Tanong
Ayos lang ba na makipagtalik bago magpakasal kung alam mong pakakasalan mo ang isang tao?
Sagot
Sa pananaw ng tao, makatuwiran na ayos lang para sa magkasintahan ang magtalik kung sila’y magpapakasal na rin naman. Gayunman, may malinaw at tuwirang utos ang Salita ng Diyos tungkol dito: "Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya." (Hebreo 13:4). Kasama sa "sekswal na imoralidad" sa talatang ito ang lahat ng nakikipagtalik ng labas ng kasal. Mababaw lamang ang tingin ng mundo at ng mga tao sa usapin ng pakikipagtalik ng hindi pa kasal, ngunit hindi ganito ang tingin ng Diyos.
Sa Corinto pinaaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano, “Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang tao na huwag makipagtalik]. Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalake o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa” (1 Corinto 7:1–2). Ang kanyang mga salita ay magpapalakas sa loob ng mga kayang mamuhay ng walang asawa at manatiling binata o dalaga upang lubos na makapaglingkod kay Cristo (1 Corinto 7:7–9, 25–40). Sinasabi sa Bibliya na ang tanging angkop na konteksto para sa pakikipagtalik ay ang konteksto ng kasal. Ang mga “magpapakasal” pa lamang, ayon sa kahulugan ay hindi pa kasal at hindi dapat mamuhay na parang mag-asawa na.
Sa kultura ng mga Hudyo, malinaw na ipinagbabawal ang pakikipagtalik malibang ang dalawang tao ay kasal na sa ilalim ng Kautusan ni Moises. Kahit may kasunduan ang magkasintahan, ipinagbabawal pa rin ang pakikipagtalik hanggang sa aktwal na kasal. Sa unang pagkakataon na ang isang lalake at babae ay nagtalik, ito’y itinuturing na konsumnasyon ng kasal. Ang dalawang gawaing ito—ang kasal at pakikipagtalik—ay labis na magkaugnay at halos magkasingkahulugan. Ito ang dahilan kung bakit sinagot ni Jesus ang tanong ng mga Pariseo tungkol sa diborsyo na sinasabi , “Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalakeng humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya” (Mateo 19:9). Sa kultura ng mga Hudyo, ang kasal at pakikipagtalik ay karaniwang pinag-uusapan ng magkasama.
Ipinapaliwanag ni Pablo ang ideyang ito sa 1 Corinto 6:12–20 sa kanyang pagtalakay sa pagka-panginoon ng Diyos sa ating mga katawan pati na sa ating mga kaluluwa. Sinabi niya na, kapag ang isang lalake ay nakipagtalik sa isang babaeng bayaran, siya’y naging “kaisa niya sa laman” (talata 16). Malinaw na ang pakikipagtalik, kahit ano pa ang konteksto, ay espesyal. May antas ng kahinaan na nararanasan ang isang tao sa isang sekswal na relasyong nais Diyos. Kahit na iniisip mong pakakasalan mo ang isang tao, mahalaga na igalang ang isa’t isa sa pamamagitan ng paghihintay hanggang sa kayo’y ikasal bago ibigay ang inyong sarili sa isa’t isa.
Ang simpleng pagkakaroon sa hinaharap ng mga plano sa pagpapakasal ay hindi nagbibigay ng karapatan sa sinuman na suwayin ang mga malinaw na utos ng Diyos sa Kasulatan. Kung nagpaplano kayong magpakasal, binabati namin kayo! Ngunit, sa inyong pagpaplano, igalang ninyo ang Diyos at igalang ang inyong magiging asawa. Ang premarital sex ay isang tukso para sa bawat engaged o magkasintahan na nangangailangan ng pag-iingat at isang pangako na lumakad sa Espiritu. Isipin ninyo ang inyong mga plano sa pagpapakasal. Isipin ang kabutihan ng Diyos sa inyo bilang magkasintahan. Ngunit “huwag isipin kung paano mapagbigyan ang mga pita ng laman” (Roma 13:14).
Para sa mga nakipagtalik na bago magpakasal, may pag-asa at kapatawaran kay Cristo. Kung ipapahayag natin ang ating kasalanan, Siya’y magpapatawad at lilinisin tayo mula sa “lahat ng kalikuan” (1 Juan 1:9). Maaaring magsimula ngayon sa isang bagong landas ng kalinisan, na may panibagong pangako na mamuhay ng may kalinisan hanggang sa magpakasal sa kabila ng nakaraang mga kasalanan. Gaya ng isinulat ni Pablo, “Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit” (Filipos 3:13–14).
English
Ayos lang ba na makipagtalik bago magpakasal kung alam mong pakakasalan mo ang isang tao?