settings icon
share icon
Tanong

Bakit mas malaking problema ang tukso sa sekswal para sa mga lalaki kaysa sa mga babae?

Sagot


Habang hindi naman ligtas ang mga babae sa mga sekswal na tukso, sa pangkalahatan, mas higit na nahihirapan ang mga lalaki sa mas mataas na antas sa pagiwas dito. Mas nakararaming lalaki ang bumabagsak sa pangangalunya kaysa sa mga babae. Sa mga relasyon bago ang pagpapakasal, mas maraming lalaki ang magnanais na makipagtalik sa kanilang mga kapareha kaysa sa mga babae.

Bakit mas malaking problema para sa mga lalaki ang sekswal na tukso kaysa sa mga babae? Bakit mas nahihirapang tumanggi ang mga lalaki sa tukso kaysa sa mga babae? Hindi direktang sinagot ng Bibliya ang tanong na ito. Sa halip, ipinaliwanag ng malinaw sa Bibliya na laging kasalanan ang sekswal na imoralidad (Gawa 15:20; 1 Corinto 5:1; 6:13, 18; 10:8; 2 Corinto 12:21; Galatia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3; Judas 7). Hindi dahilan ang katotohanan na mas mahirap para sa mga lalaki ang magtimpi sa harap ng tukso para pagaanin ang kanilang pagkakasala. Ang pangangatwiran na "mahirap kasing tanggihan" ay hindi tinatanggap ng Diyos. Muli, laging kasalanan ang sekswal na imoralidad. Kaya nga dapat na paglabanan ang tuksong ito (1 Corinto 6:18), kahit na ito ay malakas o mahina at kahit pa ang taong tinutukso ay isang lalaki o babae.

Dahil hindi partikular na sinasagot ng Bibliya ang katanungan kung bakit mas mahirap para sa mga lalaki na tumanggi sa tukso, titingnan natin ang biolohikal na dahilan. Sa kanilang natural na kalikasan, normal na mas malakas ang pagnanasa ng mga lalaki sa gawaing sekswal kaysa sa mga babae. Mas laging nagiisip ang mga lalaki patungkol sa pakikipagtalik kaysa sa mga babae. Lalo na kung hindi nakipagtalik ang isang lalaki sa mahaba-habang panahon, mas naghahanap ang katawan ng lalaki ng kasiyahang sekswal. Dagdag pa rito, mas madaling natutukso ang mga lalaki sa pagtingin pa lamang at ito ang dahilan kung bakit mas nahihikayat ang mga lalaki na magbasa ng mga malaswang babasahin. Kung makakita ang isang lalaki ng kaakit-akit na babae, madali siyang natatangay ng kanyang libido. Kung hindi agad na paglalabanan ang kaisipang sekswal sa tulong ng Diyos, ito ay maaaring maging tulad sa isang ilog ng malaswang pagiisip na mahirap pagtagumpayan.

Muli, hindi maaaring gamiting dahilan ang natural na kalikasan ng lalaki. Kung babagsak ang isang lalaki sa kasalanang sekswal, walang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili. Idineklara sa 1 Corinto 10:13, "Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok." Kung hindi natin gagamitin ang "paraan para makaligtas" na ipinagkakaloob ng Diyos, wala na tayong maidadahilan. Maaaring maging napaka-makapangyarihan ng tukso at ang sekswal na kasalanan ang pinakamapaminsala (1 Corinto 6:18). Ngunit sa tulong ng Diyos, kayang pagtagumpayan ang sekswal na tukso. Totoo ito sa parehong lalaki at babae.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit mas malaking problema ang tukso sa sekswal para sa mga lalaki kaysa sa mga babae?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries