan ang kalawakang kinalalagyan ay biglang nagkaroon ng mga tamang kumbinasyon ng mga elemento para sa hinihinging kalagayan na susuporta sa buhay. Laging binabanggit ang prinsipyong anthropic bilang basehan para sa isang haka-hakang multi-verse ayon sa Matematika.

Ginagamit ng mga nanghahawak sa teorya ng matalinong disenyo (intelligent design) ang prinsipyong anthropic bilang karagdagang ebidensya upang suportahan ang pananaw na isang matalinong Manlilikha ang gumawa sa sangnilikha. Hindi lamang ang mga bagay na may buhay ang nagtataglay ng disenyo (gaya ng taglay na impormasyon ng DNA ng tao, ang pagiging kumplikado ng mga bagay na hindi maaaring bawasan o baguhin, at iba pa), kundi maging ang kalawakan na sumusuporta at nagbibigay ng konteksto sa buhay ay nagpapahiwatig na ang lahat ay sadyang idinisenyo para sa isang partikular na layunin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang prinsipyong tinatawag na 'anthropic'?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries