Tanong
Ano ang problemang sinoptiko (Synoptic Problem)?
Sagot
Nang pagkumparahin ang unang tatlong Ebanghelyo - ang Mateo, Markos at Lukas - hindi maikakaila na ang mga tala ay magkakahawig sa isa't isa sa laman at sa ekspresyon. Dahil dito, tinawag na "sinoptikong Ebanghelyo" (synoptic Gospels) ang Mateo, Markos at Lukas. Ang salitang "sinoptiko" ay nangangahulugan na "makitang magkakasana na may iisang pananaw." Ang maraming pagkakahawig sa pagitan ng mga synoptic Gospels ang nagbigay ng pananaw sa maraming iskolar na maaaring ang mga manunulat ng tatlong Ebanghelyo ay may iisang pinagmulan na kwento ng kasaysayan tungkol sa kapanganakan, buhay, ministeryo, kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Hesu Kristo na kanilang ginamit bilang materyal sa pagsulat ng kani-kanilang Ebanghelyo. May ilang nagsasabi na ang mga sinulat ni Mateo, Markos at Lukas ay parehong pareho at maaaring ginamit nila ang Ebanghelyo ng bawat isa o ng isa pang aklat. Ang "pinanggalingang" ito ay binigyan ng titulong "Q" mula sa salitang Aleman na quelle na nangangahulugang "pinagmulan."
Mayroon bang kahit anong ebidensya para sa dokumentong ito na tinatawag na "Q"? Wala kahit isa. Walang bahagi o piraso ng isang dokumentong "Q" ang natuklasan sa kasaysayan. Wala kahit isa sa mga lider ng unang iglesya ang nakabanggit ng "pinagmulang" ito sa kanilang mga sinulat. Ang dokumentong ito ay inimbento ng mga "liberal na iskolar" na itinatanggi ang pagkasi ng Diyos sa Bibliya. Naniniwala sila na ang Bibliya ay isa lamang aklat ng literatura na paksa ng kritisismo ng ibang literatura. Muli, walang kahit anong ebidensya para sa isang dokumento na tinatawag na "Q" - sa Bibliya, sa teolohiya o maging sa kasaysayan.
Kung hindi ginamit ni Mateo, Markos at Lukas ang isang dokumentong "Q", bakit may malaking pagkakahawig sa kanilang mga Ebanghelyo? may ilang posibleng paliwanag. Posible na alinman sa mga ebanghelyo na unang nasulat (Ebanghelyo ni Markos), ay nabasa ng ibang mga manunulat at kumuha siya ng datos mula rito. Walang kahit anong problema sa ideya na nangopya si Mateo o si Lukas ng ilang mga talata sa Ebanghelyo ni Markos at ginamit nila ang mga katotohanang iyon sa kanilang Ebanghelyo. Maaring nabasa ni Lukas ang mga ebangehelyo ni Markos at Mateo at ginamit niya ang mga mga katotohanan sa ebanghelyo ni Markos at Mateo sa kanyang sariling ebanghelyo. Sinasabi sa atin sa Lukas 1:1-4, "Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo."
Ang pinaka-ultimong paliwanag kung bakit malaki ang pagkakahawig sa isa't isa ng synoptic Gospels ay sa kadahilanang lahat sila ay kinasihan ng parehong Espiritu Santo at sinulat ng mga taong nakasaksi at nakarinig ng parehong mga pangyayari. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay isinulat ni Mateo na isang apostol, isa sa labindalawa na isinugo ni Hesus at sumunod sa Kanya. Ang Ebanghelyo ni Markos ay sinulat ni Juan Markos, isang malapit na disipulo ni Pedro, isa sa labindalawang alagad. Ang Ebanghelyo naman ni Lukas ay isinulat ni Lukas, isang malapit na katuwang sa gawain ni Apostol Pablo. Bakit naman hindi natin aasahan na magkakaroon ng pagkakahawig sa kanilang mga sinulat? Ang bawat isa sa mga synoptic Gospels ay kinasihan ng Banal na Espiritu (2 Timoteo 3:16-17; 2 Pedro 1:20-21). Kaya nga dapat nating asahan ang kaugnayan at pagkakaisa ng mga Ebanghelyong ito.
English
Ano ang problemang sinoptiko (Synoptic Problem)?