settings icon
share icon
Tanong

Mali ba ang makipagrelasyon sa isang malapit na kamaganak?

Sagot


Ang mga relasyon na ipinagbabawal ng Diyos sa Lumang Tipan ay nakalista sa Levitico 18:6-18. Sa mga talatang ito, ang mga Israelita ay pinagbawalan na magasawa sa magulang, biyenan, apo, lolo o lola, kapatid, tito at tita (kapatid na lalaki o babae ng magulang) at kapatid sa ama o ina. Ang pagaasawa sa pinsan ay hindi makikitang ipinagbabawal sa Bibliya.

Sa mga unang panahon ng kasaysayan ng tao, limitado lamang ang bilang ng populasyon. Dahil dito, kinakailangan pa ang pagaasawa sa pagitan ng malapit na kamaganak. Noong naging sapat na ang dami ng tao sa mundo, hindi na kinakailanagan ang pagaasawa sa mga malapit na kamaganak. Sa mga unang panahon ng sangkatauhan, ang “genetic code” ng tao ay hindi pa nasisira na gaya ng pagkasira nito sa ngayon. May kakaunti pa lamang noong panganib ng abnormalidad sa mga bata na ang magulang ay magkamaganak. Kaya nga, ligtas pa noon na magasawa ng isang malapit na kamaganak at magkaroon ng mga anak. Noong dumami na ang lahi ng tao, dahil sa kasalanan, ang genetic code ng tao ay sobrang nasira na kaya’t ipinagbawal na ng Diyos ang pagaasawa sa mga malapit na kamaganak o kadugo.

Sa esensya, walang masama sa pagaasawa ng isang malapit na kamaganak. Ang dahilan kung bakit hindi ito dapat gawin ay dahil hindi ligtas ang magiging anak sa mga abnormalidad na resulta ng sekswal na ugnayan ng dalawang magkadugo. Bukod pa dito, nakararaming bansa sa ngayon ang may mahigpit na batas laban sa pagaasawa ng malalapit na kamaganak. Iniuutos sa atin sa Bibliya na sumunod sa mga batas ng bansang ating kinabibilangan (Roma 13:1-6). Maraming batas ang kinikilala na maaaring magasawa ang pinsang buo. Ang sinumang magkasintahan na magkamaganak at ikinukunsidera ang pagpapakasal ay dapat na manalangin na bigyan sila ng karunungan ng Diyos upang malaman ang Kanyang kalooban para sa kanilang relasyon (Santiago 1:5). Gayundin naman, dapat nilang konsultahin ang kanilang mga kapamilya at hingin ang kanilang payo tungkol sa kanilang plano.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mali ba ang makipagrelasyon sa isang malapit na kamaganak?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries