settings icon
share icon
Tanong

Sino ang mga Saksi ni Jehovah at ano ang kanilang pinaniniwalaan?

Sagot


Ang sekta ng pananampalataya na kilala sa tawag na Saksi ni Jehovah ay nagsimula sa Pennsylvania noong 1870 bilang isang klase sa pag-aaral ng Bibliya sa pangunguna ni Charles Taze Russel. Tinawag ni Russel ang kanyang grupo na "Millenial Dawn Bible Study." Nagsimula si Charles T. Russel na magsulat ng kanyang mga libro na tinawag niyang "The Millennial Dawn," na kinapapalooban ng 6 na volumes bago ang kanyang kamatayan at naglalaman ng mga katuruan na pinanghahawakan ngayon ng mga Saksi ni Jehovah. Matapos ang kanyang kamatayan noong 1916, ipinagpatuloy ng kanyang kaibigan at kahalili na si Judge J.F. Rutherford ang pagsusulat ng ikapito at panghuling volume ng "The Millennial Dawn, the Finished Mystery," noong 1917. Ang Watchtower Bible and Tract Society ay naitatag noong 1886 at mabilis na naging behikulo sa pamamagitan ng kilusan na tinatawag na "Millennial Dawn" at nag-umpisang magpamahagi ng kanilang paniniwala sa iba. Ang grupo ay tinawag din na "Russelites" hanggang 1931 hanggnag sa ito ay palitan ng pangalang "Saksi ni Jehovah". dahil sa pagkakaroon ng pagkakabahagi sa organisasyon. Ang grupong humiwalay sa Russelites ay tinawag na "Bible Students".

Ano ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehovah? Ang isang masusing pagaaral sa kanilang doktrina sa mga mahahalagang paksa katulad ng pagka Diyos ni Kristo, Trinidad, Banal na Espiritu at ng katubusan ay nagpapakita ng tahasang paghiwalay sa katuruan ng mga unang Kristiyano. Sinasalungat nila ang mga katuruan ng Bibliya gaya ng kanilang turo na si Hesus ay siya ring Miguel Arkanghel, ang pinakamataas sa lahat ng nilikha ng Diyos. Salungat ito sa katuruan ng Bibliya na si Hesus ay Diyos (Juan 1:1, 14; 8:58, 10:30). Naniniwala ang mga Saksi ni Jehovah na ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pananampalataya, mabubuting gawa at pagsunod. Sinasalungat ito ng napakaraming mga talata ng Bibliya na nagtuturo na ang kaligtasan ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. (Juan 3;16; Efeso 2:8-9; Tito 3:5). Tinatanggihan ng mga saksi ni Jehovah ang Trinidad at naniniwala sila na si Hesus ay isa lamang nilikha ng Diyos at ang Banal na Espiritu ay walang buhay na kapangyarihan lamang ng Diyos. Tinatanggihan ng mga saksi ni Jehovah ang konsepto ng paghalili ni Hesu Kristo para sa mga makasalanan at sa halip ay pinaniniwalaan ang teorya ng pagbayad ng ransom sa kasalanan ni Adan.

Paano ipinagtatanggol ng mga Saksi ni Jehovah ang kanilang mga katuruan? Una, itinuturo nila na ang iglesia ay naligaw sa loob ng daan daang taon kaya't muli nilang isinalin ang Biblia sa tinatawag nilang "New World Translation". Iniba ng Watchtower Bible and Tract Society ang mga teksto sa Bibliya upang suportahan ang kanilang maling doktrina sa halip na ibase ang kanilang paniniwala sa aktwal na itinuturo ng Bibliya. Dumaan ang "New World Translation" ng mga Saksi ni Jehovah sa napakaraming edisyon habang natutuklasan nila ang napakaraming katuruan ng Bibliya na sumasalungat sa kanilang doktrina.

Ibinabase ng The Watchtower ang kanilang mga paniniwala at doktrina sa orihinal na mga turo ni Carles Taze Russel, JudgeJoseph Franklin Rutherford at ang kanilang mga kahalili. Ang mga namumuno sa Watchtower Bible and Tract Society ang siyang tanging may karapatan sa pagunawa sa Bibliya. Sa madaling salita, itinuturing ng mga Saksi ni Jehovah na ang mga namumuno sa Watchtower Bible and Tract Society lamang ang may karapatang magpaliwanag sa bawat talata ng Bibliya at ipinagbabawalan ang pribadong interpretasyon ng Bibliya sa mga miembro. Ito ay direktang pagsalungat sa itinuro ni Apostol Pablo kay Timoteo at sa atin din naman bilang mga mananampalataya na mag-aral ng buong sikap ng Salita ng Diyos upang maging manggagawa na walang dapat ikahiya na tapat na nagtuturo ng katotohanan. "Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan" 2 timoteo 2:15. Ang katotohanang ito ay isang malinaw na katuruan mula sa Diyos para sa Kanyang mga anak na maging katulad ng mga Kristiyano sa Berea na sinaliksik ang Banal na Kasulatan araw araw upang malaman kung ang itinuturo sa kanila ng mga apostol ay mula sa Salita ng Diyos.

Wala na sigurong relihiyon sa buong mundo na kasing sigasig ng mga Saksi ni Jehovah sa pagbabahagi ng kanilang mga katuruan. Sa kasamaang palad, ang kanilang menshae ay puno ng pagbaluktot, pandaraya at maling doktrina. Nawa ibukas ng Diyos ang mga mata ng mga Saksi ni Jehovah sa katotohanan ng Ebanghelyo at sa tamang katuruan ng Salita ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino ang mga Saksi ni Jehovah at ano ang kanilang pinaniniwalaan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries