settings icon
share icon
Tanong

Sino ang sumulat sa Bibliya?

Sagot


Tamang sabihin na ang Diyos ang sumulat sa Bibliya. Ayon sa 2 Timoteo 3:16, ang mga Kasulatan ay “hiningahan” ng Diyos. Sa buong Bibliya, makikita na laging binabanggit na nagsasalita ang Diyos. Mahigit sa 400 beses na mababasa natin ang mga salitang “sinabi ng Panginoon.” Tinutukoy ng Bibliya ang kanyang sarili bilang Salita ng Diyos ng labindalawang beses (hal. Awit 119; Kawikaan 30:5; Isaias 40:8; 55:11; Jeremias 23:29; Juan 17:17; Roma 10:17; Efeso 6:17; Hebreo 4:12). Sinasabing ang Bibliya ay nanggaling sa bibig ng Diyos (Deuteronomio 8:3; Mateo 4:4).

Gayunman, ang pagsasabi na ang Diyos ang sumulat ng Bibliya ay hindi nangangahulugan na humawak ang Diyos ng isang lapis o bolpen pagkatapos ay kumuha ng susulatan at pisikal na isinulat ang mga teksto ng Kasulatan. Ang Kanyang “pagsulat” ay hindi pisikal na aksyon. Sa halip, ang pag-akda ng Diyos sa Bibliya ay nagawa sa pamamagitan ng proseso ng pagkasi o inspirasyon, habang isinusulat ng mga manunulat na tao ang mensahe ng Diyos.

Kaya nga tama ding sabihin na ang mga taong kinasihan ng Diyos ang sumulat sa Bibliya. Ang doktrina ng pagkasi o inspirasyon ng Bibliya sa esensya, ay ang katuruan na pinamahalaan ng Diyos ang mga manunulat ng Bibliya upang ang kanilang indibidwal na istilo sa pagsulat ay mapreserba ngunit ang resulta ay kung ano ang eksaktong nais ng Diyos na kanilang isulat. Halimbawa, noong umupo si Mateo at isulat ang tala ng ministeryo ni Jesus, nagtiwala siya sa kanyang memorya (si Mateo ay isang saksi sa mga pangyayari na kanyang itinala) sa tulong ng Banal na Espiritu habang iniisip ang kanyang sinusulatan (Sumulat si Mateo para sa mambabasang Judio). Ang resulta ay ang Ebanghelyo ni Mateo—isang salaysay na puno ng bokabularyo ni Mateo, gramatika ni Mateo, syntax ni Mateo, at istilo ni Mateo sa pagsulat. Subalit ang kanyang isinulat ay Salita pa rin ng Diyos. Ginabayan ng Banal na Espiritu ang pagsulat ni Mateo na anupa’t ang lahat ng kanyang naisulat ay kung ano lang ang nais na ipasulat ng Diyos at walang kahit anong naisama na hindi nais ipasulat ng Diyos.

Inilarawan ni Pedro ang proseso ng inspirasyon o pagkasi sa ganitong paran: “sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (2 Pedro 1:21). Sinabi ni Propeta Jeremias na ang inspirasyon o pagkasi ay halos tulad sa pagpilit sa kanya na isulat ang mensahe ng Diyos: “Para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto.

Sinikap kong tiisin ito” (Jeremias 20:9). Hindi ito maaaring takasan; nais ng Diyos na makipagugnayan; kaya’t kailangang magsulat ni Jeremias.

Hindi binabanggit ng lahat ng aklat ng Bibliya kung sino ang sumulat sa kanila. Halimbawa, hindi kilala kung sino ang manunulat ng Hebreo. Para sa maraming aklat ng Bibliya, simpleng walang paraan para matiyak kung sino ang manunulat. Ngunit hindi nito binabago ang isang bagay na nakatitiyak tayo, na ang Diyos ang sumulat nito.

Maraming kilalang manunulat sa buong kasulatan ang gumamit ng mga amunuenses o mga kalihim para isulat ang kanilang literatura. Ang manunulang si Juan Milton ay nabulag sa edad na 44. Ang Kanyang buong aklat na “Nawalang Paraiso” ay kanyang idinikta sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak—sa sinumang maaaring sumulat para sa kanya—at ito ang paraan kung paanong naitala ang buong epiko (may kabuuang 10,550 linya ng tula). Kahit na hindi humawak si Milton ng bolpen o lapis, walang nagtatanong kung siya ang sumulat sa “Nawalang Paraiso.” Ang Nawalang Paraiso ay Kanyang sinulat. Nauunawaan natin ang trabaho ng isang amanuensis. Habang hindi idinikta ng Diyos ang Kanyang salita sa mga taong manunulat, pareho din ang prinsipyo. Ang Diyos ang manunulat ng Bibliya, na ginamit ang mga tao bilang Kanyang mga “amanuenses,” at ang resulta ay ang kinasihang Salita ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino ang sumulat sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries