Tanong
Kung hindi totoo ang reinkarnasyon, bakit tila naaalala ng ilang tao ang kanilang mga nakaraang buhay?
Sagot
Bagamat hindi partikular na tinutukoy ng Bibliya ang reinkarnasyon, malinaw na ang biblikal na modelo ng kamatayan at buhay pagkatapos ay hindi tugma sa anumang anyo ng reinkarnasyon gaya ng ipinapalagay ng ibang mga relihiyon tulad ng Hinduismo, Budismo, at ilang New Age o Neo-Pagan na sistema ng paniniwala. Sa Hebreo 9:27-28, sinasabi sa atin na “Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Cristo'y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.” Ang talatang ito lamang ang nagpapahiwatig ng pagkawala ng posibilidad ng pag-alaala ng nakaraang mga buhay/reinkarnasyon.
Sa parehong linya ng argumento sa Lucas 23:43, sinabi ni Jesus sa magnanakaw sa krus na makakasama niya si Kristo sa paraiso sa mismong araw na iyon, na ipinapalagay na ang mga tao ay hindi muling isisilang na pabalik sa buhay sa lupa. Sa katulad na paraan, ang mga talata gaya ng Santiago 4:14 na tumatalakay sa temporal na kalikasan ng buhay ng tao ay hindi naaayon sa ideya ng pagkabuhay sa lupa ng paulit-ulit sa ibang katawan sa loob ng maraming siglo, milenya, o sa buong walang-hanggan. Higit sa lahat ng ito, kung muling magkatawang tao ang mga kaluluwa kung gayon paano makikita ng ilang tao sa Bibliya ang mga espiritu ng matagal ng nangamatay na tao tulad ni Moises na nakita ng mga apostol sa Mateo 17:3 sa panahon ng pagbabagong-anyo ni Kristo?
Ngunit ano ang gagawin natin sa mga nagsasabing mayroon silang mga alaala ng kanilang mga nakaraang buhay/reinkarnasyon na karanasan? Ang una at marahil pinakamahalagang tanong na dapat nating itanong ay kung tunay o hindi ang “memories” na ito. Kilala sa pagiging hindi mapagkakatiwalaan ang alaala ng tao (magtanong lamang sa sinumang abogado o detektib) at madalas na nagkakamali ang mga tao, sa paniniwalang naaalala nila ang mga bagay na nangyari o hindi naman talaga nangyari. Sa mga taong nagpapahayag na naaalala nila ang kanilang mga nakaraang buhay, madaling isipin na maaari silang magkamali sa pag-alala ng mga larawan mula sa mga palabas sa TV o mga pelikula, mga imahinasyon na mula sa libro na nabasa nila ilang taon na ang nakalilipas o napagkamalan na ang mga panaginip ay mga tunay na alaala. Paano natin masisiguro na ang kanilang mga alaala sa nakaraan ay hindi isa sa mga bagay na ito? Makatuwiran bang isipin na ang kanilang mga alaala ay tunay na mula sa nakaraang buhay? Habang sinasabi ng ilang modernong “past life experts” na nakahanap sila ng ebidensya para sa muling pagkakatawang-tao sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay tulad ng mga phobia at pisikal na karamdaman ng mga taong may traumatikong pangyayari sa mga nakaraang buhay, ipinapalagay ng mga eksperto na ang pagkakaroon ng mga nakaraang buhay (o past lives) sa pagpapaliwanag ng mga kasalukuyang problema sa kalusugan ay hindi nagpapahiwatig ng mga nakaraang buhay ay mga aktwal na pangyayari.
Ang katotohanan ay walang matibay at siyentipikong katanggap-tanggap na ebidensya na ang mga alaala ng nakaraang buhay na inihayag ng ilang tao ay tunay kundi man ay maling aalala ng mga pangyayari o gawa-gawa lamang. Sa huli, ang tanong ay nauuwi sa kung saan ba tayo makakakita ng katotohanan: sa hindi mapagkatiwalaang isip na alaala ng makasalanan at hindi perpektong tao - o mula sa walang hanggang banal na Salita ng Diyos. Maaaring magtiwala ang mga Kristiyano na hindi posible ang reinkarnasyon ng kaluluwa ng tao; at kapag natapos na ang buhay na ito, ang ating walang hanggan sa kabilang buhay ay magsisimula.
English
Kung hindi totoo ang reinkarnasyon, bakit tila naaalala ng ilang tao ang kanilang mga nakaraang buhay?