settings icon
share icon
Tanong

Ano ang rosaryo? Tama bang gumamit ng rosaryo sa pananalangin?

Sagot


Ang Rosaryo ay ginagamit sa meditasyon at pananalangin. Ang panalangin ay inulit ulit ng maraming beses ayon sa dami ng bilang ng butil sa rosaryo. Ang pagrorosaryo ay tradisyonal na nakikita sa mga Romano Katoliko ngunit ang paggamit ng rosaryo ay kalat sa lahat ng dako at maraming relihiyon ang ginagamit ang ganitong pamamaraan sa pananalangin.

Ang karaniwang rosaryo ay binubuo ng 59 na magkakabit na butil na hinugis tulad sa isang kuwintas. Ang bawat butil sa rosaryo ay may katapat na panalangin habang hawak hawak ang naturang butil ng mga daliri. Sa mga butil na ito, 53 ang “Aba Ginoong Maria” habang ang anim (6)na butil ay para sa “Ama Namin.” Ang mga butil na ito ang nagibibigay ng pisikal na metodolohiya upang hindi makalimot sa pagbibilang ang nananalangin habang ang mga daliri ay nakahawak sa bawat butil at inuusal ang panalangin.

Ang kasaysayan ng Rosaryo sa mga Kristiyano ay nagmula pa noong panahon ng mga krusada. Ipinalalagay ng mga mananalaysay na ginaya ng mga Kristiyano ang ginagawa ng mga Arabo na ginaya naman naman ng mga Arabo sa India. Ang mga bagong tuklas na ebidensya sa arkelohiya ang nagpapakita na gumagamit ang mga sinaunang tao na taga Efeso ng rosaryo sa kanilang pagsamba kay Diana na kilala rin bilang si Artemis, na ang templo ay kilala bilang isa sa mga “wonders of the world” (Gawa 19:24-41).

Ginagamit din ang rosaryo ng mga Romano Katoliko upang tulungan ang mga parokyano na matandaan ang 180 panalangin na bumubuo sa Rosaryo. Ang mga panalanging ito ay ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati. Ang pagrorosaryo ay base sa pagaakala na ang pagsambit sa panalangin ng paulit-ulit ay magbibigay sa nagsasanay ng merito at pabor mula sa Diyos upang makatakas sa kaparusahan sa apoy ng purgatoryo.

Ang paggamit ng Rosaryo sa pananalangin ay hindi naaayon sa Bibliya. Kinastigo mismo ni Hesus angmga lider ng relihiyon noong Kanyang panahon dahil sa kanilang paulit ulit na panalangin. Sa katunayan, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na “huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi” (Mateo 6:7). Ang panalangin ay hindi lamang dapat na isinasaulo at inuusal ng paulit ulit na tulad sa isang pormula. Maraming gumagamit ng rosaryo ang nagaangkin na tinutulungan sila ng rosaryo na maituon ang kanilang atensyon palayo sa kanilang sarili at palapit kay Kristo. Ngunit ang tanong, nakasalalay ba ang bisa ng panalangin sa paulit ulit ng mga salita na gaya ng isang mantra?

Ang panalangin ay isang kahanga-hangang pribilehiyo para sa mga Kristiyano, at inaanyayahan tayo ng ating Manlilikha na buong tapang na humarap sa Kanyang presensya (Hebreo 4:16) at magpaabot sa Kanya ng ating mga karaingan. Ang panalangin ay isang kasangkapan upang makapagpuri tayo sa Diyos, magpaabot sa Kanya ng paghanga, makapagpasalamat, makahingi ng ating mga pangangailangan para sa ating sarili at para sa iba. Napakahirap paniwalaan kung paanong ang paulit ulit na pananalangin gamit ang isang rosaryo ay magbubunga sa isang malapit na pakikipagugnayan sa Diyos. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang rosaryo? Tama bang gumamit ng rosaryo sa pananalangin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries