settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng sambahin ang pangalan mo sa Panalangin ng Panginoon?

Sagot


Ang Panalangin ng Panginoon, na nakatala sa Mateo 6, ay nagsisimula sa, “Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang Iyong pangalan” (Mateo 6:9). Ang pagpapabanal sa isang bagay ay ginagawa itong kagalang-galang o ibukod ito o gawing sagrado. Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na manalangin na “pabanalin” ng Diyos Ama ang Kanyang pangalan. Kapansin-pansin, nauuna ang kahilingang ito. Pangunahing kahalagahan para sa Diyos na banalin ang Kanyang pangalan.

Sa anong paraan natin gustong pabanalin ng Diyos ang Kanyang pangalan? Sa paanong paraan ibinubukod o ginagawang banal ang Kanyang pangalan? Ipinaliwanag ito ng isang manunulat bilang isang kahilingan sa Diyos na kumilos sa paraang nagpapakita ng Kanyang kabanalan at kaluwalhatian (Albert Mohler sa The Prayer That Turns the World Upside Down: The Lord’s Prayer as a Manifesto for Revolution, p. 61). Ipinakita ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa mundo sa pamamagitan ng paglikha ng isang banal na tao na tatawag sa Kanyang pangalan, magpapahayag ng ebanghelyo, at magsasagawa ng mabubuting gawa (Efeso 2:10).

Walang gustong makalimutan, maging maling spelling, o maling bigkas ng kanyang pangalan. Ang ating mga pangalan ay bahagi ng ating pagkakakilanlan at indibidwal na halaga. Pinahahalagahan natin ang pagkakaroon ng isang "magandang pangalan", isang walang kapintasang reputasyon. Gayundin naman, ang pangalan ng Diyos ay nagsasalita ng Kanyang pagkakakilanlan, Kanyang karakter, at Kanyang mga gawa. Nang sabihin ni David, “Pinatnubayan niya ako sa matuwid na landas alang-alang sa kanyang pangalan,” tinutukoy niya ang pagkilos ng Diyos sa pagpapabanal sa Kanyang pangalan sa paraang ginagabayan Niya tayo (Awit 23:3; Isaias 48:9–11 at Ezekiel 20:14). Ang pangalan ng Diyos—ang Kanyang katangian at karangalan—ay dapat na ihiwalay bilang banal sa mundong ito, at iyon ang itinuro sa atin ni Jesus na ipanalangin.

Ang kahilingang “sambahin ang iyong pangalan” ay una sa Panalangin ng Panginoon. Kaagad, inalis ni Jesus ang pansin sa atin at ituon ang ating kamalayan sa Diyos. Ito ay tungkol sa Kanya, sa Kanyang kabanalan, at sa Kanyang gawain sa mundo. Itinuro sa atin ni Jesus na simulan ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos na ating nilalapitan. Siya ay isang mapagmahal na Ama na nag-aanyaya sa atin sa Kanyang presensya. Siya ay tunay na nagmamalasakit sa atin. Ang Diyos ay banal at karapat-dapat lamang sa lahat ng karangalan, at ang una nating layunin ay manalangin na makita ng mundo kung gaano Siya kabanal at dakila.

Sa ibang pagkakataon, nanalangin si Jesus para sa Kanyang mga tagasunod: “Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa masama. Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. Ibukod mo sila para sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila'y itinalaga ko ang aking sarili para sa iyo, upang maitalaga rin sila sa katotohanan” (Juan 17:15–19). Ang salitang itinalaga sa Panalangin ng Mataas na Saserdote na si Jesus ay galing din sa salitang Griego na ibig sabihin ay “banal” gaya sa Mateo 6:9. Ipinanalangin ito ni Jesus hindi lang para sa Kanyang mga disipulo, ngunit para din sa mga maniniwala sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang mensahe—ibig sabihin, sa lahat ng nanampalataya kay Jesu-Cristo (Juan 17:20). Bilang mga anak ng Diyos (Juan 1:12), tayo ay tinawag na maging banal dahil Siya ay banal (1 Pedro 1:16).

Sinasabi sa atin ng 1 Pedro 3:15 na “sa inyong mga puso ay igalang si Cristo bilang Panginoon”. Ang paggalang sa talatang kung isasalin salitang Griyego ang ibig sabihin ay “banal”. Ang isa sa mga paraan kung saan pinapabanal natin ang pangalan ng Diyos ay ang pagkilala kay Jesus bilang Panginoon at ang pamumuhay upang parangalan ang Diyos. Isinandal natin ang ating mga puso sa Kanya, inilalagay ang ating pag-asa sa Kanya, sinusunod Siya, at ibinabahagi ang tungkol sa Kanya sa iba. Nawa’y sundin natin ang huwarang panalangin ni Jesus, at nawa’y ang “pabanalin ang iyong pangalan” ang tunay na hangarin ng ating puso.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng sambahin ang pangalan mo sa Panalangin ng Panginoon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries