Tanong
Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol pagtatalik ng magasawa?
Sagot
Ang sex ay nilikha upang maging isang natatanging karanasan na magbibigkis sa mag-asawa na tinatawag ng Bibliya na “pagiging isang laman” at ng pagkakaisa (Mateo 19:6). Dahil ang Diyos ang lumikha sa sex, Siya ang nagtatakda ng mga hangganan para sa paggamit nito at binibigyang linaw Niya ang mga hangganang iyon sa buong Kasulatan (Hebreo 13:4; 1 Corinto 6:18). Ang sex ay idinisenyo para sa magasawa na. Walang dapat tumutol. Ang anumang sex sa labas ng mga hangganang iyon ay kasalanan. At sa kabila ng nais paniwalaan ng kasalukuyang kultura, ang sex ay sa pagitan lamang ng isang lalake at isang babae, hindi sa pagitan ng dalawang lalake o dalawang babae. Ang simpleng biology ay nagpapakita na ang mga katawan ng lalake at babae ay idinisenyo upang maging isa sa paraang hindi magagawa ng parehong kasarian. Alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa. Kaya’t alamin natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtatalik ng magasawa.
Una sa lahat, ang pagtatalik ng magasaw ay ang pagsasakatuparan ng panghabambuhay na pangako na ginawa ng dalawang tao. Noong unang panahon, sa iba't ibang kultura, ang mga pagdiriwang ng kasal ay madalas na may kasamang "seremonya ng higaan," kung saan ang ikakasal na lalake at babae ay pumapasok sa isang silid upang isakatuparan ang kanilang kasal. Babalik sila sa pagdiriwang pagkatapos at magpapatuloy ang pagdiriwang kasama ang mga kaibigan at pamilya. Ang kasal ay hindi itinuturing na ganap hangga’t hindi pa nagtatalik ang dalawa. Bagama’t tila may kabastusan ito ayon sa ating mga modernong pamantayan, ipinapakita nito ang tradisyonal na pagpapahalaga na ibinibigay ng maraming kultura sa virginity at marital sex.
Dahil malakas ang sekswal na pagnanasa, hinihikayat ng Bibliya ang pag-aasawa upang maiwasan ang sekswal na imoralidad (1 Corinto 7:1–2). Ang pagtatalik ng magasawa ay dapat na palagi at madalas upang ang mag-asawa ay hindi matuksong magkasala ng pangangalunya (1 Corinto 7:5). Nagbibigay ang Bibliya ng detalyadong mga bilin tungkol sa kasal, sekswalidad, at diborsyo sa 1 Corinto 7. Ang katawan ng mag-asawa ay pag-aari ng isa't isa. Sinasabi sa talata 4, “Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalake ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa.” Kapag ang katawan ay ibinigay na sa isang tao na ating pinangakuan, dapat lamang na umiwas tayo sa pakikiapid. Kapag naiintindihan natin na ang ating mga katawan ay hindi na sa atin at ito’y ipinangako na sa isang asawa, maaring isarado natin ang pinto sa anumang pag-iisip na ipagamit ito sa iba.
Idinisenyo ng Diyos ang pag-aasawa bilang larawan ng kasunduan sa relasyon na nais Niya para sa atin (2 Corinto 11:2). Nagbibigay ang Diyos ng malaking pagpapahalaga sa sekswalidad ng tao dahil ang pagtatalik ng magasawa ay pinakamatinding relasyon na maaaring magkaroon ang dalawang tao. Larawan rin ito ng intimacy na nais ng Diyos na maranasan natin na kasama Siya. Sa pagtatalik ng mag-asawa, may pagbibigay ng katawan, at sa ating espiritwal na relasyon sa Diyos, dapat nating ihandog ang ating mga katawan bilang isang buhay na handog (Roma 12:1–2). Ang sekswal na gawain ay isang pagtupad ng kasunduan na ginawa sa pagitan ng isang lalake at isang babae. Ang mga kasunduan ay palaging tinutupad sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo (Exodo 24:8), at kadalasan, may dumadaloy na dugo kapag nawawala ang pagka-birhen. Nang gawin ng Diyos ang Kanyang tipan sa atin, ang dugo ni Cristo ay dumanak (Hebreo 13:20). Ang pagtatalik sa kasal ay higit pa sa isang paraan ng pagpaparami at isang ligtas na paraan para sa ating mga sekswal na pagnanasa. Ito’y banal sa paningin ng Diyos dahil sumisimbolo ito sa dalisay na relasyon na nais Niyang ibahagi sa atin. Ang pakikipagtalik bilang isang pangkaraniwang gawain ay nag-aalis ng tunay na kahulugan nito.
Ang pagtatalik sa pagitan ng magasawa ang tanging sekswal na gawain na pinagtibay ng ating Lumikha. Dapat itong ituring bilang isang banal na kaloob at ikinasasaya ng mag-asawa. Dapat nating bantayan ang ating mga puso at mga mata mula sa anumang tukso mula sa labas na nagsisikap dumihan o magnakaw ng sexual intimacy. Ang pornograpya, pakikiapid, diborsyo, at kalaswaan ay nagnanakaw sa atin ng kagandahan at kahalagahan na inilaan ng Diyos sa sekswal na gawain. Hindi mo mararanasan ang idinisenyo ng Diyos sa seskwalidad, maliban kung inilalaan mo ang lahat ng iyong mga sekswal na gawain para lamang sa iyong asawa.
English
Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol pagtatalik ng magasawa?