Tanong
Ano ang Sermon sa Bundok?
Sagot
Ang Sermon sa Bundok ay isang sermon na ibinigay ni Hesus sa kabanata 5 hanggang 7 ng aklat ni Mateo. Ang Mateo 5:1-2 ang dahilan kung bakit nakilala ang sermong ito bilang “Sermon sa Bundok:” “At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad. At ibinuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila.” Ang Sermon sa Bundok ang pinakapopular sa lahat ng sermon ni Hesus, at maaaring ang pinakapopular sa lahat ng sermon na ibinigay ng sinuman.
Kinapapalooban ang Sermon sa Bundok ng ilang mga paksa. Hindi layunin ng artikulong ito na magkomento sa bawat bahagi ng sermon, kundi ang magbigay ng maiksing pagbubuod ng nilalaman nito. Kung bubuudin natin ang Sermon sa bundok sa isang pangungusap, ganito ang kalalabasan: “Ang pamumuhay na nakatalaga at kalugod lugod sa Diyos, malaya mula sa pagpapaimbabaw, puno ng pag-ibig, biyaya, karunungan at pangunawa.”
5:3-12 – Ang Mapalad
5:13-16 – Asin at Ilaw
5:17-20 – Ang pagganap ni Hesus sa Kautusan
5:21-26 – Pagkagalit at Pagpatay
5:27-30 – Kalibugan at Pangangalunya
5:31-32 – Diborsyo at Pagaasawang muli
5:33-37 - Panunumpa
5:38-42 – Mata sa Mata
5:43-48 – Pag-ibig sa Kaaway
6:1-4 – Pagtulong sa Nangangailangan
6:5-15 - Pananalangin
6:16-18 - Pagaayuno
6:19-24 – Kayamanan sa Langit
6:25-34 – Huwag Mabalisa
7:1-6 – Huwag humatol ng may Pagpapaimbabaw
7:7-12 – Humingi, Humanap, Kumatok
7:13-14 – Ang Makipot na Pintuan
7:15-23 – Mga Bulaang Propeta
7:24-27 – Ang Matalinong Tagapagtayo
Nagtapos ang Sermon sa bundok sa Mateo 7:28-29 sa mga ganitong pangungusap: “At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, ay nangatilihan ang mga karamihan sa kaniyang aral, Sapagka't sila'y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.” Nawa’y magpatuloy tayong mamangha sa Kanyang mga Katuruan at sundin ang mga prinsipyo na Kanyang itinuro sa Kanyang Sermon sa Bundok!
English
Ano ang Sermon sa Bundok?