settings icon
share icon
Tanong

Ano ang tinatawag na teolohiya ng proseso?

Sagot


Ang teolohiya ng proseso o (Process theology) ay base sa pilosopiya na ang tanging hindi nagbabago ay ang pagbabago. Kaya nga, maging ang Diyos ay patuloy na nagbabago. Malinaw na sinasabi sa Bibliya na isang maling katuruan ang teolohiya ng proseso o pagbabago. Maliwanag ang sinasabi sa Isaias 46:10 patungkol sa walang hanggang kapamahalaan ng Diyos at ang Kanyang hindi nagbabagong katangian: "Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin." Ang ikalawang persona ng Trinidad, ang Panginoong Jesu Cristo ay hindi rin nagbabago katulad ng Diyos Ama: "Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya rin ngayon at magpakailanman" (Hebreo 13:8). Malinaw ang itinuturo ng Bibliya na hindi nagbabago ang plano ng Diyos at hindi Siya sumusunod sa mga kapritso ng mga tao (Awit 33:11). Ang Diyos "ay walang pag-iiba, o anino man ng pagbabago" (Santiago 1:17). Ngunit hindi kinikilala ng teolohiya ng proseso ang Bibliya bilang kinasihang Salita ng Diyos at pinakamataas na pamantayan ng lahat ng katuruan.

Ipinahayag sa Bibliya ang maraming katangian at kalikasan ng Diyos. Kasama sa mga ito ang kabanalan (Isaias 6:3; Pahayag 4:8); walang hanggang kapamahalaan (1 Cronica 29:11; Nehemias 9:6; Awit 83:18; Isaias 37:20); pagkakaisa (Deuteronomio 6:4); sumasalahat ng dako (Awit 139:7-10); walang hanggan ang kaalaman (Job 28:24; Awit 147:4-5); walang hanggan ang kapangyarihan (Job 42:1-2); umiiral sa sarili (Exodo 3:14; Awit 36:9); hindi nagwawakas (Awit 90:2; Habakuk 1:12); hindi nagbabago (Awit 33:11; James 1:17); perpekto (Deuteronomio 32:3-4); walang simula at walang wakas (Job 5:9; 9:10); katotohanan (Deuteronomio 32:4; Awit 86:15); pag-ibig (1 Juan 4:8, 16); matuwid (Awit 11:7; 119:137); tapat (Deuteronomio 7:9; Awit 89:33); mahabagin (Awit 102:17); mapagbiyaya (Exodo 22:27; Nehemias 9:17, 31; Awit 86:15; 145:17); matuwid ang hatol (Awit 111:7; Isaias 45:21); at malaya (Job 23:13; Kawikaan 21:1). Ginagamit ng Diyos ang mga ito sa mundo at aktibong sinasanay ang lahat ng mga katangiang ito sa kasalukuyan. Nangingibabaw ang Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha ngunit Siya din ay personal at maaaring makilala ng tao.

Hindi tinatanggap ng Process theology ang pagka-Diyos ni Kristo at sinasabi na wala Siyang kahit anong pagkakaiba sa karaniwang tao. Bilang karagdagan, itinuturo ng pilosopiyang pantao ng teolohiya ng pagbabago na hindi kinakailangan ng tao ang kaligtasan, habang itinuturo naman ng Bibliya na kung wala si Kristo, ang tao ay walang pag-asang tutungo sa kapahamakan at susumpain ng Diyos sa impiyerno magpawalang hanggan. Itinuturo ng Kasulatan na si Kristo ay Diyos (Isaias 9:6-7; Mateo 1:22-23; Juan 1:1, 2, 14; 20:28; Gawa 16:31, 34; Filipos2:5-6; Colosas 2:9; Tito 2:13; Hebreo 1:8; 2 Pedro 1:1) at kung hindi dahil sa Kanyang kamatayan para sa mga makasalanan (Roma 3:23; 6:23; 2 Corinto 5:21) walang sinuman ang maliligtas (Juan 1:12; 3:18; 3:36; 14:6; Gawa 4:10-12; 16:30-31).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang tinatawag na teolohiya ng proseso?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries