settings icon
share icon
Tanong

Ano-anu ang mga responsibilidad ng mga diyakono sa Iglesya?

Sagot


Sa Bagong Tipan, ang salitang karaniwang isinasalin na "maglingkod" ay ang salitang Griyego na "diakoneo," na literal na nangangahulugang "sa pamamagitan ng dumi." Ito ay tumutukoy sa isang katulong, tagapagsilbi, o sa isang tagapaglingkod. Mula sa salitang ito natin kinuha ang salitang tagalog na diyakono na ginagamit sa pagtukoy sa mga katulong sa gawain ng Iglesya sa aklat ng mga Gawa. "Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga sumasampalataya at sinabi sa kanila, "Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay" (Acts 6:2). Natanto ng mga naglilingkod sa kawan ng Diyos sa pamamagitan ng pangangaral at pagtuturo na hindi tama na iwanan nila ang kanilang gawain upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay ng mga nangangailangang miyembro ng Iglesya kaya't pumili sila ng iba na handang maglingkod at magasikaso sa mga pisikal na pangangailangan ng iglesya habang pinangangasiwaan naman nila ang mga espiritwal na pangangailangan ng Iglesya. Dahil dito nagagamit ng ibang mananampalataya ang kanilang mga kakayahan at kaloob para sa kapanginabangan ng Iglesya. Ito rin ang isang magandang istratehiya upang mas maraming tao sa Iglesya ang makapaglingkod at makatulong sa bawat pagunlad ng Iglesya.

Sa panahon ngayon, para sa mga Biblikal na Iglesya, ang mga papel ng mga matatanda sa iglesya at diyakono ay halos magkapareho. Ang mga pastor at matatanda sa Iglesya ay nangangaral ng Salita ng Diyos at "pinagsasabihan at pinatatatag ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo" (2 Timoteo 4:2), at ang mga diyakono naman ang nagaasikaso sa ibang mga gawain. Kasama sa responsibilidad ng mga diyakono ang mga gawaing administratibo, pagaasikaso sa mga dumadalo sa pananambahan, pagpapanatili ng kaayusan ng gusali ng Iglesya, o nagsisilbing mga tagapanguna ng mga komite o kaya naman ay nagsisilbi bilang ingat yaman ng iglesya. Nakadepende ito sa pangangailangan at sa mga kaloob ng Diyos sa mga miyembro ng Iglesya na handang maglingkod.

Hindi partikular na inilista sa Kasulatan ang mga responsibilidad ng diyakono, ngunit itinuturing na ang kanilang gawain ay patungkol sa mga pisikal na aspeto ng Iglesya bukod sa mga gawain ng matatanda sa Iglesya o ng pastor. Ngunit malinaw na inilista sa Kasulatan ang mga kwalipikasyon para sa mga nagnanais na maging diyakono ng Iglesya. Kailangan na sila ay "marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim. Kailangang sila'y tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at walang dapat ikahiya. Kailangang subukin muna sila at makitang marapat bago gawing tagapaglingkod. Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay. Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang tagapaglingkod sa iglesya, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak (1 Timoteo 3:8-12). Ayon sa Salita ng Diyos, ang posisyon at gawain ng isang diyakono ay isang karangalan at pagpapala. "Ang tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasaatin dahil sa ating pakikipagkaisa kay Cristo Jesus" (1 Timoteo 3:13).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano-anu ang mga responsibilidad ng mga diyakono sa Iglesya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries