settings icon
share icon
Tanong

Paano nakatutulong ang saykolohiya sa biblikal na pagpapayo?

Sagot


Ang sekular na saykolohiya ay base sa katuruan ng mga nagaral sa pagiisip ng tao gaya nina Sigmund Freud, Carl Jung, at Carl Rogers. Sa kabilang banda, ang Biblikal o nouthetic na pagpapayo ay pagpapayo gamit lamang ang salita ng Diyos. Itinuturing ng biblikal na pagpapayo na sapat na ang itinuturo ng Kasulatan upang ihanda ang anak ng Diyos para sa mabubuting gawa (2 timoteo 3:17). Itinuturo ng mga biblikal na taga payo na ang pangunahing problema ng tao ay espiritwal sa kalikasan; kaya nga ang mga saykolohista na hindi naniniwala sa Diyos na mga patay sa kasalanan ay walang kakayahan na maunawaan ang tunay kundisyon ng tao.

Dapat malaman na ang karaniwang tinatawag na "Kristiyanong pagpapayo" ay kakaiba sa isang "biblikal na pagpapayo." Hindi ito nangangahulugan na ang mga Kristiyaniong tagapayo ay hindi mga biblikal na tagapayo, ngunit kalimitan na gumagamit ang mga Kristiyanong tagapayo ng sekular na saykolohiya. Ang mga Kristiyanong tagapayo ay mga Kristiyano na inihahalo ang sekular na saykolohiya sa kanilang pagpapayo. Ang biblikal o nouthetic na pagpapayo naman ay tinatanggihan ang lahat ng may kinalaman sa sekular na saykolohiya.

Karamihan sa saykolohiya ay itinataas ang tao. Itinataguyod ng makataong sekular ang sangkatauhan bilang pinakamataas na pamantayan ng katotohanan at moralidad habang tinatanggihan nito ang pananampalataya, ang mga gawa ng Diyos at ang Bibliya. Kaya nga ang biblikal na saykolohiya ay ang pagtatangka na maunawaan at ayusin ang espiritwal na aspeto ng tao na walang pagbanggit sa kakayahan ng indibidwal kundi sa kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa tao.

Idineklara ng Bibliya na ang tao ay natatanging nilikha ng Diyos, na ginawa ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:26, 2:7). Maliwanag na nagbibigay ng katuruan ang Bibliya tungkol sa espiritwalidad ng tao, pati na ang pagbagsak niya sa kasalanan, ang mga parusa sa kasalanan at ang pangkasalukuyang relasyon ng tao sa Diyos.

Ang sekular na saykolohiya ay base sa ideya na ang tao ay likas na mabuti at ang sagot sa kanyang mga problema ay nasa kanyang sarili mismo. Ngunit ipininta ng Bibliya ang larawan ng tao na napakalayo sa paglalarawan ng saykolohiya. Hindi likas na mabuti ang tao kundi patay siya dahil sa kanyang pagsuway at kasalanan (Efeso 2:1) at ang puso ng mga hindi isinilang na muli ay mandaraya at walang makagagamot dito (Jeremias 17:9). Kaya nga, ang biblikal na tagapayo ay may kakaibang metodolohiya: sa halip na humanap ng solusyon sa mga espiritwal na problema sa isip mismo ng tao, hinaharap nito ang kasalanan at humihingi ng karunungan sa itaas (Santiago 3:17) at inilalapat ang Salita ng Diyos sa lahat ng sitwasyon.

Ang mga biblikal na tagapayo ay lumalaban sa mga saykoterapist at may ilang Kristiyanong tagapayo naman ang itinuturing na ang Bibliya lamang ang pinanggagalingan ng isang komprehensibo at detalyadong sistema sa pagpapayo (2 Timotes 3:15-17; 2 Pedror 1:4). Ang biblikal na pagpapayo ay nakatalaga sa paghihintay sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ang biblikal na pagpapayo ay nagnanais na ibahagi ang pag-ibig ng nabubuhay na Diyos, isang pag-ibig na sumasaway sa pagkakasala at nagbubunga ng pagsunod.

Ang psychotherapy ay base sa panandaliang pangangailangan. Ang pangangailangan ng pagpapahalaga sa sarili, at ang pag-ibig at pagtanggap sa sarili ang namamayani. Kung maibigay ang mga pangangailangang ito, pinaniniwalaan na ang tao ay magiging masaya, mabait at moral; kung hindi naman maibigay ang mga pangangailangang ito, ang tao ay magiging miserable, mapaghiganti at imoral. Itinuturo naman ng Biblikal na pagpapayo na ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan sa pakikipagrelasyon sa Diyos lamang at sa pagsasanay sa kabanalan. Walang kahit anong psychotherapy ang maaring magbago sa tao mula sa pagiging makasarili sa pagiging mapagbigay, halimbawa, ngunit ang lingkod ng Panginoon ay masisiyahan sa kanyang masaya at bukas palad na pagbibigay (2 Corinto 9:7).

Kaya paano nakatutulong ang saykolohiya sa biblikal na pagpapayo? Hindi ito nakatutulong! Nagsisimula at nagwawakas ang sekular na saykolohiya sa tao at sa kanyang ideya. Ang tunay na biblikal na pagpapayo ay itnuturo ang tao sa kay Hesu Kristo at sa Kanyang mga salita. Ang biblikal na pagpapayo ay isang gawain ng pastor, isang produkto ng espiritwal na kaloob ng pagpapayo at pagtuturo at ang pangunahing layunin ay hindi ang pagpapahalaga sa sarili kundi ang pagpapaging banal.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano nakatutulong ang saykolohiya sa biblikal na pagpapayo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries