settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sistematikong teolohiya (Systematic Theology)?

Sagot


Ang salitang ‘sistematiko’ ay nangangahulugan ng paggawa ng isang maayos na sistema. Ang sistematikong teolohiya kung ganoon ay paglalagay ng mga katuruang Kristiyano sa isang maayos na sistema upang maipaliwanag ng mas malinaw ang ang mga katuruan ng Bibliya. Halimbawa, maraming mga aklat sa Bibliya ang binabanggit ang paksa tungkol sa mga anghel. Hindi lahat ng aklat sa Bibliya ay bumabanggit sa mga anghel kaya't ang ginagawa ng sistematikong teolohiya ay kinukuha ang lahat ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa mga anghel at inaayos ang mga katototohanang natagpuan at tinatawag itong “isang sistematikong pag-aaral tungkol sa mga anghel o angeology.” Ito ang ibig sabihin ng sistematikong teolohiya. Ito ay tungkol sa pagsasaayos ng mga katuruan sa Bibliya at paggawa sa kanila ng kategorya.

Ang Paterology o Theology Proper ay ang pagaaral tungkol sa Diyos Ama. Ang Christology naman ang pag-aaral tungkol sa Diyos Anak. Ang Pneumatology ang pag-aaral tungkol sa Diyos Espiritu Santo. Ang Bibliology ang pagaaral tungkol sa Bibliya. Ang Soteriology ang pagaral tungkol sa kaligtasan. Ang Eschatology ang pagaaral sa mga mangyayari sa hinaharap. Ang Angeology ang pagaaral tungkol sa mga anghel. Ang Demonology ang pagaaral tungkol sa pananaw ng mga Kristiyano sa mga demonyo. Ang Christian anthropology ang pag-aaral tungkol sa tao at ang hamartiology ang pagaaral tungkol sa kasalanan. Ang sistematikong teolohiya (systematic theology) ay isang napakahalagang kasangkapan upang maunawaan at maituro ang mga katuruan ng Bibliya sa isang organisado at maayos na pamamaraan.

Bilang karagdagan sa sistematikong teolohiya, mayroon pang ibang mga paraan upang pagaralan ang mga katuruan sa Bibliya katulad ng Biblical Theology. Ito ay tumutukoy sa pagaaral ng isang aklat o mga aklat ng Biblia habang binibigyang pansin ang iba't-ibang aspeto ng teolohiya na pinagtutuunan ng pansin ng bawat aklat. Halimbawa, ang Ebanghelyo ni Juan ay nakatuon sa pagaaral tungkol kay Kristo dahilan sa binibigyang diin nito ang pagka-Diyos ni Kristo (Juan 1:1:14: 8:58; 10:30). Ang historikal na teolohiya naman ay ang pagaaral ng mga doktrina at kung paanong sila pinaunlad sa kasaysayan ng Iglesia. Ang dogmatic theology naman ay ang pagaaral ng mga doktrina ng ilang grupo ng mananampalataya na may sariling sistema ng paniniwala, gaya halimbawa ng teolohiya ni John Calvin at ang teolohiya tungkol sa mga kaganapan sa mga huling araw. Ang contemporary theology naman ay ang pagaaral ng mga doktrina ng Bibliya na binibigyang diin ang kaugnayan nito sa makabagong panahon. Anuman ang paraan ng pagaaral ng Bibliya, ang mahalaga ay napag-aaralan ang Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sistematikong teolohiya (Systematic Theology)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries