Tanong
Ano ang isang propeta sa Bibliya?
Sagot
Sa pangkalahatan ang isang propeta at isang taong nagsasalita para sa katotohanann gn Diyos sa ibagn tao. Ang salitang griyegong “propetaes” ay maaaring mangahulugan ng “isang tagapagsalita” o “kinatawan.” Tinatawag din ang mga propeta na mga “manghuhula,” dahil sa kanilang espiiritwal na pangitain o kakayahan na “makita” ang hinaharap.
Sa Bibliya, laging may dalawang papel na ginagampaan ang mga propeta, ang pagtuturo ay panghuhula, na nagdedeklara ng katotohanan ng Diyos sa mga napapanhong mga isyu habang inihahayag din ang detalye tugkol sa hinaharap. Halimbawa, ang ministeryo ni Isaias ay para sa pangkasalukyan at panghinaharao. Buong tapang siyang nangaral laban sa katiwaalin sa kanyang panahon (Isaias 1:4) at nagpahayag ng mga pangitain para sa hinaharap ng bansang Israel (Isaiah 25:8).
Gawain ng mga Propeta ang tapat na pangangaral ng Salita ng Diyos sa mga tao. Sila ang instrumento sa paggabay sa bansang Israel at sa pagtatatag ng iglesya. Ang iglesya ng Diyos ay “Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus” (Efeso 2:20).
Mahigit sa 133 pangalan ng mga propeta ang binanggit sa Bibliya, kabilang ang 16 babae. Sa karagdagan, marami pang iba ang nanghula, gaya ng 70 matatanda ng Israel (Bilang 11:25) at ang 100 propeta na iniligtas ni Obadias (1 Hari 18:4). Ang una sa mga propetang pinangalanan sa Bibliya at si Abraham. Sa Genesis 20:7 kinausap ng Diyos sa isang panaginip na sinasabi, “7 Ibalik mo siya agad sa kanyang asawa. Propeta ang asawa niya, at ipapanalangin ka niya upang hindi ka mamatay. Kapag hindi mo siya ibinalik, hindi lamang ikaw ang mamamatay, kundi pati ang buong nasasakupan mo.” Inihayag din ng Diyos ang Kanyang sariii kay Abraham sa maraming pagkakataon.
Ang mga inapo din ni Abraham na sina Jacob at Jose ay nagkaroon din ng mga panaginip tngkol sa hinaharap na maaaring ituring na mga pangitain o hula. Tinawag si Moises na isang “lalaki ng Diyos” at itinututing na isang dakilang propeta (Deuteronomio 34:10). Naglingkod di si Josue at ang maramjg mga hukom bilang mga propeta, at si Samuel ang huling hukom ang nakarinig ng tinig ng Diyos bilang isang bata (1 Samuel 3:4). Hihirangin niya kalaunan si David na naglingkod bilang isang hari at propeta sa Israel.
Ang panahon nina Elias at Eliseo at kinakitaan ng mataas na antas ng aktibidad ng mga propeta. Sa katunayan, isang paaralan ng mga propeta ang lumago sa kanilang panahon (tingnan ang 1 Hari 20:35). Gumawa din pareho sina Elias at Eliseo ng maraming himala.
Sa Bagong Tipan, hinulaan ni Juan Bautista ang pagdating ng Mesiyas (Mateo 3:1). Si Jesus mismo ay isang propeta, saserdote, hari at Tagapagligtas (Mesiyas), at ginanap ang marami sa mga hula sa Lumang Tipan. Kinabibilangan ang unang iglesya ng mga propeta. Halimbawa, binigyan ng Diyos si Ananias ng isang hula patungkol sa hinaharap ni Pablo (Gawa 9:10–18). Binabanggit sa Gawa 21:9 ang apat na anak na babae no Felipe na nakakapanghula. Inilista sa 1 Corinto 12 at 14 ang panghuhula bilang isang espiritwal na kaloob. Sa mga huling panahon dalawang saksi ang manghuhula patungkol sa Jerusalem (Pahayag 11).
Karaniwan, ang mga propetang ipinadala ng Diyos ay inuusig at hindi pinapakinggan ng mga tao ang kanilang mensahe. Inilarawan ni Isaias ang kanyang bansa bilang isang “Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban sa Diyos sinungaling at ayaw makinig sa aral ni Yahweh. Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.” At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama. Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin, at ang mga hulang hindi matutupad” (Isaias 30:9–10). Ipinaghimutok ni Jesus na pagpatay ng Jerusalem ng maraming propeta na ipinadala ng Diyos sa kanya (Lukas 13:34).
Siyempre, hindi lahat ng “nagpapahayag ng mensahe” ay totoong propeta ng Diyos. Nagbabala ang Bibliya laban sa mga bulaang propeta na nagaangkin ng pagpapahayag ng mga bagay para sa Diyos ngunit ang totoo at dinadaya at ginagamit ang mga tao na dapat na kanilang paglingkuran. Gumamit si haring Acab ng 400 bulaang propeta upang saibihn ang kanyang gustong marinig (2 Cronica 18:4-7; cf. 2 Timoteo 4:3). Sa Bagong Tipan,mababasa natin ang maraming babala laban sa mga bulaang propeta. Itinuro ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat” (Mateo 7:15). Idinagdag pa Niya na sa mga huling panahon, “Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos” (Mateo 24:24). Binabanggit sa aklat ng Pahayag ang isang bulaang propeta na lalabas sa panahon ng Dakilang Kapighatian at mandadaya ng tao sa buong mundo (Pahayag 16:13; 19:20; 20:10). Upang hindi maligaw, dapat na huwag nating “paniwalaan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito” (1 Juan 4:1).
Ang isang tunay na propeta ng Diyos ay nakatalaga sa pangangaral ng Salita ng Diyos ng walang labis at walang kulang, Hindi niya sasalungatin ang nahayag na Salita ng Diyos – ang Bibliya, Sasabihin ng isang tunay na propeta ang gaya ng sinabi ni propeta Micaya bago ang kanyang pakikipagusap kay haring Acab bago mamatay ang huli, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, kung ano ang sasabihin niya sa akin iyon din ang aking sasabihin” (2 Cronica 18:13).
English
Ano ang isang propeta sa Bibliya?