settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng relihiyon at espiritwalidad?

Sagot


Bago natin siyasatin ang pagkakaiba sa pagitan ng relihiyon at espiritwalidad, dapat munang bigyan ng kahulugan ang dalawang terminolohiya. Ang relihiyon ay nangangahulugan ng "paniniwala sa Diyos o mga diyos na dapat sambahin, na karaniwang ipinapahayag sa pamumuhay at sa mga ritwal" o "anumang partikular na sistema ng pananampalataya, pagsamba, atbp., na laging kinapapalooban ng mga alituntunin sa pamumuhay." Ang espiritwalidad naman ay maaaring pakahuluganan ng "ang kalidad o katotohanan ng pagiging espiritwal, o hindi pisikal" o "ang namamayaning espiritwal na katangian na ipinapakita sa pagiisip, pamumuhay atbp.; at "pagiging makadiyos sa kilos at gawa." Sa isang maiksing pagpapaliwanag, ang relihiyon ay ang talaan ng mga paniniwala at ritwal na nagaangkin na magbibigay sa tao ng tamang relasyon sa Diyos. Ang espiritwalidad naman ay ang pagtutuon ng pansin sa mga espiritwal na bagay o mga bagay na panlangit sa halip na sa mga pisikal na bagay dito sa lupa.

Ang pinaka-karaniwang maling pagpapakahulugan tungkol sa relihiyon ay kagaya lang ng relihiyong Islam, Judaismo, Hinduismo at iba pang relihiyon ang Kristiyanismo. Nakalulungkot na marami ang nagaangkin ng pakikisang-ayon sa mga katuruan ng Kristiyanismo ang itinuturing na isang relihyon lamang ang Kristiyanismo. Para sa marami, ang Kristiyanismo ay isa lamang pangkat ng mga alituntunin at mga ritwal na dapat gawin ng isang tao upang makapunta siya sa langit pagkatapos ng kamatayan. Hindi ito totoong Kristiyanismo. Ang totoong Kristiyanismo ay hindi isang relihiyon; sa halip, ito ay ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo na Siyang Tagapagligtas - ang Mesias. Oo, mayroon ding mga alituntunin na dapat sundin sa Kristiyanismo (halimbawa: huwag papatay, ibigin ang isa't isa, atbp). Gayunman, ang mga ritwal at alituntuning ito ay bunga lamang ng kaligtasan. Nang tanggapin natin ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo, tayo ay nabawtismuhan bilang proklamasyon ng ating pananampalataya. Nag-oobserba tayo ng kumunyon bilang pagalaala sa sakripisyo ni Kristo. Sumusunod tayo sa mga listahan ng dapat at hindi dapat gawin dahil sa ating pag-ibig sa Diyos bilang pasasalamat sa Kanyang mga ginawa.

Ang pinaka-karaniwang maling pagaakala tungkol sa espiritwalidad ay maraming uri ang espiritwalidad at ang lahat ng espiritwalidad ay totoo. Ang pagsasanay ng meditasyon habang nasa isang hindi pangkaraniwang posisyon ng katawan, ang pakikipagisa sa kalikasan at pakikipag usap sa mga espiritu ng mga namatay na tao, atbp, ay mukhang espiritwal din sa biglang tingin, ngunit ang katotohanan, ang ganitong mga gawain ay maling uri ng espiritwalidad. Ang tunay na espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng Banal na Espiritu ng Diyos bilang resulta ng pagtanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo. Ang tunay na espiritwalidad ay ang bunga ng Espiritu Santo na nakikita sa buhay ng isang tao gaya ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, kahinahunan, kabaitan, katapatan, kaamuan at pagpipigil sa sarili (Galatia 5:22-23). Ang pagiging espiritwal ay ang pagiging banal gaya ng Diyos na isang Epsirtiu (Juan 4:24) at pagkakaroon ng katangian na ayon sa wangis ni Kristo (Roma 12:1-2).

Ang pagkakahalintulad ng relihiyon at espiritwalidad ay maaari silang maging maling metodolohiya sa pagkakaroon ng relasyon sa Diyos. Maaring ipagpalit ng pagiging relihiyoso ang walang pusong pagsasagawa ng mga ritwal sa pagkakaroon ng tunay na relasyon sa Diyos. Maaari namang ipagpalit ng pagiging espiritwal ang koneksyon sa mundo ng mga espiritu sa pagkakaroon ng tunay na relasyon sa Diyos. Pareho silang pwedeng maging maling daan patungo sa Diyos. Ngunit, gayudin naman, ang relihiyon ay maaaring maging napakahalaga dahil itinuturo nito ang katotohanan na may Diyos at tayo ay mananagot sa Kanya sa lahat ng ating mga ginagawa. Ang tanging tunay na kahalagahan ng relihiyon ay ang kakayahan nito na ituro sa tao na siya ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos at dahil dito nangangailangan siya ng isang tagapagligtas. Ang espiritwalidad naman ay maaaring maging mahalagang kasangkapan ng pagututuro na ang pisikal na mundo ay may katapusan, ang mga tao ay hindi lamang materyal, ngunit nagtataglay din sila ng kaluluwa-espiritu. Dapat nating maunawaan na may isang espiritwal na mundo na naghihintay sa atin. Ang tunay na halaga ng espiritwalidad ay ang pagtuturo nito na may mga bagay pa at may Isang hindi nakikitang persona sa kabila ng pisikal na mundo na dapat magkaroon ng pakikipagrelasyon ang tao.

Si Hesu Kristo ang katuparan ng relihiyon at espiritwalidad. Si Hesus ang Isa na pagsusulitan natin ng lahat ng ating ginagawa at Siyang itinuturo ng tunay na relihiyon. Si Hesus ang Isa na kailangan nating makarelasyon at Siyang pinagtutunan ng pansin ng tunay na espiritwalidad.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng relihiyon at espiritwalidad?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries