settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat na pananaw ng mga Kristiyano sa pag-ibig/romansa?

Sagot

Ang terminong romance o romansa ay ginagamit upang ilarawan ang mga istilo ng panitikan, sitwasyon, at ilang mga wika, tulad ng mga Pranses at Italyano. Ngunit, para sa layunin ng artikulong ito, ang salitang romance o romansa ay limitado sa emosyonal na atraksyon ng isang tao sa isa pang tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang sikat na paksa sa maraming kultura. Ang mga musika, pelikula, dula, at mga libro ay sumasalamin sa ating pagkaakit sa romantikong pag-ibig at sa tila walang katapusang mga pagpapahayag nito. Sa isang Kristiyanong pananaw, ang romansa ba ay mabuti o masama o nasa pagitan ng dalawa?

Ang Bibliya ay tinawag na liham ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Bagama’t naglalaman ito ng masaklap na imahe at mga babala tungkol sa paghuhukom ng Diyos, puno rin ang Bibliya ng malikhaing pagpapahayag ng pag-ibig sa pagitan ng tao at ng Diyos (Awit 42:1–2; Jeremias 31:3). Ngunit ang pag-ibig at romantikong ugnayan, bagama’t magkaugnay, ay hindi magkatulad. Maaari tayong magkaroon ng romantikong ugnayan ng walang tunay na pag-ibig, at maaari rin tayong magmahal ng hindi nakakaramdam ng romantikong ugnayan. Bagama’t ang mga talata tulad ng Zofonias 3:17 ay naglalarawan ng emosyonal na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan, ang iba pang mga talata tulad ng 1 Corinto 13:4 -8 ay nagdedetalye ng mga katangian ng pag-ibig na walang kinalaman sa mga emosyon ng romantikong ugnayan. Sinabi ni Jesus “Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila” (Juan 15:13). Ang pagkamatay sa krus para sa mga walang utang na loob at makasalanan ay hindi romantiko sa anumang paraan, sapagkat ito ang pinakamataas na ekspresyon ng pag-ibig (1 Juan 4:9–10).

Ang Awit ni Solomon ay isang aklat na puno ng romantikong pagpapakita ng pagmamahal sa pagitan ng magkasintahang ikakasal. Dahil isinama ng Diyos ang aklat na ito bilang bahagi ng Banal na Kasulatan, maaari nating sabihin na ang romantikong ugnayan ay tinatanggap at sinasang-ayunan ng ating Lumikha. Ang romantikong ugnayan sa konteksto ng isang malinis at tapat na relasyon ay maaaring magpalalim ng ugnayan at magdagdag ng kaligayahan sa pagmamahalan ng mag-asawa, gaya ng inaasam ng Diyos.

Gayunman, ang romantikong ugnayan ay maaaring maging mapanira. Karamihan dito ay nagsisimula sa kasiyahan ng “pagkahulog sa pag-ibig o falling in love,” na maaaring makalasing (intoxicating). Ang proseso ng “falling in love” ay nagdudulot ng paglikha ng kemikal sa utak na katulad ng epekto ng paggamit ng droga. Ang utak ay napupuno ng adrenaline, dopamine, at serotonin (mga kemikal na nagpapasaya) na nagpapalakas sa atin para bumalik sa pinagmulan ng pakiramdam na iyon. Subalit dahil sa tugon ng ating utak, ang romantikong ugnayan ay maaring maging adiksyon. Ang pagkalantad sa "emotional porn" tulad ng mga nobelang romantiko, mga pelikulang romantiko, at mga palabas sa telebisyon na may temang sekswal ay nagbibigay sa atin ng mga hindi makatotohanang inaasahan sa ating mga relasyon sa tunay na buhay.

Ayon sa mga mananaliksik, maaring magtagal sa utak ng tao ang matinding damdamin ng pagiging "in love" hanggang sa dalawang taon lamang. Sa hustong sitwasyon, ang mag-asawa ay gumagawa para palalimin ang kanilang pagmamahalan at pagtitiwala sa loob ng panahong iyon upang ang matinding damdamin ng "in love" ay bumaba at mas malalim na pagmamahalan ang pumalit. Gayunman, para sa mga "addicted" sa romantikong ugnayan, ang pagbaba ng damdaming ito ay nagpapahiwatig na oras na upang hanapin ang ibang tao na magdudulot ng parehong euphoria. May ilang tao na na-diagnose sa "relationship addiction" na maaaring, sa katunayan, ay adik sa mga damdamin na dulot ng "falling in love." Kaya't sila ay patuloy na sinusubukan na muling maramdaman ang damdaming iyon nang paulit-ulit

Sa pagkakasabi mo, madaling makita kung bakit ang pag-ibig at romantikong ugnayan ay hindi kinakailangang pareho. May ilang halimbawa sa Bibliya ng mga magkasintahan na naranasan ang romantikong pagmamahalan at ang mga resulta ng kanilang romansa. Sa Genesis 29, isinalaysay ang kuwento ni Jacob na umibig kay Raquel. Handa siyang magtrabaho para sa ama ni Raquel ng pitong taon para makasal sa kanya. Ayon sa talata 20, ang pitong taon na iyon ay "gaya lamang sa ilang araw dahil sa laki ng kayang pag-ibig kay Raquel." Bagama’t nagpatuloy ang kuwento ni Jacob ng may kasinungalingan, pighati, at pagkabigo para sa lahat, hindi kinukundena sa Kasulatan ang kanyang romantikong relasyon kay Raquel. Gayunman, ang romantikong ugnayan ang nagdulot ng problema kay Samson ng kanyang hayaang pagharian siya ng kanyang damdamin. Sa Kabanata 14 ng Hukom, ipinaliwanag ang simula ng pagbagsak ni Samson ng kanyang hayaang ang kanyang damdamin ang magtakda ng kanyang mga desisyon sa halip na sundin ang utos ng Panginoon

Ang pag-ibig ay maaaring maging negatibo o positibo depende sa kung pahihintulutan natin ang mga emosyon na pagharian ang ating buhay. Kung tayo ay sumusunod sa ating damdamin, maaari tayong magkaroon ng problema sa moralidad at sa pag-aasawa. Sinasabi sa Jeremias 17:9, “Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan.” Ito ay isang kakila-kilabot na babala laban sa mga simbuyo ng damdamin ng ating puso. Sa halip na sundin ang ating mga puso, dapat nating magpa-akay sa Banal na Espiritu sa ating mga relasyon. Laging mabuti na magpatuloy sa pag-ibig sa Panginoon (1 Corinto 14:1). At kung may isang espesyal na taong nakahuha ng ating atensyon, ang makadiyos na pag-ibig ay maaaring regalo mula sa ating Ama sa langit (Santiago 1:17).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries