settings icon
share icon
Tanong

Sino si Lukas sa Bibliya?

Sagot


Kaunti lang ang ating nalalaman tungkol kay Lukas, ang sumulat ng ebanghelyo ni Lukas at ng aklat ng mga Gawa sa Bibliya. Alam natin na siya ay isang doktor at ang tanging purong Hentil na sumulat ng 2 aklat ng Bagong Tipan. Ipinakita sa sulat ni Pablo sa mga taga Colosas ang pagkakaiba ni Lukas sa kanyang ibang mga kasalanan na mga "sa pagtutuli" na nangangahulugan na mga Judio (Colosas 4:11). Si Lukas ang tanging manunulat sa Bagong Tipan na malinaw na makikilala bilang isang Hentil o hindi Judio.

Si Lukas ang may-akda ng ebanghelyo ni Lukas at ng aklat ng mga Gawa. Hindi binanggit ni Lukas ang pangalang bilang manunulat sa alinman sa kanyang dalawang aklat, ngunit binanggit ni Pablo ang kanyang pangalan sa kanyang tatlong sulat. Parehong isinulat ang ebanghelyo ni Lukas at aklat ng mga Gawa sa isang taong nagngangalang Teofilo (Lukas 1:3; Gawa 1:1). Walang sinuman ang nakakaalam kung sino si Teofilo, ngunit alam natin na ang layunin ni Lukas sa pagsulat sa dalawang aklat ay upang magkaroon si Teofilo ng katiyakan tungkol sa persona at gawain ni Jesu Cristo (Lukas 1:4). Maaaring natanggap na ni Teofilo ang mga pangunahing katuruan ng doktrinang Kristiyano ngunit hindi pa siya ganap na matibay sa kanyang paninindigan sa mga iyon.

Si Lukas ay isang matalik na kaibigan ni Pablo, na tinutukoy siya bilang "ang pinakamamahal na manggagamot" (Colosas 4:14). Maaaring ang interes ni Lukas sa medisina ang dahilan sa pagbibigay niya ng mataas na pagtingin sa mga himala ng pagpapagaling ni Jesus.

Tinutukoy din ni Pablo si Lukas bilang isang "kapwa kamanggagawa" (Filemon 1:24). Sumama si Lukas kay Pablo sa Troas sa Asia Minor sa ikalawang pagmimisyon ni Pablo (Gawa 16:6–11). May ilang iskolar na nagpapalagay na si Lukas ang isang "lalaki sa Macedonia" na nakita ni Pablo sa kanyang panaginip (Gawa 16:9). Naiwan si Lukas sa Filipos sa ikalawang pagmimisyon ni Pablo (Gawa 17:1) at muling sumama kay Pablo sa paglalakbay sa kanyang ikatlong pagmimisyon (Gawa 20:5). Sinamahan ni Lukas si Pablo sa kanyang paglalakbay patungong Jerusalem at Roma at kasa-kasama niya sa kanyang pagkabilanggo doon (2 Timoteo 4:11). Ang malinaw na paglalarawan ni Lukas sa kanyang mga paglalakbay kasama ni Pablo sa Gawa 27 ay tila nagpapahiwatig na sanay siyang maglakbay.

Napansin ng mga iskolar ng Bibliya na napakagaling ni Lukas sa salitang Griyego. Malawak at mayaman ang kanyang bokabularyo at minsan, ang kanyang isitlo ng pagsulat ay katulad ng klasikal na Griyego gaya ng kanyang panimula sa kanyang ebanghelyo (Lukas 1:1–4), habang may iba namang pagkakataon na tila ang kanyang bokabularyo ay mala-semitiko (Lukas 1:5—2:52). Pamilyar si Lukas sa paglalakbay sa dagat at may espesyal na pagkahilig sa pagtatala ng mga detalye ng heograpiya. Ang lahat na ito ay nagpapahiwatig na siya ay may mataas na pinagaralan, mapagmasid at isang maingat na manunulat.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino si Lukas sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries